Xian Lim Inamin Na Gustong Makipagbalikan Kay Kim Chiu Nageselos Kay Paulo Avelino

Martes, Marso 26, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga haka-hakang inamin umano ng aktor-direktor na si Xian Lim na nais niyang balikan si Kim Chiu matapos itong malink ngayon sa kanyang leading man na si Paulo Avelino.


Marami sa mga netizens ang naghihinalang hindi pa rin nakakamove-on hanggang ngayon ang aktor na sa kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu dahil ayon sa naging panayam umano ni Xian Lim ay kung mabibigyan lamang siya ng pagkakataon ay babalikan niya ang aktres subalit ngayon ay malabo na umano itong mangyari.


Inamin rin ni Xian Lim na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya para kay Kim Chiu dahil matagal rin silang naging magkarelasyon.


May mga nagsasabi rin naman na kaya nagnanais ngayon si Xian Lim na balikan ang aktres dahil nagseselos ito sa closeness ni Kim Chiu sa kanyang leading man na si Paulo Avelino na napapabalita na ring bagong boyfriend nito.


Matatandaan na noong huling bahagi ng December 2023, tuluyang kinumpirma nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay na ilang buwan ring naging laman ng mga usap-usapan sa social media.


Bagama't hindi naman nila isiniwalat ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, kumbinsido ang ilang mga netizens na si Xian Lim ang tumapos sa kanilang relasyon dahil hindi pa umano ito handang mag-settle down.


Mas priority pa umano ni Xian Lim na tulungan ang kanyang sariling pamilya kaysa sa pagpapakasal kay Kim Chiu. May mga naghinala rin na ang dahilan ng aktor para iwanan ang aktres ay dahil sa pamilya nito na hindi pa rin siya tinatanggap.


Sa kabilang banda, may mga naniniwala rin na kaya nakipaghiwalay si Xian Lim kay Kim Chiu ay dahil sa ibang babae na tumitibok ang kanyang puso, Tila nawalan na umano ng pag-ibig si Xian Lim kay Kim Chiu lalo na noong hindi na sila nagkakasama ng madalas dahil naging abala noon si Kim Chiu sa kanyang mga showbiz engagements.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo