Vice Ganda, May Pasaring Kina Cristy Fermin at Romel Chika

Walang komento

Miyerkules, Marso 27, 2024


 Tila hindi pa rin natatapos ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang pambabanat kay Cristy Fermin at nadamay na rin ngayon ang kasamahan ni Cristy Fermin sa show na si Romel Chika.


Hindi na nagtitimpi si Vice Ganda sa mga naging pasaring ni Cristy Fermin laban sa kanya kaya naman binanatan na niya ito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging kritiko ni Cristy Fermin kay Vice Ganda kung saan ilang beses na rin nitong pinagsabihan ang komedyante.


Kamakailan lamang ay binanatan ni Cristy Fermin si Vice Ganda matapos mailipat sa Kapuso network ang It's Showtime, kung saan sinabihan ng kolumnista si Vice Ganda na hindi na isang kabayo kundi isa nang pusa dahil kinakain na nito ang kanyang mga sinasabi.


Tila hindi naman ito pinalampas ni Vice Ganda dahil sa kanyang kamakailang tweet, nagbahagi si Vice Ganda ng isang meme kung saan makikita ang dalawang odd looking creature na tinawatawag ang isa ng 'Nay'.


Alam naman ng lahat na tinatawag na 'Nay' si Cristy Fermin sa entertainment industry.


“Nangigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tyo daliiii!” pahayag ng unang creature na may pangit na hitsura.


“Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!” sagot naman ng isa pa.


Sa caption, sinulat ni Vice Ganda ang, 'bwak bwak bwak' na una na niyang pinasaring kay Cristy Fermin.


Marami naman sa mga netizen na sumusuporta kay Vice Ganda ang nagsasabing tama lamang ang ginawa nito dahil sumusubra na rin ang pagpapansin nina Cristy Fermin at Romel Chika.


Samantala may mga dumuporta naman kay Cristy Fermin kung saan inilahad nila kung gaano kayabang si Vice Ganda. Ipinunto rin nila ang ilang mga napapansing pagputol ni Vice Ganda sa sasabihin sana ng ibang mga host sa show na nagpapakita lamang umano ng kawalan ng respeto.


"Totoo naman na mayabang talaga si accluh sa comedy bar pa. Up until now kahit sa It’s Showtime, maski hosting, nananapaw sa kapwa hosts. Yung ibang hosts na may gusto pa sana itanong, kina cut nya. So…"


Paolo Contis, Handang Maging Host Ng It's Showtime

Walang komento


 Dating main host ng Tahanang Pinakamasaya na si Paolo Contis handang magtrabaho sa It's Showtime matapos mailipat ang nasabing show sa GMA7.


Sa kamakailang panayam kay Paolo Contis nitong lunes March 25, 2024, naitanong sa kanya ang posibilidad na makasama sa noontime show na It's Showtime.


Kaagad naman itong sinagot ni Paolo Contis, na bukas siya at wala naman umanong problema sa kanya kung makakasama siya noontime show na It's Showtime.


Inilahad pa ni Paolo Contis na kaibigan naman niya ang ilang sa mga host ng It's Showtime lalo na ang singer na si Ogie Alcasid na ilang taon din niyang nakasama sa Bubble Gang.


Ayon kay Paolo Contis, work is work kaya naman handa niyang tanggapin ang mga trabahong ibibigay para sa kanya.


Ipinahayag rin ni Paolo Contis ang kanyang kasiyahan para sa It's Showtime na nagkaroon ng panibagong tahanan sa Kapuso network.


May mga netizens naman ang hindi kumbinsido sa pahayag na ito ni Paolo Contis dahil kung tatanggapin ni Paolo Contis ang hosting ng It's Showtime ay parang tinrayddor na rin nito ang TAPE Inc. gayung todo-todo pa naman ang kanyang pagsusuporta noong kabahagi pa siya ng Tahanang Pinakamasaya.


Matatatandaan na matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA network noong March 20, 2024 ay naglabas ng joint statement ang mga nasabing network upang opisyal na ianunsyo kung kailan mag-uumpisa ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA Network.


Ayon sa inilabas na joint statement ng GMA7 at ABS-CBN, magsisimulang eere ang It's Showtime sa kanilang bagong tahanan sa darating na April 6, 2024 mula 12:00 ng tanghali hanggang alas dos y medya ng hapon mula lunes hanggang sabado.


Sa kabilang banda labis naman ang pasasalamat ni Vice Ganda sa GMA Network sa pagtanggap sa kanila at pagbibigay ng platform para mas marami pa silang mapapasayang tao.


Sa ngayon ay patuloy namang inaabangan ng maraming mga manonood ang magiging pagbabago sa It's Showtime ngayong co-produced na ito ng GMA7.


Marami ang napapatanong kung sino-sino ang mga Kapuso artist ang papasok sa show at kung ano naman ang mangyayari sa mga kasalukuyang host ng show ngayon.



Sarah Geronimo at Mommy Divine Nagkaayos Na, Matteo Guidicelli at Mommy Divine Nagkaayos Narin!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo at ina nitong si Mommy Divine. 


Matapos ang mahigit apat na taon ng hindi pag-uusap, nagkaayos na umano ang mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine sa katunayan ay welcome na umano sila sa pamamahay nito kung saan may pagkakataon na nakitulog na sila roon.


May mga panibagong update na naman ang ilang mga reliable source patungkol sa relasyon ng mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo matapos ang apat na taon nang lumalala ang kanilang hidwaan dahil sa pagpapakasal ni Sarah kay Matteo Guidicelli.


Sa latest episode ng Showbiz Updates noong byernes, March 23, 2024, isiniwalat ni Ogie Diaz ang nasagap niyang balita patungkol sa mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo.


Ipinarating umano sa kanya ng kanyang source na maayos na ang relasyon ngayon nina Sarah Geronimo at Mommy Divine. Sa katunayan ay sa bahay na umano nito natutulog si Sarah Geronimo tuwing sabado at linggo na pinayagan naman ng mister na si Matteo Guidicelli.


Ayon kay Ogie Diaz, matagal na umanong nagkaayos sina Mommy Divine at Sarah Geronimo, sa katunayan ay sinabi umano sa kanya ng kanyang sources na noong nakaraang taon ay magkasamang nagpunta sa Europe sina Sarah Geronimo at Mommy Divine. Muli pa umano silang nagbakasyon nito lamang taon sa bansang Japan naman.


Samantala, naitanong naman ng co-host ni Ogie Diaz na si Mama Loi na kung totoong nagkasamang magbakasyon noon sina Sarah Geronimo at Mommy Divine ay bakit wala lamang mga kumalat na larawan ng pagsasama nila.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay nanatiling tahimik si Sarah Geronimo sa isyu nila ng kanyang ina si Mommy Divine. 


Ang tanging pinanghuhugutan lamang ngayon ng mga netizens ay ang pasasalamat ni Sarah Geronimo sa kanyang inang si Mommy Divine noong tinanggap niya ang award mula sa 2024 Billboard Women in Music Awards.



Kim Chiu Nagsalita Na Sa Hiling Ng Ex Na Si Xian Lim Na Makipagbalikan Sa Kanya!

Walang komento


 Sinagot na ng aktres at It's Showtime host na si Kim Chiu ang mga naging pahayag ni Xian Lim na sinasabing nais siyang balikan nito pagdating ng araw.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nasa moving on stage pa rin hanggang ngayon si Kim Chiu sa nangyaring paghihiwalay nila ni Xian Lim.


Aminado rin naman si Kim Chiu na kahit ilang buwan na rin ang nagdaan mula nang nagkahiwalay sila ni Xian Lim ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang kanyang nararamdaman para rito dahil sa tagal ng kanilang relasyon at napakarami na nilang mga memories na pinagsamahan.


Samantala, sa isang panayam noon kay Xian Lim, inamin ng aktor na kung mabibigyan siya ng pagkakataon na balikan ang kanyang past relationship ay babalikan niya ito pero hindi na ang mga kontrobersiya na mga pinagdaanan niya kaugnay ng kanilang relasyon.


Aminado rin umano si Xian Lim na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siyang pagmamahal para kay Kim Chiu at kung maari ay babalikan niya ito sa tamang panahon.


Samantala, hindi ito nagustuhan ng mga tagahanga ni Kim Chiu dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na mayroon nang nobya ngayon si Xian Lim na ipinalit niya kay Kim Chiu.


Hindi na umano maganda na tila ginawa naman ng aktor na reserba si Kim Chiu sakaling hindi mag work out ang relasyon nila ngayon ni Iris Lee.


May mga nagsasabi pa na kung totoong mahal talaga ni Xian Lim si Kim Chiu ay bakit niya pa ito hiniwalayan. May mga naniniwala pang balak na namang gamitin ni Xian Lim si Kim Chiu dahil makikita namang magnanda ang takbo ng career ngayon ng aktres at sunod-sunod ang mga projects nito.


Samantala, may mga nagtanong naman kay Kim Chiu kung may balak ba siyang balikan si Xian Lim, kaagad na sinabi ng aktres na hindi na umano siya magbibigay ng panibagong chance kay Xian Lim at magpo-pokus na lamang muna siya sa kanyang showbiz career.



Bagong Cast Ng Senior High Season 2 Ipinakilala Na!

Walang komento


 Panibagong cast na bubuo sa panibagong season ng Senior High na pamamagatanga High Street ipinakilala na.


Ipinakilala na ang mga artistang bubuo sa panibagong season ng GEN Z teleserye na Senior High na may pamagat na High Street.


Sa isang story conference na ibinahagi mismo ng official Facebook page ng Dreamscape Entertainment inilahad nila ang panibagong cast na makakasama sa teleseryeng Senior High na pagbibidahan pa rin ng aktres na si Andrea Brillantes.


May mga cast rin naman na nagmula pa sa unang serye na makakasama pa rin sa panibagong season katulad na lamang nina Juan Karlos, Xyriel Manabat, Elaijah Canlas, Zaijan Jaranilla, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, at Gela Atayde.


Hindi na makakasama sa panibagong season ng serye sina Kyle Echarri at Daniela Stranner dahil pare-pareho na silang abala sa ibang proyekto ng Dreamscape na pinamagatang Pamilya Sagrado.


Samantala, makakasama pa rin naman ang ilang mga bigating artista mula sa original cast ng show katulad na lamang nina Angel Aquino, Mon Confiado, Anna Abad Santos, Angeli Bayani, Gerard Madrid, Inka Magnaye, Rans Rifol.


Lalo pang maging kaabang-abang ang High Street dahil sa pagpasok ng mga bagong cast na lalong magpapaganda sa kwento na kinabibilangan nina Dimples Romana, Romnick Sarmenta, Ralph de Leon, AC Bonifacio, at Harvey Bautista.


Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Andrea Brillantes sa kanyang social media account ang pagkakaroon niya ng panibagong project. Kalakip nito ang mga larawan niya kasama ang ilang mga artista na nakasama na rin niya noon sa Senior High.


Kaagad namang nagpahayag ng kanilang excitement ang mga tagasubaybay ng Senior High na noon pa man ay humihiling na ng sequel sa nasabing teleserye.


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ng ilang mga fans na malungkot dahil hindi na makakasama ang ibang mga cast ng teleserye subalit ipinahayag pa rin naman nila na patuloy pa rin nilang susuportahan at papanoorin ang High Street ang panibagong season ng Senior High.



Xian Gaza, Matapang Na Ibinunyag Ang Na 3rd Party Si Iris Lee Sa Relasyon Kim Chui at Xian Lim!

Walang komento


 Muli na namang naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang isiniwalat ng self-proclaimed pambansang marites na Xian Gaza patungkol sa dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Ayon kay Xian Gaza, nagli-live in na sina Xian Lim at Iris Lee bago pa man tuluyang maghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Ito din umano ang dahilan kung bakit labis na nasasaktan si Kim Chiu dahil lumalabas na siya pa ang kabit kahit mas una naman silang magkarelasyon ni Xian Lim.


Samantala, isa umano sa mga dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang loob ni Xian Lim kay Iris Lee ay dahil nawalan na ng oras para sa kanya si Kim Chiu dahil abala na ito sa kanyang trabaho.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na naging sunod-sunod ang pagtanggap ni Kim Chiu ng project bukod pa sa pagiging host sa It's Showtime.


Naibaling naman umano ni Xian Lim ang kanyang pagmamahal kay Iris Lee na palagi niyang nakikita sa trabaho.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Kim Chiu ang lalong naiinis ngayon kay Xian Lim dahil kung totoong nawalan na siya ng pagmamahal sa aktres ay dapat hiniwalayan niya ito ng maayos at hindi iyong palihim din siyang nakikipagrelasyon sa iba.


May mga nagsasabi pa na talagang ginamit lamang noon ni Xian Kim si Kim Chiu upang makilala rin ang kanyang pangalan sa showbiz at kaya hiniwalayan na niya ito ay dahil naging sikat na rin siya.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang naniniwalang hindi naman naging masalimoot ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim dahil sa mga naging panayam sa aktres ay inilahad noyang bukas pa rin siyang magkasama sila sa trabaho ni Xian Lim dahil hindi naman umano sila magkaaway.



Gutierrez Family, Celebrate Kai Birthday Na Hindi Dinaluhan Ni Sarah Lahbati

Walang komento

Martes, Marso 26, 2024


 Trending at pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga kumakalat na video ng mga Gutierrez habang ipinagdiriwang nila ang kaarawan ni Kai Gutierrez, isa sa mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Kaagad na hinanap ng mga netizens ang aktres na si Sarah Lahbati na ina ni Kai subalit hindi ito namataan sa naganap na party.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ng ilang mga larawan na kuha sa Minecraft-themed birthday party ni Kai, na pangalawang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Sa caption inilahad niya ang sweet message para sa bata, “Always be a good boy and study hard, cutie Kai. Thank you for being a blessing to all of us. We love you!”


Spotted naman sa nasabing party ang ilang mga artista na naging malalapit na kaibigan ng Gutierrez family na kinabibilangan nina Alice Dixon, Karla Estrada, Sunshine Cruz bukod sa iba pa.


Marami naman sa mga netizens ang bumati kay Kai at sinasabing nalulungkot sila dahil hindi na buo ang pamilya nito.


May mga nakapansin pa na tila may lungkot umanong nakikita sa mata ni Zion kahit pa nakangiti ito, tila naiintindihan na rin kasi nito ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya, ang paghihiwalay ng kanilang mga magulang.


May ilan pang mga netizens ang humiling na sana ay maayos nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang isyu dahil ang mas naaapektuhan sa kanilang paghihiwalay ay ang kanilang mga anak lumalaki na rin.


Samantala, umaasa naman ngayon ang ilang mga fans ni Sarah Lahbati na magkakaroon ng panibagong party si Kai kung saan sila naman ang kasama.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay lumabas ang mga bali-balitang naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang mapansin ng maraming mga tagahanga nila na hindi na silang nagkakasama sa mga ibinabahaging photos sa social media.


Hindi na rin namamataan si Sarah Lahbati sa mga okasyon at party ng mga Gutierrez, dati naman ay palagi itong kasama.


Tila nakumpirma naman ang mga haka-hakang ito, nang inamin ni Annabelle Rama sa isang panayam na hindi na umuuwi sa bahay nina Sarah Lahbati ang kanyang anak na si Richard Gutierrez.


Bukod pa rito, nagpasaring din siya kay Sarah Lahbati kung saan inihayag niya ang pagiging waldasera ay maluho nito habang si Richard naman ay abala sa trabaho.



TAPE Inc. Masama Ang Loob Sa GMA Network Dahil Sa Treatment Na Ibinibigay Sa It's Showtime!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa reaksyon ng Television and Production  Exponents Incorporated sa pagkupkop ng GMA Network sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.


Hindi umano nagustuhan ng TAPE Incorporated ang naging desisyon ng GMA Network na pagpapalipat sa It's Showtime ng ABS-CBN sa nabakanteng timeslot matapos maitigil ang kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.


Hindi rin umano nila nagustuhan ang ginawang pagtrato ng GMA7 sa ABS-CBN at maging ng mga hosts ng It's Showtime.


Marami ang nagsasabing tila selos na selos umano ngayon ang mga executives ng TAPE Inc. sa pagtrato ng GMA7 sa It's Showtime na siyang papalit sa kanilang show na Tahanang Pinakamasaya matapos na maitigil ito dahil hindi nila nabayaran ang utang sa GMA7 na iniwan pa umano sa kanilang ng TVJ noon.


Napansin rin umano ng TAPE Inc. executives na hindi naman umano naging pantay ang pagtrato sa kanila ng GMA7 at tila mas pinapaboran pa nito ang dating katapat na show kaysa sa kanila na ilang taon na ring umiere sa kanilang channel.


Sa isang episode ng programa ni Cristy Fermin, isiniwalat niya ang reaksyon ng TAPE Incorporated sa engrandeng pag-welcome ng GMA Network sa dating katapat ng kanilang show na It's Showtime.


Pakiramdam umano ng TAPE Incorporated na hindi man lamang tinulungan ng GMA7 ang kanilang show na Tahanang Pinakamasaya na naghihingalo na mula nang umalis ang TVJ at nag-iwan pa ng malaking utang.


Naghinala rin umano ang TAPE Inc. na kaya sila pini-pressure ng GMA na magbayad ng pagkakautang hanggang sa magdesisyon na lamang sila na ipatigil ang kanilang show ay para mabigyan ng pagkakataon ang It's Showtime na lumipat sa GMA Network para tumapat sa Eat Bulaga ng TVJ na umiire naman sa TV5.


Para sa TAPE Inc. ay kawalan umano ng respeto para sa kanila ang ginawa ng GMA Network na talagan ipinamukha umano sa kanila na ang pantapat sa galing ng Eat Bulaga ng TVJ ay ang It's Showtime hindi ang Tahanang Pinakamasaya.



Isa Pang ABS-CBN Show Ililipat Sa GMA7

Walang komento


 Matapos mapaalis sa TV5, usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang posibleng pagkakalipat ng isa pang Kapamilya show sa GMA7.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa posibilidad na malilipat rin umano sa GMA Network ng Kapamilya show na Magandang Buhay matapos itong masipa mula sa TV5.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon ay pina-final na lamang umano ng ABS-CBN at GMA Network ang simulcast ng nasabing morning talk show.


Samantala, naniniwala naman ngayon ang ilang mga netizens na may posibilidad na may katotohanan ang balitang ito dahil nauna nang nailipat sa main channel ng GMA7 ang Kapamilya noontime show na It's Showtime bilang pangunahing show nila.


Matatandaan na hindi man lamang nagkaroon ng abiso na hindi na pala mapapanood ang morning talk show na Magandang Buhay dahil akala ng maraming mga fans na ililipat lamang ito ng timeslot subalit hindi na ito napanood.


Ang morning talk show na Magandang Buhay ay pinangungunahan nina Regine Velasquez, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ay unang umire sa 9:30 a.m timeslot ng TV5 noong February 2023.


Inilipat naman sila sa panibagong timeslot na 7:00 a.m ng TV5 noong June 2023 kung saan tanging replays na lamang ang kanilang ipinapalabas, at usap-usapang ililipat muli sila sa mas maagang timeslot na 6:00 a.m subalit tila hindi na umano pumayag ang management kaya pinull-out na lamang ang show sa TV5.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagasuporta ng ABS-CBN ang bumabatikos sa TV5 dahil iniitsapwera nila ang mga shows ng ABS-CBN na umiire sa kanilang channel.


Naua na rito ang planong paglipat ng timeslot noon ng It's Showtime at ibigay ang dating timeslot nito sa TVJ na kalilipat lamang sa kanila dahil sa naging internal issue sa TAPE Inc.


Ngayon ay ang Magandang Buhay naman umano ang inatsapwera nito.


Samantala, hindi naman pabor ang ilang mga fans ng GMA7 sa pangungupkop ng network sa mga shows ng ABS-CBN dahil tila pinapatunayan lamang umano nito na mas magaling talaga ang mga talents ng Kapamilya networks.



Daniel Padilla Hindi Pa over Kay Kathryn Bernardo Nagpost Ng 'Cryptic Birthday Message Para Sa Kanya

Walang komento


 Tila hindi pa rin nakakamove-on ang aktor na si Daniel Padilla sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo dahil sa pagbabahagi ng isang birthday greeting sa kanyang social media account.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform ang ibinahaging Instagram stories ni Daniel Padilla nitong pagsapit ng 12 midnigt ng March 26, 2024.


Nagbahagi ng isang graphic image si Daniel Padilla na kung titingnan namang mabuti ay parang inuukit nito ang mukha ni Kathryn Bernardo.


Nakasulat naman sa Japanese ang dedication at pagbati ni Daniel Padilla para rito na Happy Birthday to you.


Marami ang naghinala na sa ganitong paraan binati ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na dati niyang kasintahan dahil nawalan na siya ng karapatang batiin ito ng hayagan mula ng maghiwalay silang dalawa.


Samantala, marami naman sa kanilang mga tagahanga ang kinilig sa gestures ni Daniel Padilla dahil kahit na naghiwalay na sila ay hindi pa rin kinakalimutan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsi-celebrate si Kathryn Bernardo ng birthday na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.


Samantala, may mga fans naman na pinayuhan na lamang si Daniel Padilla na magmove-on na lamang at itigil na ang pagpapapansin kay Kathryn Bernardo sa kaarawan nito dahil tila limot naman na siya ng aktres.


Nitong March 26, 2024, ipinagdiriwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang ika-28 na kaarawan, kasabay nito ibinahagi rin ni Kathryn Bernardo ang kanyang panibagong milestone bilang kauna-unahang Pilipina na naging ambassador ng isang French luxury brand ng pabango.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kathryn Bernardo na isa na siyang brand ambassadress ng luxury brand na Lancome.


Kung saan ibinahagi niya ang makahulugan at empowering caption, "Don’t let anyone tell you that you’re not allowed to redefine who you are. Everyone’s a work in progress. Here’s to you—because you can be your own Idôle."


Ang Idôle sa post ni Kathryn Bernardo ay ang perfume line ng Lancome.


Samantala, nauna nang naiulat na parehong dumalo sa kasalan nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla subalit hindi naman malinaw kung sabay ba silang dumating o kung nagpang-abot ba sila sa nasabing okasyon.


Sa kabilang banda, marami sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang nagbubunyi ngayon dahil sunod-sunod umano ang natatanggap ngayong blessings ni Kathryn Bernardo matapos ang pag-amin na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.



JK Labajo Nag Viral Dahil Sa Ginawa Sa Baby Na 2 Months Old Biglaang Natigil Ang Concert

Walang komento


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang video ni JK Labajo kung saan bigla niyang ipinatigil ang kanyang concert sa Paniki, Tarlac dahil sa isang two months old baby na nasa harapan niya habang tinutugtog ang kantang 'Ere'.


Avid fan umano ng aktor ang mga magulang ng bata kaya naman napilitan silang dalhin sa concert ang kanilang anak.


Kaagad naman pinaakyat ni JK Labajo sa stage ang mga magulang ng bata at pansamantalang itinigil muna ang concert.


Pinangaralan ni JK Labajo ang mga magulang ng bata sa kung ano ang maaring mangyari sa kanilang ginawa.


Inamin naman ng ama ng bata na gusto niya talagang makapanood ng concert at nais rin niyang mapansin sila ni JK Labajo. Sa katunayan may dala-dala pa silang kartolina kung saan nakasulat na gusto nilang makarga ni JK Labajo ang kanilang anak.


Aminado naman si JK Labajo na hindi niya nagustuhan ang gimik na ginawa ng mga magulang ng bata dahil nag-aalala siya sa kalusugan ng sanggol na dinala sa concert.


Ayon kay JK Labajo na marami pa naman umanong susunod na pagkakataon at marami pa naman siyang balak gawing kanta para sa kanyang mga tagahanga.


Kung palagi umano itong gawin ng mga magulang ng bata ay may posibilidad na maapektuhan ang  pandinig ng sanggol dahil masyado pa itong bata para isama sa concert.


Agad ding nagpahanap si JK Labajo ng headphone o muffler para mailagay sa bata para maproteksyunan ang pandinig nito na hindi pa fully develop.


Marami naman sa mga netizens ang humanga kay JK Labajo sa ginawa nito sa bata at sa pagpapangaral nito sa mga magulang ng bata. Pinalalahanan pa nito ang mga magulang ng bata na sa susunod ay huwag nang dalhin sa concert ang kanilang anak at iwan na lamang ito sa bahay.


Nakatanggap naman ng pambabatikos ngayon mula sa mga netizens ang mag-asawang nagdala sa kanilang anak sa concert para lamang magpapansin kay JK Labajo.


Bukod sa bata pa ito, maari rin umano itong magkasakit dahil gabi ang nasabing concert at napakalamig para sa batang katulad ng kanilang anak. Ni hindi umano nila sinuotan ng bonnet, medyas at jacket ang bata para panlaban sa lamig.


@23enitsirc

2 months old baby dinala sa concert ni JK😌

♬ original sound - Enitsirk🦋

Xian Lim Inamin Na Nawala Na Lang Ang Pagmamahal Kay Kim Chiu, Isiniwalat Ang Gagawin Kung Maibabalik Ang Panahon

Walang komento


 Nilinaw ng Kapamilya actress-TV host na ok lang para sa kanya na muling makatrabaho ang dating boyfriend na si Xian Lim lalo na ngayong lilipat na sa GMA Network ang noontime show na It's Showtime na kanyang kinabibilangan.


Sa isang panayam kay Chinita Princess Kim Chiu naitanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa posibilidad na pagiging guest ni Xian Lim na dati niyang boyfriend sa paglipat ng kanilang show sa GMA Network.


Ayon sa naging pahayag ni Kim Chiu, ok lang naman na maging guest nila sa show si Xian Lim at mag-prod roon dahil hindi naman umano sila magkaaway.


Kamakailan lamang ay inamin nina Xian Lim at Kim Chiu sa pamamagitan ng kani-kanilang social media post na pinili nilang tapusin ang kanilang 12 years relationship. 


Hindi naman nila isiniwalat ang dahilan nito subalit siniguro nila sa kanilang fans na maayos nilang tinapos ang kanilang pagmamahalan at wala silang galit sa isa't-isa.


Samantala, sa isang panayam kay Xian Lim tahasang inamin nitong bigla na lamang naglaho ang nararamdaman niyang pag-ibig para kay Kim Chiu.


Sa nasabing panayam ibinahagi rin ni Xian Lim ang kanyang ga natutunan sa pag-ibig.


Ayon kay Xian Lim, "Love is very painful, and it's also a magical feeling. But a certain point love disappear."


Sa puntong nawawala na umano ang pag-ibig ay doon na nagiging choice ang pagmamahal. Choice to stay together at ipaglaban ang isa't-isa.


Iginiit pa ni Xian Lim na kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makabalik sa nakaraan ay wala siyang babaguhin sa lahat ng nangyari sa kanyang buhay at papanoodin na lamang niya ang kanyang sarili sa mga choices nito noon.


Naniniwala din kasi umano si Xian Lim na lahat ng mga nangyayari sa past ay nakatulong sa kung ano ang kinahinatnan niya ngayon.


Matatandaan na bago pa man inamin nina Xian Lim at Kim Chiu ang kanilang paghihiwalay, nauna nang binura ni Xian Lim ang mga vlogs na pinagsamahan nila ni Kim Chiu na naka-upload sa kanyang YouTube channel.


Dahil dito, lalong tumindi ang paniniwala noon ng mga netizens na matagal nang hiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim at inilihim na muna sa lahat dahil pinoproseso pa umano ni Kim Chiu ang nangyari.


Samantala, taliwas sa pahayag ni Xian Lim naniniwala ang maraming mga netizens na hindi basta-basta nawawala ang pag-ibig.


Nawawala lamang umano ito kapag may mabigat na dahilan o di kaya naman ay mayroon nang ibang minamahal.




Gabby Eigenmann, Ipinagtanggol si Andi Eigenmann Sa Pambabatikos

Walang komento


 Ipinagtanggol ng Kapuso aktor na si Gabby Eigenmann ang kanyang half-sister na si Andi Eigenmann laban sa mga bumabatikos rito sa social media kaugnay sa mga ginagawa nito matapos ang pagpanaw ng inang si Jaclyn Jose.


Dinipensahan ni Gabby Eigenmann ang kanyang kapatid na si Andi Eigenmann na nakakatanggap ng kaliwa't-kanang pambabatikos mula sa mga netizens. Marami ang nanghuhusga ngayon kay Andi Eigenmann sa social media dahil may kumukwestyun kasi sa mga ginagawa ngayon ng aktres na pagbabahagi ng mga larawan at mensahe para kay Jaclyn Jose.


Mula noong napabalitang pumanaw na si Jaclyn Jose ay naging sunod-sunod na ang pagbabahagi ni Andi Eigenmann ng mga larawan kung saan makikitang magkasama silang dalawa kalakip ang kanyang pasasalamat at mensahe para sa ina.


Ayon sa mga netizens dapat ay noon pa ito ginawa ni Andi Eigenmann upang makarating at mabasa pa ito ni Jaclyn Jose hindi ngayong tila huli na ang lahat dahil hindi na ito mababasa pa ng yumaong aktres.


Kaagad naman ipinagtanggol ni Gabby ang kanyang kapatid sa naganap na grand media conference para sa teleseryeng kinabibilangan na My Guardian Alien at ipinuntong wala naman umanong schedule kung kailan dapat magpost at hindi rin naman umano alam ni Andi Eigenmann na may mangyayari sa kanyang ina.


Iginiit pa ni Gabby Eigenmann, na wala naman umanong nakakaalam sa kung ano ang huling usapan nina Andi at Jaclyn Jose kaya naman ay hindi umano nararapat na husgahan si Andi sa kanyang mga ginagawa ngayon.


Naitanong rin kay Gabby Eigenmann kung kumusta na ngayon si Andi Eigenmann matapos ang libing ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.


Ayon kay Gabby, maayos naman umano si Andi Eigenmann sa katunayan ay back to reality na umano ito sa Isla ng Siargao unti-unti na umano itong nagmomove-on sa nangyari sa ina.


May mga pagkakataon man umano na namimiss nito ang kanyang ina lalo na sa tuwing nag-iisa ito dahil maging siya ay may pagkakataon pa rin umanong namimiss ang yumaong ama na si Mark Gil.


Ibinahagi rin ni Gabby Eigenmann ang aral na napulot niya sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose, ito ay 'life is short'. Kaya naman. nararapat lamang umano na ngayon palang ay alagaan na ang sarili at mas pagtibayin ang connection sa ibang tao.


Nararapat rin umanong magbigay ng kapatawaran sa ibang tao kung may kagalit ka para sa iyong sariling healing.



Xian Lim Inamin Na Gustong Makipagbalikan Kay Kim Chiu Nageselos Kay Paulo Avelino

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga haka-hakang inamin umano ng aktor-direktor na si Xian Lim na nais niyang balikan si Kim Chiu matapos itong malink ngayon sa kanyang leading man na si Paulo Avelino.


Marami sa mga netizens ang naghihinalang hindi pa rin nakakamove-on hanggang ngayon ang aktor na sa kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu dahil ayon sa naging panayam umano ni Xian Lim ay kung mabibigyan lamang siya ng pagkakataon ay babalikan niya ang aktres subalit ngayon ay malabo na umano itong mangyari.


Inamin rin ni Xian Lim na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para kay Kim Chiu dahil matagal rin silang naging magkarelasyon.


May mga nagsasabi rin naman na kaya nagnanais ngayon si Xian Lim na balikan ang aktres dahil nagseselos ito sa closeness ni Kim Chiu sa kanyang leading man na si Paulo Avelino na napapabalita na ring bagong boyfriend nito.


Matatandaan na noong huling bahagi ng December 2023, tuluyang kinumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay na ilang buwan ring naging laman ng mga usap-usapan sa social media.


Bagama't hindi naman nila isiniwalat ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, kumbinsido ang ilang mga netizens na si Xian Lim ang tumapos sa kanilang relasyon dahil hindi pa umano ito handang mag-settle down.


Mas priority pa umano ni Xian Lim na tulungan ang kanyang sariling pamilya kaysa sa pagpapakasal kay Kim Chiu. May mga naghinala rin na ang dahilan ng aktor para iwanan ang aktres ay dahil sa pamilya nito na hindi pa rin siya tinatanggap.


Sa kabilang banda, may mga naniniwala rin na kaya nakipaghiwalay si Xian Lim kay Kim Chiu ay dahil sa ibang babae na tumitibok ang kanyang puso, Tila nawalan na umano ng pag-ibig si Xian Lim kay Kim Chiu lalo na noong hindi na sila nagkakasama ng madalas dahil naging abala noon si Kim Chiu sa kanyang mga showbiz engagements.



Sam Milby at Catriona Gray Nagkabalikan Na! Tuloy Na Ang Kasalan Na Gaganapin Sa Australia!

Walang komento


 Kinumpirma na ng kampo ng celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby na maayos na ngayon ang relasyon ng dalawa matapos ang unang pagsisiwalat nila na may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa.


Kinumpirma na ng reliable sources na malapit sa celebrity couple,na magkarelasyon pa rin sina Catriona Gray at Sam Milby.


Matatandaan na kumalat noon ang mga bali-balitang naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby dahil may natuklasan umano ang aktres patungkol sa pagkatao ni Sam Milby na hindi katanggap-tanggap para sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses ding napapabalita noon ang patungkol sa totoong kasarian ni Sam Milby, ngayon natuklasan na umano ito mismo ni Catriona na mayroong nakarelasyon na lalaki si Sam Milby na naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon si Sam Milby mismo ang nakipaghiwalay kay Catriona Gray upang makaiwas sa isyu at para hindi na rin kumalat pa sa social media ang lahat.


Bagama't wala namang ibinigay na dahilan, sa pagkalat noon ng mga balitang may pinagdadaanan sina Catriona Gray at Sam Milby, marami ang naniniwalang may kinalaman sa totoong gender ni Sam Milby ang dahilan.


Iginiit naman noon ng Cornerstone management, na kinabibilangan pareho nina Sam Milby at Catriona Gray na hindi naman naghiwalay ang dalawa may pinagdadaanan lamang umano ang relasyon ng dalawa at inaayos naman nila ito.


May mga nagsasabi pang ang totoong dahilan nito ay ang pagkakamove ng kanilang kasal, tila nagkatampuhan umano ang dalawa dahil naka set na sana ang lahat kinailangan pang i-move ang kasal.


Nilinaw pa noon ng Cornerstone na hindi sana sila maglalabas ng kung anong pahayag patungkol sa relasyon ng kanilang talents subalit dahil marami nang naglabasan na mga haka-haka magmula noong isiniwalat ni Ogie Diaz ang patungkol sa hiwalayan nina Catriona Gray at Sam Milby.


Sa kabilang banda, unang naitakda ang kasalan nina Catriona Gray at Sam Milby sa darating na May 2024, magaganap naman ito sa Australia, subalit dahil sa schedule ng dalawa ay hindi pa umano alam kung kailan ito magaganap.



Kathryn Bernardo at Daniel Padilla 'Nagkatitigan' Agaw Eksena Sa Kasal Ni Ria Atayde & Zanjoe Marudo

Walang komento


 Dating magkarelasyon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla parehong dumalo sa kasal ng malalapit na kaibigan na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong sabado March 23, 2024.


Isang simple intimate civil wedding ang naganap sa pagitan ng celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong March 23, 2024 sa mismong 32nd birthday ng aktres na si Ria Atayde.


Naganap ang pag-iisang dibdib nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa Quezon City Hall kung saan tanging pamilya at malalapit lamang na mga kaibigan ng dalawa ang naroroon.


Matapos ang wedding ceremony ay sinundan naman ito ng engrandeng wedding reception na dinaluhan ng kanilang mga kaibigan at mga kasamahan sa showbiz industry.


Kabilang sa mga dumalo sa reception ay ang dating magkasintahan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Bagama't hindi naman sila nakitang nagkasama sa iisang larawan at mga videos, naniniwala pa rin ang kanilang mga solid fans na nagkaroon pa rin sila ng kunting interaction sa isa't-isa at nagkumustahan rin.


Samantala, sa pagdalo ni Kathryn Bernardo sa kasal at birthday celebration nina Ria Atayde, natuldukan na ang mga usap-usapan noon na nagtapos na ang pagkakaibigan nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kay Kathryn Bernardo.


Matatandaan, na matapos aminin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay ay kumalat ang mga isyung hindi na maayos ang pagkakaibigan nina Kathryn Bernardo at Ria Atayde dahil hindi na sila namamataan na magkasama sa bakasyon.


Maging sa mga social media posts ni Ria Atayde ay hindi na rin nag-iiwan ng komento si Kathryn Bernardo at gayundin naman si Ria Atayde sa aktres.


Kaya naman marami ngayon sa mga tagahanga nina Ria Atayde, Zanjoe Marudo at Kathryn Bernardo ang nasiyahan dahil maayos pa rin pala ang kanilang pagkakaibigan kahit pa naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



Vice Ganda May Bwelta Sa Pasaring Ng TVJ Sa Paglipat Nila Sa GMA7

Walang komento

Lunes, Marso 25, 2024


 Pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang tila patutsada ni Vice Ganda laban sa mga naging pasaring ni Joey De Leon sa paglipat nila sa GMA Network.


Hindi pa man opisyal na napapanood sa GMA Network ang It's Showtime ay tila nag-umpisa na ang sagupaan ng mga hosts ng magiging magkatapat na show na Eat Bulaga at It's Showtime.


Matatandaan na tila inungkat ni Joey De Leon ang naging one liner ni Vice Ganda at sinasabing ang GMA ay where you belong, bakit sila naglilipatan, they don't care where we belong ang iniintindi namin ay ang to belong, to be the longest.


Ayon naman kay Vice Ganda, sa dinarami-rami ng pinagdaanan nila ngayon pa ba sila susuko. Marami man umano siyang naririnig ngayon, iisa lamang umano ang layunin nila ang magpasaya ng mga madlang pipol.


Pinipili na lamang rin umano nila na huwag na lamang pansinin ang mga pambabatikos na natatanggap online. Mas tinitingnan na lamang umano ni Vice Ganda at ikinasisiya na may mga taong naniniwala sa kanilang galing at patuloy silang ipinagtatanggol.


Sa kabilang banda, inihayag naman nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na hindi sila bothered sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 kung saan mabibigyan ng opportunity ang It's Showtime na mapanood sa mas malawak na audience dahil umaabot ang reception ng GMA7 sa maraming liblib na lugar sa Pilipinas.


Bukod pa rito, isa ring free channel ang GMA na mapapanood ng mga analog TV. Subalit, hindi naman umano kinakabahan ang TVJ na maaring makaapekto sa kanilang ratings. Naniniwala umano si Tito Sotto na hindi makakaapekto sa kanila ang It's Showtime dahil noon pa man ay katapat na nila ito sa panahong may prangkisa pa ang ABS-CBN.


Gayunpaman, mas mataas pa rin naman umano ang kanilang ratings noon kaysa sa It's Showtime. Naniniwala rin umano ang Eat Bulaga hosts, na-established na ang kanilang viewers bilang sila ang may hawak sa titulong longest running TV show ng bansa.




GMA Network Binigyan Ng Tatlong Buwan Na Palugit Ang It's Showtime Para Talunin Ang TVJ Sa Ratings!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa mga bali-balitang binigyan lamang umano ng palugit ng GMA Network ang It's Showtime sa paglipat ng kanilang show sa kanilang bakuran.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang usaping binigyan lamang ng tatlong buwang palugit ni GMA Network ang It's Showtime na tumaas ang ratings at matalo ang show ng TVJ na namamayagpag ngayon sa TV5.


Ikinatuwa naman ng nakakaraming mga televiewers at netizens ang paglipat ng It's Showtime sa GMA Network dahil tiyak umanong magiging mas matindi umano ang tapatan ng mga noontime shows sa pagitan ng Eat Bulaga ng TVJ sa TV5 at It's Showtime nina Vice Ganda sa GMA7.


Samantala, may ilan namang netizens ang hindi nasisiyahan sa ginawang hakbang ng GMA Network sa pagtitiwala sa mga artists ng kabilang network para matalo ang katapat na TV5.


Mas pinagkakatiwalaan pa umano ng GMA ang Kapamilya artists dahil mas pinili nilang kunin ang It's Showtime kaysa sa pagpo-produce ng sariling show na itatapat sa TV5.


Tila inamin na rin umano ng GMA bosses na mas magaling ang mga hosts ng ABS-CBN kaysa sa kanilang talents.


Sa kabilang banda, usap-usapan naman ngayon ang balitang tatlong buwan lamang ang ibinigay ng GMA7 sa It's Showtime para talunin ang show ng TV5, at nakasaad umano ito sa kontrata na kanilang pinermahan noong nakaraang myerkueles.


Hindi naman umano kumpirmado na nakasaad sa kontrata, na tatanggalin ng GMA ang It's Showtime sa kanilang network kung sakaling hindi nila matatalo sa ratings ang Eat Bulaga ng TVJ na kasalukuyang nangunguna sa ratings.


Isa pa sa mga pinag-ugatan ng isyung ito ay ang pag-amin ni Vice Ganda sa kanyang naging speech na umano'y nakakapressure at mas lalo pa nilang gagalingan ang performance.


Hiniling pa umano noon ni Vice Ganda sa GMA na dagdagan pa ang kanilang palugit para matalo ang TVJ dahil napakaikli naman umano ng tatlong buwan na ibinigay sa kanila.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo