Paolo Contis, Handang Maging Host Ng It's Showtime

Miyerkules, Marso 27, 2024

/ by Lovely


 Dating main host ng Tahanang Pinakamasaya na si Paolo Contis handang magtrabaho sa It's Showtime matapos mailipat ang nasabing show sa GMA7.


Sa kamakailang panayam kay Paolo Contis nitong lunes March 25, 2024, naitanong sa kanya ang posibilidad na makasama sa noontime show na It's Showtime.


Kaagad naman itong sinagot ni Paolo Contis, na bukas siya at wala naman umanong problema sa kanya kung makakasama siya noontime show na It's Showtime.


Inilahad pa ni Paolo Contis na kaibigan naman niya ang ilang sa mga host ng It's Showtime lalo na ang singer na si Ogie Alcasid na ilang taon din niyang nakasama sa Bubble Gang.


Ayon kay Paolo Contis, work is work kaya naman handa niyang tanggapin ang mga trabahong ibibigay para sa kanya.


Ipinahayag rin ni Paolo Contis ang kanyang kasiyahan para sa It's Showtime na nagkaroon ng panibagong tahanan sa Kapuso network.


May mga netizens naman ang hindi kumbinsido sa pahayag na ito ni Paolo Contis dahil kung tatanggapin ni Paolo Contis ang hosting ng It's Showtime ay parang tinrayddor na rin nito ang TAPE Inc. gayung todo-todo pa naman ang kanyang pagsusuporta noong kabahagi pa siya ng Tahanang Pinakamasaya.


Matatatandaan na matapos ang contract signing ng ABS-CBN at GMA network noong March 20, 2024 ay naglabas ng joint statement ang mga nasabing network upang opisyal na ianunsyo kung kailan mag-uumpisa ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA Network.


Ayon sa inilabas na joint statement ng GMA7 at ABS-CBN, magsisimulang eere ang It's Showtime sa kanilang bagong tahanan sa darating na April 6, 2024 mula 12:00 ng tanghali hanggang alas dos y medya ng hapon mula lunes hanggang sabado.


Sa kabilang banda labis naman ang pasasalamat ni Vice Ganda sa GMA Network sa pagtanggap sa kanila at pagbibigay ng platform para mas marami pa silang mapapasayang tao.


Sa ngayon ay patuloy namang inaabangan ng maraming mga manonood ang magiging pagbabago sa It's Showtime ngayong co-produced na ito ng GMA7.


Marami ang napapatanong kung sino-sino ang mga Kapuso artist ang papasok sa show at kung ano naman ang mangyayari sa mga kasalukuyang host ng show ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo