Bagong Cast Ng Senior High Season 2 Ipinakilala Na!

Miyerkules, Marso 27, 2024

/ by Lovely


 Panibagong cast na bubuo sa panibagong season ng Senior High na pamamagatanga High Street ipinakilala na.


Ipinakilala na ang mga artistang bubuo sa panibagong season ng GEN Z teleserye na Senior High na may pamagat na High Street.


Sa isang story conference na ibinahagi mismo ng official Facebook page ng Dreamscape Entertainment inilahad nila ang panibagong cast na makakasama sa teleseryeng Senior High na pagbibidahan pa rin ng aktres na si Andrea Brillantes.


May mga cast rin naman na nagmula pa sa unang serye na makakasama pa rin sa panibagong season katulad na lamang nina Juan Karlos, Xyriel Manabat, Elaijah Canlas, Zaijan Jaranilla, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, at Gela Atayde.


Hindi na makakasama sa panibagong season ng serye sina Kyle Echarri at Daniela Stranner dahil pare-pareho na silang abala sa ibang proyekto ng Dreamscape na pinamagatang Pamilya Sagrado.


Samantala, makakasama pa rin naman ang ilang mga bigating artista mula sa original cast ng show katulad na lamang nina Angel Aquino, Mon Confiado, Anna Abad Santos, Angeli Bayani, Gerard Madrid, Inka Magnaye, Rans Rifol.


Lalo pang maging kaabang-abang ang High Street dahil sa pagpasok ng mga bagong cast na lalong magpapaganda sa kwento na kinabibilangan nina Dimples Romana, Romnick Sarmenta, Ralph de Leon, AC Bonifacio, at Harvey Bautista.


Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Andrea Brillantes sa kanyang social media account ang pagkakaroon niya ng panibagong project. Kalakip nito ang mga larawan niya kasama ang ilang mga artista na nakasama na rin niya noon sa Senior High.


Kaagad namang nagpahayag ng kanilang excitement ang mga tagasubaybay ng Senior High na noon pa man ay humihiling na ng sequel sa nasabing teleserye.


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan ng ilang mga fans na malungkot dahil hindi na makakasama ang ibang mga cast ng teleserye subalit ipinahayag pa rin naman nila na patuloy pa rin nilang susuportahan at papanoorin ang High Street ang panibagong season ng Senior High.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo