JK Labajo Nag Viral Dahil Sa Ginawa Sa Baby Na 2 Months Old Biglaang Natigil Ang Concert

Martes, Marso 26, 2024

/ by Lovely


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang video ni JK Labajo kung saan bigla niyang ipinatigil ang kanyang concert sa Paniki, Tarlac dahil sa isang two months old baby na nasa harapan niya habang tinutugtog ang kantang 'Ere'.


Avid fan umano ng aktor ang mga magulang ng bata kaya naman napilitan silang dalhin sa concert ang kanilang anak.


Kaagad naman pinaakyat ni JK Labajo sa stage ang mga magulang ng bata at pansamantalang itinigil muna ang concert.


Pinangaralan ni JK Labajo ang mga magulang ng bata sa kung ano ang maaring mangyari sa kanilang ginawa.


Inamin naman ng ama ng bata na gusto niya talagang makapanood ng concert at nais rin niyang mapansin sila ni JK Labajo. Sa katunayan may dala-dala pa silang kartolina kung saan nakasulat na gusto nilang makarga ni JK Labajo ang kanilang anak.


Aminado naman si JK Labajo na hindi niya nagustuhan ang gimik na ginawa ng mga magulang ng bata dahil nag-aalala siya sa kalusugan ng sanggol na dinala sa concert.


Ayon kay JK Labajo na marami pa naman umanong susunod na pagkakataon at marami pa naman siyang balak gawing kanta para sa kanyang mga tagahanga.


Kung palagi umano itong gawin ng mga magulang ng bata ay may posibilidad na maapektuhan ang  pandinig ng sanggol dahil masyado pa itong bata para isama sa concert.


Agad ding nagpahanap si JK Labajo ng headphone o muffler para mailagay sa bata para maproteksyunan ang pandinig nito na hindi pa fully develop.


Marami naman sa mga netizens ang humanga kay JK Labajo sa ginawa nito sa bata at sa pagpapangaral nito sa mga magulang ng bata. Pinalalahanan pa nito ang mga magulang ng bata na sa susunod ay huwag nang dalhin sa concert ang kanilang anak at iwan na lamang ito sa bahay.


Nakatanggap naman ng pambabatikos ngayon mula sa mga netizens ang mag-asawang nagdala sa kanilang anak sa concert para lamang magpapansin kay JK Labajo.


Bukod sa bata pa ito, maari rin umano itong magkasakit dahil gabi ang nasabing concert at napakalamig para sa batang katulad ng kanilang anak. Ni hindi umano nila sinuotan ng bonnet, medyas at jacket ang bata para panlaban sa lamig.


@23enitsirc

2 months old baby dinala sa concert ni JKšŸ˜Œ

♬ original sound - EnitsirkšŸ¦‹

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo