Matapos Maloko Ng 7 Million Ng Contractor K Brosas Nakalipat Na Sa Kanyang Dream House!

Sabado, Setyembre 17, 2022

/ by Lovely

Matapos maloko at tangayin ang pera ng nakuhang contractor, masayang inanunsyo ng singer-comedian na si K Brosas na nakalipat na sila sa katatapos lamang na dream house na ipinatayo niya sa Quezon City.

Sa social media accounts ni K Brosas, ibinahagi niya ang ilang mga larawan at ilang video ng kanilang bagong tahanan.

Matatandaang nagkademandahan noon sina K Brosas at ang kanyang contractor. Ayon kay K, bigla na lamang hindi nagpakita ang contractor at tinangay pa nito ang 7 million pesos na dapat ay para sa mga materyales ng mga gagawin sa bahay.

Sa Twitter, masayang ibinalita ni K ang kanilang paglapit. Ayon pa sa post ng singer ang bathroom pa lamang nila ang maayos. Mabilisan ding ipinasilip na K ang kanyang elegant living room, dining area, kitchen at walk in closet sa publiko.

Ayon kay K, "Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe.. sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat Lord natapos din. at last mukhang bahay na talaga hindi bodega hehe.. yung room ko na lang magulo.. thanks @sylpauljoycefurniture sa aking dining set at sofa.. @laminwood sa aking kitchen set up.. at sa aking lawyer na si @kuyanicooo na nagbigay ng painting na bumagay sa house.. aylabet! at syempre sa aking architect at contractor na si @archt_jhigs salamat sa lahat, highly recommend ko sha sa inyo infer! house tour video vlog soon hehe.. habanaysdey! lablablab!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo