Daniel Padilla Hindi Pa over Kay Kathryn Bernardo Nagpost Ng 'Cryptic Birthday Message Para Sa Kanya

Martes, Marso 26, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin nakakamove-on ang aktor na si Daniel Padilla sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo dahil sa pagbabahagi ng isang birthday greeting sa kanyang social media account.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform ang ibinahaging Instagram stories ni Daniel Padilla nitong pagsapit ng 12 midnigt ng March 26, 2024.


Nagbahagi ng isang graphic image si Daniel Padilla na kung titingnan namang mabuti ay parang inuukit nito ang mukha ni Kathryn Bernardo.


Nakasulat naman sa Japanese ang dedication at pagbati ni Daniel Padilla para rito na Happy Birthday to you.


Marami ang naghinala na sa ganitong paraan binati ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na dati niyang kasintahan dahil nawalan na siya ng karapatang batiin ito ng hayagan mula ng maghiwalay silang dalawa.


Samantala, marami naman sa kanilang mga tagahanga ang kinilig sa gestures ni Daniel Padilla dahil kahit na naghiwalay na sila ay hindi pa rin kinakalimutan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsi-celebrate si Kathryn Bernardo ng birthday na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.


Samantala, may mga fans naman na pinayuhan na lamang si Daniel Padilla na magmove-on na lamang at itigil na ang pagpapapansin kay Kathryn Bernardo sa kaarawan nito dahil tila limot naman na siya ng aktres.


Nitong March 26, 2024, ipinagdiriwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang ika-28 na kaarawan, kasabay nito ibinahagi rin ni Kathryn Bernardo ang kanyang panibagong milestone bilang kauna-unahang Pilipina na naging ambassador ng isang French luxury brand ng pabango.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kathryn Bernardo na isa na siyang brand ambassadress ng luxury brand na Lancome.


Kung saan ibinahagi niya ang makahulugan at empowering caption, "Don’t let anyone tell you that you’re not allowed to redefine who you are. Everyone’s a work in progress. Here’s to you—because you can be your own Idôle."


Ang Idôle sa post ni Kathryn Bernardo ay ang perfume line ng Lancome.


Samantala, nauna nang naiulat na parehong dumalo sa kasalan nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla subalit hindi naman malinaw kung sabay ba silang dumating o kung nagpang-abot ba sila sa nasabing okasyon.


Sa kabilang banda, marami sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang nagbubunyi ngayon dahil sunod-sunod umano ang natatanggap ngayong blessings ni Kathryn Bernardo matapos ang pag-amin na hiwalay na sila ni Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo