Paulo Avelino, Sinupla Ang Mga Marites Sa Kanyang Buhay!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Sinagot ng aktor na si Paulo Avelino ang ilang mga katanungan ng ilang mga fans at ilang mga marites online.


Kaya naman agad na tinanong ng ilang mga marites kung ano ang dahilan kung bakit hindi gaanong nagbibigay ng update ang aktor sa kanyang social media accounts.


"Bakit wala ka man lang post sa IG mo? #Askpau."


Agad namang itong sinagot ng aktor at sinabing hindi niya kailangan magpost sa social media dahil hindi naman dito naka sentro sa social media ang kanyang buhay.


"Kasi hindi social media buhay ko," sagot ni Paulo.


Nauna nang nag-post si Paulo Avelino ng ilang larawan ni Janine Gutierrez sa kanyang IG feed. Agad na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa kanyang followers ang kanyang post.


Hindi naiwasang maging “kilig” ang mga tagasuporta ng dalawang Kapamilya stars. Nag-react din sila sa nasabing post at nagpahayag ng kanilang suporta kina Paulo at Janine. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo