Vice Ganda May Ibinunyag Matapos Ang Contract Signing Sa GMA7

Walang komento

Lunes, Marso 25, 2024


 Kaagad na nagtrending sa social media ang panibagong vlog na ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel, patungkol sa naganap na contract signing ng GMA Network at ABS-CBN para sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.


Nagsimula ang vlog ni Vice Ganda sa kaganapan sa dressing room bago ang pagpunta ng mga It's Showtime hosts sa GMA.


Makikita rin sa nasabing vlog ang pakikipagkulitan ni Vice Ganda sa kanyang mga co-hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Anne Curtis, MC, at sa asawa niyang si Ion Perez.


Ipinakita rin ni Vice Ganda ang ilang mga kaganapan sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Bosses.


Samantala ang nakakuha ng pansin ng mga netizens ay ang naganap na celebratory dinner kung saan kausap ni Vice Ganda ang isa sa mga original hosts ng show na si Vhong Navarro.


Ayon sa pagkukwento ni Vhong Navarro, hindi umano ipinaalam sa kanila ni Vice Ganda ang nagaganap na negosasyon sa pagitan ng ABS-CBN at GMA Network patungkol sa kahihinatnan ng kanilang show bago pa ang contract signing.


Ipinahayag ni Vhong Navarro kay Vice Ganda ang kanyang paghanga sa kasamahan dahil nagagawa pa rin nitong magtrabaho ng maayos sa kabila ng mga nalalaman nito.


Ayon pa kay Vhong Navarro kung sakaling siya ang may alam ng mga nalalaman ni Vice Ganda ay tiyak umanong hindi niya ito kakayanin lalo na't live ang kanilang show.


Dagdag pa ni Vhong Navarro na kung siya ang may alam ay mahihirapan siyang papasok sa trabaho at magpapatawa.


Pag-amin naman ni Vice Ganda na hindi naging madali ang journey ng paglipat ng It's Showtime sa GMA7 marami umano itong alon na sinikreto na muna niya sa kanyang mga kasamahan dahil alam niyang makakaapekto ito sa performance at trabaho ng mga ito.


Saka na umano ito ipinaalam ni Vice Ganda sa kanyang mga kasamahan nang maging maayos na ang lahat at nang maging happy-happy na ang lahat.


Kaagad namang nagpasalamat si Vhong Navarro kay Vice Ganda sa pag-aabsorb nito sa lahat ng mga problema para lamang maprotektahan sila.


Bukod sa pagiging co-prodeced ng GMA at ABS-CBN ang It's Showtime hindi pa naman malinaw kung ano pa ang magaganap na pagbabago sa kanilang paglipat sa GMA Network.




Full Story! Ikinasal Na Sina Ria Atayde and Zanjoe Marudo Wedding 3.23.24

Walang komento


 Ikinasal na ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, ibinahagi mismo ng aktor ang masayang balitang ito dalawang araw matapos ang kanilang actual wedding.


Ikinabigla ng mga tagahanga nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ng ibinahagi mismo ng aktor nitong March 25, 2024 ang balitang ikinasal na silang dalawa.


Nagbahagi ng ilang mga piling larawan sina Zanjoe Marudo sa kanyang social media account na kuha mula sa kasal nila ni Ria Atayde. Sa caption isiniwalat ni Zanjoe na noon pang March 23, 2024 sa mismong ika-32 na kaarawan ni Ria Atayde.


Caption ni Zanjoe Marudo sa kanyang post, "3.23.24 happy birthday my WIFE."


Sa comment section ng post ni Zanjoe Marudo, malugod na tinanggap ng kapatid ni Ria Atayde na si Gela Atayde si Zanjoe Marudo sa kanilang pamilya.


Kasunod nito, ang mga pagbati na ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay nilang dalawa.


Matatandaan na nitong sabado ay spotted pa ng maraming mga netizens ang masayang celebration ni Ria Atayde sa kanyang kaarawan kasama si Zanjoe Marudo na todo pag-alalay sa kanya.


Kapansin-pansin rin na naka-formal attire ang mga bisita nila sa nasabing okasyon gayung naka-casual lang naman sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Matapos ang pagsisiwalat ni Zanjoe kaagad na naiugnay ng mga netizens ang nangyaring okasyon bago ang birthday celebration. 


Kabilang sa mga namataan sa birthday party ni Ria Atayde ay sina Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, Darren Espanto.


Sa pagpapakasal ngayon nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, lalong tumitibay ang paniniwala ng mga netizens na totoo ang isyung nagdadalang tao ngayon si Ria Atayde dahil sa biglaang engagement at madaliang pagpapakasal ng dalawa.


Samantala, marami naman ang nagsasabing kung totoo mang nagbubuntis ngayon si Ria Atayde bakit sa naunang panayam kay Gela ay itinanggi ito. Inilahad pa noon ni Gela na gusto nang magbuntis ni Ria Atayde subalit nahihirapan ito dahil sa pagkakaroon nito ng PCOS.


Sa likod ng mga isyung ito, hiling ng mga tagahanga nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na maging masaya sila sa kanilang pagsasama at maging matatag katulad ng pagsasama ng iba pang mga celebrity couples na hanggang ngayon ay nagsasama pa rin.

Vice Ganda Binanatan Sa Paglipat Sa GMA Network ni Cristy Fermin

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan nina Cristy Fermin at Rommel Chika sa isang episode ng Cristy Ferminute ang paglipat ng Kapamilya show na It's Showtime sa noontime slot ng GMA Network matapos itong mabakante ng Tahanang Pinakamasaya na dating Eat Bulaga na pinangungunahan noong ng TVJ na ngayon ay nasa TV5 na.


Sa nasabing episode ng Cristy Ferminute, isa-isang binasa ni Cristy Fermin ang mga text messages ng mga netizens na hindi pumabor sa paglipat ng It's Showtime sa GMA.


May mga netizens ang nagsasabing naawa sila sa mga Kapuso artist na mabibigyan sana ng trabaho kung mas pinili ng GMA7 na mag-produced ng sarili nilang noontime show.


Binalikan pa ng ilang mga netizens, ang ginawa noon ni Vice Ganda sa GMA7 noong may prangkisa pa ang ABS-CBN. Ayon sa kanila, ilang beses din umanong pinasaringan at binanatan noon ni Vice Ganda ang GMA7 at mga artista nito.


Ilang beses rin umanong nilait ni Vice Ganda ang Kapuso network lalo na noong nagsilipatan sa ABS-CBN ang kanilang mga magagaling na talents.


Ayon sa pa sa ilang mga netizens, na hindi na umano 'Kabayo' ngayon si Vice Ganda kundi isa na itong 'pusa', pusa dahil kinain umano nito mismo ang kanyang mga sinasabi noon.


Muli ring pinuna ni Cristy Fermin ang ugali ni Vice Ganda na tuluyan na umanong nilamon ng kanyang kasikatan.


Dagdag pa ni Rommel Chika na dating nakakasama noon ni Vice Ganda sa mga comedy bar, sa pangarap ni Vice Ganda na maging magaling na magaling ay nakalimutan na umano nito ang pagiging mabuti dahil ginusto na umano ngayon ni Vice Ganda na maging bida sa lahat.


Samantala, iginiit naman ni Cristy Fermin na naniniwala siyang kakambal na ng inunan ni Vice Ganda o simula pa pagkabata ang masamang ugali nito.


Hindi rin umano maaring sabihin na kaya bastos si Vice Ganda ngayon dahil sikat na siya dahil marami naman umanong sikat na hindi naman bastos.


Hindi rin umano masasabing kaya mayabang ngayon si Vice Ganda dahil marami na siyang pera dahil marami naman umanong mapepera ngayon na hindi naman nagmamayabang kagaya ni Vice Ganda.



Kathryn at Daniel Spotted Sa Matchy Matchy Outfit! Patunay Na Nagkabalikan Na Ang Dalawa

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang dating celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang mapansin ang ng ilang mga netizens ang mga larawang kamakailan lamang kinunan kung saan parehong naroon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa napansin ng mga netizens na tila nasa iisang lugar lamang sila.


Bagama't hindi naman sila nakitang magkasama sa iisang litrato, kapansin-pansin sa mga larawan na ang mga taong nakasama ni Kathryn Bernardo sa larawan ay kasama rin ni Daniel Padilla. Masasabing nasa iisang lugar lamang sila at iisang pagkakataon dahil sa mga suot nitong damit.


Bukod pa rito, kapansin-pansin rin ang mga suot nilang matchy outfit, parehong naka puting tops at black pants ang dalawa.


Matatandaan na marami ang nagulat ng isiwalat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang hiwalayan noong November 30, 2023.


Gayunpaman, patuloy namang naniniwala ang mga solid fans ng dalawa na magkakabalikan rin silang dalawa dahil hindi naman umano madaling kalimutan ang 11 years nilang pagiging mag-boyfriend-girlfriend.


Marami ang naghinala na baka nagkabalikan na ang dalawa subalit tinatago lamang nila ito sa publiko para na rin sa kanilang privacy.


Hinala pa ng mga tagahanga ng dalawa, na kaya nila tinatago ang kanilang relasyon ngayon ay dahil umiiwas rin sila sa isyu. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang mga naglabasang mga isyu noong kasagsagan ng usapin patungkol sa kanilang paghihiwalay.


Sa katunayan, hanggang ngayon ay may mga nambabatikos pa rin kay Daniel Padilla dahil marami ang naniniwalang niloloko nito si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang hindi nakumbinse sa mga naglabasang larawan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ipinunto pa ng ilan na talagang masasabing nasa iisang oras at pagkakataon sina Kathryn Bernardo dahil sa mga suot ng kanilang mga fans subalit naka uniform umano ang mga ito kaya naman ganoon ang suot nila sa araw-araw.


May mga nagsasabi pa na masaya ngayon si Kathryn Bernardo sa pagiging single kung saan wala nang pumipigil pa sa kanyang mga nais gawin mapa sa damit man o sa mga proyektong gagawin.




Albie CasiÑO Natanung Tungkol Sa Pagpanaw Ni Jaclyn Jose: 'Bakit Ako Makikiramay?'

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang aktor na si Albie Casino patungkol sa hindi niya pagpunta sa burol ng yumaong batikang aktres na si Jaclyn Jose noong March 2, 2024.


Sa kamakailang mediacon para sa panibagong pelikula ni Albie Casino na 'Kasalo' kabilang sa mga naitanong sa kanya kung bakit hindi siya nagpunta sa burol ni Jaclyn Jose at hindi umano siya nakiramay sa mga naulilang mahal nito sa buhay.


Ayon kay Albie Casino, hindi na umano siya nagpunta sa lamay ng namayapang si Jaclyn Jose dahil hindi naman umano niya alam kung welcome ba siyang magpunta roon.


Sa nasabing mediacon inamin rin ni Albie Casino na hindi siya apektado sa pagpanaw ni Jaclyn Jose na ina ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.


Ayon kay Albie Casino, nawa'y magkaroon ng kapayapaan ang kaluluwa ni Jaclyn Jose at nagbigay rin siya ng kanyang condolences sa mga taong nagmamahal sa aktres, subalit iginiit niyang hindi naman siya apektado sa nangyari.


Ipinunto pa ni Albie Casino na hindi naman na niya kailangan pa na magpunta sa wake nito dahil maaring hindi siya welcome given na ang nakaraan nila ni Andi Eigenmann.


"I don't think my presence would be welcome there so bakit ako makikiramay, di ba?" pahayag ni Albie Casino.


Dati nang nasangkot si Albie Casiño sa isang paternity controversy nang mabuntis si Andi Eigenmann noong 2011. Kung saan ituro niya ang "Can't Buy Me Love" star na si Albie Casinobilang ama. Mahigpit naman itong tinanggihan ni Albie Casino na nagdulot ng backlash mula sa publiko.


Sa huli ay nabunyag na ang totoong ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie ay si Jake Ejercito, na isang dating kasintahan ng aktres, ayon sa kapatid ni Andi sa ama, na si Max.




Kim Chiu at Paulo Avelino Magkasamang Magbabakasyon

Walang komento


 Bagama't ilang beses na ring nabigo sa pag-ibig, inilahad ng Kapamilya actress at TV-host na si Kim Chiu na hindi naman niya sinasarado ang kanyang puso sa posibleng panibagong karelasyon.


Gayunpaman sa ngayon ay mas pinagtutuunan muna umano niya ang kanyang showbiz career lalo na't nagsunod-sunod ang kanyang mga projects.


Sa kabilang banda, patuloy namang nai-link si Kim Chiu sa kanyang kasamahang aktor ngayon na si Paulo Avelino. Marami pa ang mga nagkukumpirma sa kanilang relasyon subalit patuloy naman na nanahimik ang dalawa.


Samantala, marami naman ang humihiling na nasa ay maging totohanan na ang kanilang pagtitinginan dahil marami ang nadadala sa kanilang mga nakakakilig na scenes.


Hindi rin umano maitatanggi ang lakas ng kanilang chemistry dahilan para lalong mamayagpag ang kanilang loveteam.


Samantala, sa naunang mga panayam ni Kim Chiu, iginiit ng aktres na magkaibigan lamang sila ni Paulo Avelino at ginagawa lamang umano nila ang mga nakakakilig na tagpo dahil sa mga pinagsamahan nilang projects.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabing totoong nagkakamabutihan na ang dalawa dahil kakaiba na umano ang ipinapakita nilang sweetness.


May mga naghinala pa na kaya tinatago umano ng dalawa ang kanilang pagkakamabutihan ay dahil iniiwasan nila ang maisyu dahil kagagaling pa lamang sa hiwalayan ni Kim Chiu habang si Paulo Avelino naman ay nalilink noon sa dati niyang leading lady na si Janine Gutierrez.


Samantala, lalong lumakas ang hinala ng mga netizens dahil sa napapabalitang pagbabakasyon umano nina Paulo Avelino at Kim Chiu, sa ngayon ay hindi pa naman kumpirmado kung mayroon ba silang kasama sa bakasyon o sila lamang dalawa.


Kilig na kilig naman ang mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu nang mapansin nila ang suot na singsing ng aktres na pinaghihinalaan nilang promise ring mula kay Paulo Avelino.


Nag-iilusyon ngayon ang kanilang mga fans na binigyan ni Paulo Avelino ng promise ring si Kim Chiu at nangakong ito na ang mamahalin.



Kim Chiu May Hamon Kay Xian Lim!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa lahat kung ano ang totoong dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu matapos ang mahigit dekada nilang pagiging magkarelasyon.


Bagama't parehong nanahimik ang dalawa, hindi pa rin nakaligtas si Xian Lim sa mga pambabatikos ng mga fans ni Kim Chiu sa hinalang ito ang may kasalanan kaya nagtapos ang kanilang relasyon ni Kim Chiu.


Marami ang nagsasabi na si Xian Lim ang hindi lumaban kaya hindi nagwork ang kanilang relasyon ni Kim Chiu.


Samantala, sa pagkakalipat ng It's Showtime sa GMA7, kung saan kabilang sa mga host ni Kim Chiu, marami ang nagtatanong sa aktres kung ok lamang ba sa kanya kung sakaling magiging guest si Xian Lim sa kanilang show dahil isa rin ito sa mga Kapuso artists ngayon.


Wala naman umano itong problema para kay Kim Chiu, ok lang rin sa kanya kung maging guest si Xian Lim sa It's Showtime ngayong nasa GMA7 na sila at ok lang rin umano na magprod ito sa show.


Iginiit pa ni Kim Chiu na wala namang problema sa kanya dahil hindi naman umano sila magkaaway. Hindi rin umano problema sa kanya na muling makatrabaho ang aktor sa pagiging guest man sa kanilang show o sa mga collaborationg projects.


Samantala, inilahad na rin ni Kim Chiu ang mga Kapuso actor na gusto niyang makatrabaho o maging guest sa It's Showtime ngayong nasa Kapuso network na rin sila. Ang mga bet ni Kim Chiu ay kinabibilangan nina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Marian Rivera, Barbie Forteza, at Jennylyn Mercado.


Matatandaan na naging bahagi na ng GMA Network ang Kapamilya show na It's Showtime sa pagperma nila ng kontrata sa nasabing network.


Sa katunayan, simula sa darating na April 6, 2024 ay mapapanood na sa GMA7 ang It's Showtime mula alas 12 ng tanghali hanggang alas dos y medya ng hapon.


Matatandaan na ginulat nina Xian Lim at Kim ang mga netizens nang tuluyan nilang kumpirmahin ang kanilang hiwalayan noong December 2023.



Kapuso Aktres Nag Flop Ang Serye Kaya Lilipat Ng ABS-CBN

Walang komento


 Inulan ng tanong ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz mula sa mga netizens kaugnay sa mga naglabasang haka-haka patungkol sa paglipat ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.


Sa isang episode ng showbiz update nina Ogie Diaz noong huwebes, isiniwalat niya ang nakuhang impormasyon mula sa kanyang mga sources patungkol sa nasabing balita.


Ayon kay Ogie Diaz, tila wala naman umano itong katotohanan dahil may gagawing recording lamang si Jennylyn Mercado under Star Music.


Kaya naman, normal lamang na bumibisita si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN. Dagdag pa ni Ogie Diaz na tila mananatili pa rin sa GMA7 si Jennylyn Mercado.


Samantala, naniniwala si Ogie Diaz na ang pinagmulan ng balitang lilipat si Jennylyn Mercado sa ABS-CBN ay dahil sa hindi pagpirma ni Jennylyn Mercado sa GMA7.


Ipinunto pa ng isa sa mga kasamahan ni Ogie Diaz sa Showbiz Update na may mga haka-haka ring kaya lilipat sa ABS-CBN si Jennylyn Mercado dahil nag-flop ang comeback teleserye sa GMA7 na Love. Die. Repeat. kasama si Xian Lim.


Gayunpaman, inilahad ni Ogie Diaz na hindi naman niya maaring kumpirmahin ang balitang tatalon sa ABS-CBN si Jennylyn Mercado dahil wala pa umanong konkretong patunay patungkol sa balitang ito.


Maigi umano na hintayin na lamang na mismong si Jennylyn Mercado na ang magbibigay ng pahayag patungkol rito.


May mga nagsasabi rin na bukod sa ABS-CBN, nakatanggap rin ng offer si Jennylyn Mercado mula sa TV5. Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano ng aktres na tuluyang magtatapos ang kanyang teleserye sa GMA7 bago siya tuluyang lilipat sa ibang network.



Kim Chiu at Paulo Avelino Nahuli Na Magka Holding Hands

Walang komento

Biyernes, Marso 22, 2024


 Umaani ngayon ng papuri ang Kapamilya actress at It's Showtime host na si Kim Chiu ng papuri mula sa kanyang mga co-stars sa What's Wrong With Secretary Kim dahil sa kabila ng mga pinagdadaanan nitong personal na pagsubok sa buhay ay nagagawa parin nito ng maayos ang kanyang trabaho.


Labis na hinangaan ng aktor na si Jake Cuenca si Kim Chiu dahil sa kabila ng mga pinagdadaanan nito habang ongoing ang kanilang show ay ipinapakita pa rin nito ang pagiging profesional.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na kagagaling lamang sa matinding break up si Kim Chiu sa kanyang boyfriend sa loob ng 12 years na si Xian Lim, bago nila simulan ang taping ng Pinoy adaptation ng hit Korean series na What's Wrong With Secretary Kim?


Hindi rin naman ito tinago ni Kim Chiu sa publiko at sa kanyang mga kasamahan sa nasabing serye.


Samantala, ayon sa pahayag ni Jake Cuenca sa isang panayam, kung hindi pa nila alam na may pinagdadaanan si Kim Chiu at kagagaling pa lamang ito sa matinding heart break ay hindi nila ito mahahalata sa set dahil napaka-bubbly pa rin umano ni Kim Chiu.


Ipinahayag rin ni Jake Cuenca na labis siyang nag-eenjoy sa paggawa ng What's Wrong With Secretary Kim? dahil bukod sa reunion project nila ito ni Kim Chiu ay nakatrabaho rin niya si Paulo Avelino na tinuturing niyang best friend.


Kabilang rin sa naitanong kay Jake Cuenca kung napapansin ba niya na nagiging extra sweet sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa set sa likod ng kamera o kung nagkakamabutihan na ba ang mga ito.


Agad naman itong sinagot ni Jake Cuenca na hindi niya tinitingnan ang mga ganoong bagay sa set habang nagtatrabaho at nirerespeto umano niya ang privacy ng kanyang mga nakatrabaho.


Ipinahayag pa ni Jake Cuenca na hindi rin naman siya lumalabas sa kanyang tent, lumalabas lamang siya sa tuwing turn na niya sa pag-arte pero kung hindi ay nananatili lamang siya sa kanyang air-conditioned tent.


Kahit pa best friend umano niya si Paulo Avelino ay hindi naman umano niya ito tinatanong ng mga pribadong bagay. Hinihintay lamang umano niya na mag kwento ito sa kanya sa oras na handa na itong magsabi.


Sa kabilang banda, may mga kumakalat naman ngayong mga larawan kung saan nakitang magka-holdong hands sina Paulo Avelino at Kim Chiu habang naglalakad na lalong nakapagpatibay sa mga hinalang nagkakamabutihan na nga ang dalawa.


Hinala ng marami na pansamantalang tinatago ng dalawa ang kanilang relasyon upang makaiwas na rin sa kontrobersiya lalo na't pareho silang nagmula sa relasyon.




Shaira Moro Inakusahang Magnanakaw | Lenka Magdedemanda?

Walang komento


 Matapos ireklamo ng copyright infringement, binura na ng kampo ni Shaira sa lahat ng mga online music streaming platforms ang kanyang viral song na pinamagatang 'Selos'.


Nag-viral at sikat na sikat ang nasabing awitin ni Shaira na tinagurian ding Queen Of Bangsamoro Pop, subalit kinailangan nila itong tanggalin dahil sa mga reklamo na umano'y panggagaya nito ng melody at tunog sa isang awiting Australian singer na si Lenka.


Matatandaang ilang Pinoy netizens ang nagpaalam sa Australian singer na si Lenka tungkol sa ‘Selos’ ni Shaira na may kaparehas na melody sa kanyang kanta, ‘Trouble is a Friend.’


Kaagad naman itong sinagot ni Lenka at ipinahayag na nakarating na sa kanilang ang balitang ito at gumagawa na sila ng legal actions laban sa nangangaya sa kanila.


Kinumpirma naman ng management nina Lenka at Shaira, AHS Channel na nakikipag-ugnayan na sila para ayusin ang isyu.


Sa isang official statement inihayag ng AHS Channel na boluntaryo nilang tinanggal ang kantang selos ni Shaira sa lahat ng mga online music streaming platforms. 


Nakikipag-ugnayan na rin sila sa management ni Lenka para magbasakaling mapagbigayan sila ng pagkakataong ma-acknowledge ang Selos ni Shaira bilang cover ng Trouble is A Friend ni Lenka.


“To those who have been entertained by Shaira’s cover song, we are truly grateful to you for opening your hearts to a song that we once only made public for the sake of entertainment. We certainly did not expect that it will become this big to a point where Shaira will be known as the “Queen of Bangsamoro Pop”. We could not be prouder,” AHS Channel wrote.



“We hope that when time comes and we will be re-uploading the song, you will show her the same love and acceptance,” dagdag pa nila.


Samantala naglabas naman ng pahayag si Shaira laban sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa kanyang kantang Selos at sinasabing nanggagaya lamang siya at inangkin pa ang lahat ng credits.


“Sa mga totoong kaibigan at concern po sa akin, Alhamdulillah, okay na okay po ako. Basta more Sab’r lang sa mga taong ayaw sa iyo at gusto kang masira. Maging masaya lang po tayo sa mga buhay natin, Ramadhan Mubarak,” pahayag ni Shaira.




May Babalik! Abs-Cbn May Panibagong Good News Sa Kapamilya!

Walang komento


 May panibagong good news na naman ang isiniwalat ng ABS-CBN matapos ang pagpirma ng kontrata kasama ang GMA Network para sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.


Bukod sa isiniwalat na goodnews ng ABS-CBN nitong myerkules na tuluyan nilang isinara ang deal sa paglipat ng It's Showtime sa Kapuso network sa darating na April 6, 2024.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms na hinihiling ng marami na ilagay ang show nina Luis Manzano na It's Your Lucky Day bago ang It's Showtime.


Matatandaan na umani ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens ang show na It's You Lucky Day na  pinangungunahan nina Luis Manzano nang ma-suspende ng ilang araw ang It's Showtime dahil sa nagawa nilang violation sa MTRCB.


Samantala, may mga lumabas rin namang mga haka-haka na maari ring ilagay ng GMA ang It's Your Lucky Day bago mag-24 Oras.


Nauna na rito, ang pagbabahagi ni Luis Manzano ng isang video kung saan isiniwalat niya na bigla na lamang pinatawag ang mga dating cast ng It's Your Lucky Day sa hindi nila malamang dahilan.


Hindi rin naman sinabi nina Luis Manzano kung sino ang nagpatawag sa kanya.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN patungkol sa show na It's Your Lucky Day. Gayunpaman, buo na ang loob ng mga netizens na talagang magbabalik na ang 'shortest running noontime show' na agad na namaalam sa first episode dahil nasa last 2 weeks na lamang umano sila.


"Sana po talaga ibalik na ang program ang IT’S YOUR LUCKY DAY with Luis Manzano, mas masaya to, lively ang studio participation ng mga audience, Maraming mga papremyo at malalaking pa. Thank you in advance mga heads ng abs CBN Sana ibalik na po ninyo IYLD"


Ai-Ai Delas Alas, Ipinaliwanag Kung Bakit Siya Lumipat Sa GMA Matapos Ang Ilang Taon Sa ABS-CBN

Walang komento


 Ipinagtanggol ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas ang kanyang sarili sa desisyon na lumipat sa GMA mula sa ABS-CBN siyam na taon na ang nakararaan. Isiniwalat rin niya ang totoong dahilan kung bakit niya tinalikuran ang ABS-CBN noon.


Sa isang Facebook video na in-upload ng aktres noong March 19, binalikan ng komedyante ang bashing na natanggap niya nang mag-guest siya kamakailan sa “It's Showtime”.


Binatikos si Ai-Ai delas Alas ng ilang netizens ng mga komentong “no loyalty” dahil dati siyang artista ng ABS-CBN bago siya lumipat sa Kapuso headquarters at sinabing "wala siyang karapatan" na bisitahin ang Ignacia-based noontime show.


Ayon pa sa pagbabahagi ni Ai-Ai Delas Alas na ipinaalam lamang sa kanya ng kanyang mga kaibigan ang tungkol sa bashing dahil nasasaktan ang mga ito para sa kanila, at hinihiling umano ng mga ito sa kanya na magsalita kung bakit siya umalis sa ABS-CBN at sa halip ay pumirma sa GMA halos isang dekada na ang nakakaraan.


“Hindi ko naman din alam na nung nag-guest pala ako sa Showtime, na-bash ako. Parang sa akin, tuwang-tuwa pa nga ako kasi nakapag-guest ako sa Showtime, ‘yun pala na-bash ako,” pagbabahagi ni Ai-Ai.


Inalala rin ng Queen of Comedy na isa siyang orihinal na Kapuso bago siya naging Kapamilya noong 2000, at bumalik lamang siya sa GMA network pagkatapos ng 14 na taon.


“Pero ‘yun pong mga fans ko naman dati na alam nila na nag-start po talaga ako sa GMA, sa Kapuso, mga 1990s yun. Then, year 2000 na lumipat po ako sa ABS. And then, after nine years nga po, after 14 years, lumipat ulit po ako sa GMA,” pagbabalik-tanaw ni Ai-Ai Delas Alas.


Isiniwalat din ni Ai-Ai Delas Alas na ang totoong dahilan ng pag-alis niya sa ABS-CBN ay dahil sa hindi pagrenew ng netwrok sa kanyang kontrata kaya naman ng makatanggap siya ng offer mula sa kabila ay tinanggap na niya ito. Sa makatuwid, hindi siya umalis sa ABS-CBN kundi napilitan lamang umano siya dahil wala na siyang kontrata.


“So, ngayon ko lang po sasabihin o yung pong hindi mga nakakaalam, na kaya ako bina-bash kasi wala daw po akong loyalty. Hindi po totoo ‘yan. Kasi po, kaya wala na po ako sa ABS dati, kasi po hindi ako ni-renew,” ani Ai-Ai.


Sinabi pa ng 'Ang Tanging Ina' star na nang hindi na-renew ang kanyang kontrata ay nataranta siya at na-overwhelm dahil siya ang breadwinner ng kanyang pamilya. Ibinahagi niya na kinailangan niyang ibenta ang kanilang bahay sa Ayala para makaipon noon.


Sa gitna ng kanyang rebelasyon, winelcome ni Ai-Ai Delas Alas ang “It’s Showtime” na humalili kamakailang nabakante na noontime slot ng GMA at ipapalabas sa network simula April 6.



May Pasaring! TVJ Nagreact Sa Paglipat Ng Its Showtime Sa GMA7

Walang komento


 Matapos ang pagpirma ng kontrata ng ABS-CBN at GMA Network para sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 sa darating na April 6, 2024, marami ang nakapansin sa mga pagbabago sa Eat Bulaga ng TVJ na mapapanood sa TV5.


Dati ay sa huling bahagi ng kanilang show ipapalabas ang segment nilang PeraPhy nitong huwebes ay ipinasok kaagad nila ito sa kanilang show matapos ang opening number nila.


Isiniwalat rin nila ang mga aabanganga pasabog ng kanilang show sa mga susunod na mga araw at linggo.


Samantala, marami rin ang nakapansin sa ibinahaging post ng tinaguriang 'Henyo Master' na si Joey De Leon matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA Network para sa opisyal na paglipat ng It's Showtime sa Kapuso Network.


Sa social media post ni Joey De Leon, ibinahagi niya ang longetivity ng Eat Bulaga at kung paano ito nagpalipat-lipat ng mga stations.


“Whoa! Eat Bulaga is about 14,000 days old today! We have been “running” from network to network since 1979! Kaya ba we are the longest running? Ngek!” pagbabahagi ni Joey De Leon.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na labis na humahanga sa survival ng Eat Bulaga sa gitna ng mga pinagdaanan nilang mga hamon.


"Imagine 1973 ako ipinanganak pag nanunuod ang mga magulang nanunuod na ako 6yrs old palang ako noon sa rpn 9 p kasama si coney at aiza ang tagal nang panahon kaya sa isip ng mga kaidaran ko walang ibang noontime show kundi eat bulaga lang talaga kasi sa student canteen napataob,kaya sana tuloy tuloy lang sana ang pagbigay saya sa mga pilipino"


"Eat Bulaga was born in 1979, taon ng kainitan ng Iranian Revolution saka yung breakdown ng Detente sa pagitan ng USA saka ng dating USSR."


Samantala, maituturing na biggest deal sa history ng telebisyon ang nangyaring contract signing ng ABS-CBN at GMA Network para sa It's Showtime.


Hindi katulad sa TAPE Inc. na block timer sa GMA, ang It's Showtime ay magiging co-produced na ng GMA7 at ABS-CBN.


Kathryn Bernardo Hindi Binubura Ang Litrato Nila Ni Daniel Padilla! Ito Pala Ang Dahilan

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang Kapamiya actress na si Kathryn Bernardo matapos mapansin ng ilang mga netizens na hanggang ngayon ay hindi pa rin binubura ni Kathryn Bernardo ang mga larawan nilang magkasama ng dating nobyong si Daniel Padilla ilang buwan matapos ang kanilang paghihiwalay.


Hindi naman na bago para sa mga netizens ang pagbubura ng mga larawang magkasama ng isang celebrity couples matapos ang kanilang paghihiwalay.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung ano nga ba ang dahilan ni Kathryn Bernardo sa hindi pagbubura ng mga larawan nila ni Daniel Padilla gayung inun-follow na niya ito.


Ayon naman sa ilang mga tagahanga ng dalawa na patuloy na umaasa na magkakabalikan ang dalawa, hindi umano binubura ni Kathryn Bernardo ang mga pinagsamahan nilang photos dahil inaayos na umano nila ang kanilang relasyon.


May mga nagsasabi naman na talagang naging maayos ang kanilang paghihiwalay kaya hindi na big deal sa dalawa ang mga dati nilang mga larawan na magkasama.


Maging sa social media account ni Daniel Padilla ay makikita ring hindi niya binubura ang mga larawan nila ni Kathryn Bernardo at nanatili rin siyang tahimik sa mga isyung binabato sa kanya ng mga fans ni Kathryn Bernardo patungkol sa umanong pambababae ng aktor.


Sa ngayon ay parehong abala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kanilang mga showbiz career ngayong pareho na silang solo artists ng Kapamilya.


Gayunpaman, umaasa pa rin ang mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na pagkatapos ng pagpapalamig ng dalawa ay mahanap rin nila ang pagpapatawad sa isa't-isa at ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan.


Isko Moreno, Buboy Villar, Betong Sumaya at Paolo Contis, Bet Na Maging Host Sa It'S Showtime

Walang komento


 Dating mga host ng Tahanang Pinakamasaya gustong makapasok sa noontime show na It's Showtime.


Marami sa mga netizens ang nanawagan na sana ay ipasok bilang Kapuso host ng It's Showtime sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Isko Moreno at Buboy Villar.


Sa isang social media post ng Tahanang Pinakamasaya fan page, ibinahagi nila ang larawan ng apat na main host  ng Tahanang Pinakamasaya kalakip ang logo title ng It's Showtime.


Sa caption inilahad nila ang kanilang kahilingan na ipasok sa It's Showtime ang apat na main host ng Tahanang Pinakamasaya.


"Dear GMA/ABS, 

I hope makapag guest ang paborito nating #MePaBeBu sa #ItsShowtime baka naman ABS AT GMA 

Please gusto namin ang Yorme, Paulo, Betong, Buboy sa Its Showtime kahit guests lang naman."


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon ang nasabing post kung saan marami ang tumutol rito lalo na ang mga fans ng It's Showtime dahil natatakot sila na baka maapektuhan ang show sa ka-negahan na natatanggap ng mga nasabing Tahanang Pinakamasaya host.


Ayon sa ilang komento ng mga netizens, huwag na ang apat ang gawing guest sa It's Showtime dahil may maraming mga Kapuso artists pa naman na mas deserving na maging host ng show.


"pambuburaot nlng sa ibang show kya nyo, dahil sa sarili nyong show di nyo kyang pataasin tapus pabagsak pa. try nyong magtayo ng sarili nyong show, kung magaling mga amo mo mapataas nila rating ng show nyo edi wow"


"Papangit lang ang show ng it's show time pag nag guest's kayo"


"obob agaw eksena pa gusto mo sa mga pinalayas sa tahanan ang lakas ng topak mo"


Sa kabilang banda, may mga pumabor rin naman sa apat at sinabing deserve din naman nila na mapagbigyan ng pagkakataon dahil hindi naman nila kasalanan na ipasara ang kinabibilangan nilang show.


Binalikan pa nila ang isiniwalat noon ng TAPE President na nag-umpisa ang kanilang pagkalugi noon pang ang TVJ pa ang may hawak sa kanilang show.




Claudine Barretto Matapang Ang Sagot Sa 'No Show Issue' Ni Jodi Sta Maria Sa Party Ni Mr. M

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang hindi pagdalo ni Jodi Sta. Maria sa surprise birthday party para sa star maker na si Johnny Manahan.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na hindi nagpunta sa nasabing birthday party si Jodi Sta. Maria gayung isa rin ito sa mga anak-anakan ni Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M sa mundo ng showbiz.


Ayon sa mga naglabasang mga haka-haka sa social media may kinalaman sa hindi pagpunta ni Jodi Sta. Maria sa party ang aktres na si Claudine Barretto.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na may hidwaan sa pagitan ng dalawang aktres at ilang beses na ring nagbanatan at nagparinigan laban sa isa't-isa sa social media.


Samantala, sinagot na ni Claudine Barretto ang mga alegasyon sa kanya kung saan marami ang naghinala na siya ang dahilan at pinigilan niya si Jodi Sta. Maria sa pagpunta sa birthday party ng dating Star Magic manager na si Mr. M.


Sa isang panayam, iginiit ni Claudine Barretto na hindi niya alam na nakatanggap rin ng invitation si Jodi Sta. Maria mula kay Mr. M.


Ipinahayag pa ni Claudine Barretto na karapatan rin naman ni Jodi Sta. Maria na magpunta sa birthday party ni Mr. M dahil isa ito sa mga nakatanggap ng mentorship mula sa nasabing showbiz icon.


Magkatulad lamang umano sila na mayroong karapatan na magpunta roon. Kaya naman hindi totoong pinigilan niya si Jodi Sta. Maria dahil wala naman siyang power para pigilan ang aktres sa kung ano ang gusto nitong gawin.


Nag-ugat ang balita patungkol sa hindi pagpunta ni Jodi Sta. Maria sa party sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriente vlog.


Kung saan isiniwalat niyang kinansel ang invitation na ibinigay kay Jodi Sta. Maria dahil sa closeness ni Claudine Barretto at Mr. M.


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, nakarating sa kanya ang isyung dinis-invite umano si Jodi Sta. Maria sa nasabing party. Inimbita pero kinansel umano ang invitation dahil mas pinaboran ang presensya ni Claudine Barretto.


Si Claudine Barretto kasi ay kabilang sa mga pioneer na mga anak-anakan ni Mr. M. kaya naman mas pinili nila ang presenya nito at para maiwasan na rin ang posibleng clash sa venue kung magpang-abot sina Jodi Sta. Maria at Claudine Barretto na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may isyu sa isa't-isa.


Si Jodi Sta. Maria ang kasalukyang karelasyon ngayon ni Raymart Santiago na dating asawa ni Claudine Barretto.


Una na ring naglabas ng pahayag si Claudine Barretto kung saan tinawag niyang bad influence si Jodi Sta. Maria.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo