Apektado! Heart Evangelista Malaki Ang Pinagbago Simula Ng Maghiwalay Sila Ni Chiz Escudero!

Sabado, Setyembre 17, 2022

/ by Lovely


Sa pananahimik ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista hinggil sa isyu ng kanilang paghihiwalay, patuloy namang gumagawa ng mga speculation ang mga netizens at kung ano-ano na lamang ang mga naiisip ng mga ito ngayon.

Laging binabantayan ng mga netizens ang mga posts at updates ni Heart sa kanyang social media ngayon. Marahil ay upang makakuha ng sagot sa matagal ng katanungan hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon. Alam naman kasi ng lahat na walang mahihita mula sa social media accounts ng senador dahil napakapribado nitong tao.

May ilan namang mga netizens na nakapansin na may mga pagbabago umano ngayon kay Heart. Kapansin-pansin umano na bagama't nananahimik ay apektadong-apektado umano ngayon si Heart sa mga isyung kinakaharap niya.

Kapansin-pansin din umano ang tila pagpayat ngayon ni Heart na malayo sa katawan nito noon. Kilala naman si Heart sa pagiging petite ngunit iba na umano ang pagbaba ng timbang nito ngayon. Napansin din ng iba na bagama't ngumingiti ito at patuloy ang pagtatrabaho ay mababanaag pa rin sa mga mata nito ang lungkot.



Patuloy namang humihiling ang kanyang mga solid fans na malalampasan ng mag-asawa ang kung anumang kinakaharap ng mga ito ngayon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo