Gutierrez Family, Celebrate Kai Birthday Na Hindi Dinaluhan Ni Sarah Lahbati

Martes, Marso 26, 2024

/ by Lovely


 Trending at pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga kumakalat na video ng mga Gutierrez habang ipinagdiriwang nila ang kaarawan ni Kai Gutierrez, isa sa mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Kaagad na hinanap ng mga netizens ang aktres na si Sarah Lahbati na ina ni Kai subalit hindi ito namataan sa naganap na party.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ruffa Gutierrez ng ilang mga larawan na kuha sa Minecraft-themed birthday party ni Kai, na pangalawang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Sa caption inilahad niya ang sweet message para sa bata, “Always be a good boy and study hard, cutie Kai. Thank you for being a blessing to all of us. We love you!”


Spotted naman sa nasabing party ang ilang mga artista na naging malalapit na kaibigan ng Gutierrez family na kinabibilangan nina Alice Dixon, Karla Estrada, Sunshine Cruz bukod sa iba pa.


Marami naman sa mga netizens ang bumati kay Kai at sinasabing nalulungkot sila dahil hindi na buo ang pamilya nito.


May mga nakapansin pa na tila may lungkot umanong nakikita sa mata ni Zion kahit pa nakangiti ito, tila naiintindihan na rin kasi nito ang pinagdadaanan ng kanilang pamilya, ang paghihiwalay ng kanilang mga magulang.


May ilan pang mga netizens ang humiling na sana ay maayos nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang kanilang isyu dahil ang mas naaapektuhan sa kanilang paghihiwalay ay ang kanilang mga anak lumalaki na rin.


Samantala, umaasa naman ngayon ang ilang mga fans ni Sarah Lahbati na magkakaroon ng panibagong party si Kai kung saan sila naman ang kasama.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay lumabas ang mga bali-balitang naghiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang mapansin ng maraming mga tagahanga nila na hindi na silang nagkakasama sa mga ibinabahaging photos sa social media.


Hindi na rin namamataan si Sarah Lahbati sa mga okasyon at party ng mga Gutierrez, dati naman ay palagi itong kasama.


Tila nakumpirma naman ang mga haka-hakang ito, nang inamin ni Annabelle Rama sa isang panayam na hindi na umuuwi sa bahay nina Sarah Lahbati ang kanyang anak na si Richard Gutierrez.


Bukod pa rito, nagpasaring din siya kay Sarah Lahbati kung saan inihayag niya ang pagiging waldasera ay maluho nito habang si Richard naman ay abala sa trabaho.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo