Kathryn Bernardo at Daniel Padilla 'Nagkatitigan' Agaw Eksena Sa Kasal Ni Ria Atayde & Zanjoe Marudo

Martes, Marso 26, 2024

/ by Lovely


 Dating magkarelasyon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla parehong dumalo sa kasal ng malalapit na kaibigan na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong sabado March 23, 2024.


Isang simple intimate civil wedding ang naganap sa pagitan ng celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong March 23, 2024 sa mismong 32nd birthday ng aktres na si Ria Atayde.


Naganap ang pag-iisang dibdib nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa Quezon City Hall kung saan tanging pamilya at malalapit lamang na mga kaibigan ng dalawa ang naroroon.


Matapos ang wedding ceremony ay sinundan naman ito ng engrandeng wedding reception na dinaluhan ng kanilang mga kaibigan at mga kasamahan sa showbiz industry.


Kabilang sa mga dumalo sa reception ay ang dating magkasintahan na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Bagama't hindi naman sila nakitang nagkasama sa iisang larawan at mga videos, naniniwala pa rin ang kanilang mga solid fans na nagkaroon pa rin sila ng kunting interaction sa isa't-isa at nagkumustahan rin.


Samantala, sa pagdalo ni Kathryn Bernardo sa kasal at birthday celebration nina Ria Atayde, natuldukan na ang mga usap-usapan noon na nagtapos na ang pagkakaibigan nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo kay Kathryn Bernardo.


Matatandaan, na matapos aminin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay ay kumalat ang mga isyung hindi na maayos ang pagkakaibigan nina Kathryn Bernardo at Ria Atayde dahil hindi na sila namamataan na magkasama sa bakasyon.


Maging sa mga social media posts ni Ria Atayde ay hindi na rin nag-iiwan ng komento si Kathryn Bernardo at gayundin naman si Ria Atayde sa aktres.


Kaya naman marami ngayon sa mga tagahanga nina Ria Atayde, Zanjoe Marudo at Kathryn Bernardo ang nasiyahan dahil maayos pa rin pala ang kanilang pagkakaibigan kahit pa naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo