Gabby Eigenmann, Ipinagtanggol si Andi Eigenmann Sa Pambabatikos

Martes, Marso 26, 2024

/ by Lovely


 Ipinagtanggol ng Kapuso aktor na si Gabby Eigenmann ang kanyang half-sister na si Andi Eigenmann laban sa mga bumabatikos rito sa social media kaugnay sa mga ginagawa nito matapos ang pagpanaw ng inang si Jaclyn Jose.


Dinipensahan ni Gabby Eigenmann ang kanyang kapatid na si Andi Eigenmann na nakakatanggap ng kaliwa't-kanang pambabatikos mula sa mga netizens. Marami ang nanghuhusga ngayon kay Andi Eigenmann sa social media dahil may kumukwestyun kasi sa mga ginagawa ngayon ng aktres na pagbabahagi ng mga larawan at mensahe para kay Jaclyn Jose.


Mula noong napabalitang pumanaw na si Jaclyn Jose ay naging sunod-sunod na ang pagbabahagi ni Andi Eigenmann ng mga larawan kung saan makikitang magkasama silang dalawa kalakip ang kanyang pasasalamat at mensahe para sa ina.


Ayon sa mga netizens dapat ay noon pa ito ginawa ni Andi Eigenmann upang makarating at mabasa pa ito ni Jaclyn Jose hindi ngayong tila huli na ang lahat dahil hindi na ito mababasa pa ng yumaong aktres.


Kaagad naman ipinagtanggol ni Gabby ang kanyang kapatid sa naganap na grand media conference para sa teleseryeng kinabibilangan na My Guardian Alien at ipinuntong wala naman umanong schedule kung kailan dapat magpost at hindi rin naman umano alam ni Andi Eigenmann na may mangyayari sa kanyang ina.


Iginiit pa ni Gabby Eigenmann, na wala naman umanong nakakaalam sa kung ano ang huling usapan nina Andi at Jaclyn Jose kaya naman ay hindi umano nararapat na husgahan si Andi sa kanyang mga ginagawa ngayon.


Naitanong rin kay Gabby Eigenmann kung kumusta na ngayon si Andi Eigenmann matapos ang libing ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.


Ayon kay Gabby, maayos naman umano si Andi Eigenmann sa katunayan ay back to reality na umano ito sa Isla ng Siargao unti-unti na umano itong nagmomove-on sa nangyari sa ina.


May mga pagkakataon man umano na namimiss nito ang kanyang ina lalo na sa tuwing nag-iisa ito dahil maging siya ay may pagkakataon pa rin umanong namimiss ang yumaong ama na si Mark Gil.


Ibinahagi rin ni Gabby Eigenmann ang aral na napulot niya sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose, ito ay 'life is short'. Kaya naman. nararapat lamang umano na ngayon palang ay alagaan na ang sarili at mas pagtibayin ang connection sa ibang tao.


Nararapat rin umanong magbigay ng kapatawaran sa ibang tao kung may kagalit ka para sa iyong sariling healing.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo