Xian Gaza, Matapang Na Ibinunyag Ang Na 3rd Party Si Iris Lee Sa Relasyon Kim Chui at Xian Lim!

Miyerkules, Marso 27, 2024

/ by Lovely


 Muli na namang naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang isiniwalat ng self-proclaimed pambansang marites na Xian Gaza patungkol sa dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Ayon kay Xian Gaza, nagli-live in na sina Xian Lim at Iris Lee bago pa man tuluyang maghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Ito din umano ang dahilan kung bakit labis na nasasaktan si Kim Chiu dahil lumalabas na siya pa ang kabit kahit mas una naman silang magkarelasyon ni Xian Lim.


Samantala, isa umano sa mga dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang loob ni Xian Lim kay Iris Lee ay dahil nawalan na ng oras para sa kanya si Kim Chiu dahil abala na ito sa kanyang trabaho.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na naging sunod-sunod ang pagtanggap ni Kim Chiu ng project bukod pa sa pagiging host sa It's Showtime.


Naibaling naman umano ni Xian Lim ang kanyang pagmamahal kay Iris Lee na palagi niyang nakikita sa trabaho.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Kim Chiu ang lalong naiinis ngayon kay Xian Lim dahil kung totoong nawalan na siya ng pagmamahal sa aktres ay dapat hiniwalayan niya ito ng maayos at hindi iyong palihim din siyang nakikipagrelasyon sa iba.


May mga nagsasabi pa na talagang ginamit lamang noon ni Xian Kim si Kim Chiu upang makilala rin ang kanyang pangalan sa showbiz at kaya hiniwalayan na niya ito ay dahil naging sikat na rin siya.


Samantala, may ilang mga netizens naman ang naniniwalang hindi naman naging masalimoot ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim dahil sa mga naging panayam sa aktres ay inilahad noyang bukas pa rin siyang magkasama sila sa trabaho ni Xian Lim dahil hindi naman umano sila magkaaway.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo