Kiray Celis, 1 Milyon Pa Birthday Sa Nanay!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Jerome

 




Sa kanyang Facebook page nagbahagi ang actress at comedian na si Kiray Celis ng isang surprise birthday gift na 1 million Pesos sa kanyang mahal na ina.


Itinago ni Kiray ang pera sa loob ng isang Helmet upang hindi magkaroon ng idea ang kanyang ina kung ano talaga ang tunay niyang regalo.


Nang sa wakas ay buksan na ng kanyang ina ang regalo ay napatulala muna ito sandali at napaisip kung bakit helmet ang ibinigay na regalo sa kanya ni Kiray dahil wala pa siyang idea kung bakit helmet ang regalo sa kanya.


Ngunit ng sinuot na niya ito ay napatigil siya ng hindi makasya ang kanyang ulo dahil may laman pala sa loob ng helmet na isang bag.


At ng tuluyan na niyang binuksan ang bag na nasa loob ng helmet ay laking gulat niya na bandol-bandol na pera pala ang laman ng helmet na iniregalo sa kanya ni Kiray.


Naging imusyonal ang kanyang ina at pati narin si Kiray, tunay ngang napakaswerte ng mga magulang ni Kiray sa kanya.


Si Kiray ay nagsimulang pumasok sa showbiz bata palang ito, sa kapamilya network bilang isang child actress at pagkatapos ay lumipat siya sa GMA network.


Siya ay sumikat noon ng sumali siya sa programa ng ABS-CBN na Goin Bulilit, kabilang siya sa show hanggang sa nagtapos noong taong 2009.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo