GMA Network Binigyan Ng Tatlong Buwan Na Palugit Ang It's Showtime Para Talunin Ang TVJ Sa Ratings!

Lunes, Marso 25, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa mga bali-balitang binigyan lamang umano ng palugit ng GMA Network ang It's Showtime sa paglipat ng kanilang show sa kanilang bakuran.


Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang usaping binigyan lamang ng tatlong buwang palugit ni GMA Network ang It's Showtime na tumaas ang ratings at matalo ang show ng TVJ na namamayagpag ngayon sa TV5.


Ikinatuwa naman ng nakakaraming mga televiewers at netizens ang paglipat ng It's Showtime sa GMA Network dahil tiyak umanong magiging mas matindi umano ang tapatan ng mga noontime shows sa pagitan ng Eat Bulaga ng TVJ sa TV5 at It's Showtime nina Vice Ganda sa GMA7.


Samantala, may ilan namang netizens ang hindi nasisiyahan sa ginawang hakbang ng GMA Network sa pagtitiwala sa mga artists ng kabilang network para matalo ang katapat na TV5.


Mas pinagkakatiwalaan pa umano ng GMA ang Kapamilya artists dahil mas pinili nilang kunin ang It's Showtime kaysa sa pagpo-produce ng sariling show na itatapat sa TV5.


Tila inamin na rin umano ng GMA bosses na mas magaling ang mga hosts ng ABS-CBN kaysa sa kanilang talents.


Sa kabilang banda, usap-usapan naman ngayon ang balitang tatlong buwan lamang ang ibinigay ng GMA7 sa It's Showtime para talunin ang show ng TV5, at nakasaad umano ito sa kontrata na kanilang pinermahan noong nakaraang myerkueles.


Hindi naman umano kumpirmado na nakasaad sa kontrata, na tatanggalin ng GMA ang It's Showtime sa kanilang network kung sakaling hindi nila matatalo sa ratings ang Eat Bulaga ng TVJ na kasalukuyang nangunguna sa ratings.


Isa pa sa mga pinag-ugatan ng isyung ito ay ang pag-amin ni Vice Ganda sa kanyang naging speech na umano'y nakakapressure at mas lalo pa nilang gagalingan ang performance.


Hiniling pa umano noon ni Vice Ganda sa GMA na dagdagan pa ang kanilang palugit para matalo ang TVJ dahil napakaikli naman umano ng tatlong buwan na ibinigay sa kanila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo