Sarah Geronimo at Mommy Divine Nagkaayos Na, Matteo Guidicelli at Mommy Divine Nagkaayos Narin!

Miyerkules, Marso 27, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo at ina nitong si Mommy Divine. 


Matapos ang mahigit apat na taon ng hindi pag-uusap, nagkaayos na umano ang mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine sa katunayan ay welcome na umano sila sa pamamahay nito kung saan may pagkakataon na nakitulog na sila roon.


May mga panibagong update na naman ang ilang mga reliable source patungkol sa relasyon ng mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo matapos ang apat na taon nang lumalala ang kanilang hidwaan dahil sa pagpapakasal ni Sarah kay Matteo Guidicelli.


Sa latest episode ng Showbiz Updates noong byernes, March 23, 2024, isiniwalat ni Ogie Diaz ang nasagap niyang balita patungkol sa mag-inang sina Sarah Geronimo at Mommy Divine Geronimo.


Ipinarating umano sa kanya ng kanyang source na maayos na ang relasyon ngayon nina Sarah Geronimo at Mommy Divine. Sa katunayan ay sa bahay na umano nito natutulog si Sarah Geronimo tuwing sabado at linggo na pinayagan naman ng mister na si Matteo Guidicelli.


Ayon kay Ogie Diaz, matagal na umanong nagkaayos sina Mommy Divine at Sarah Geronimo, sa katunayan ay sinabi umano sa kanya ng kanyang sources na noong nakaraang taon ay magkasamang nagpunta sa Europe sina Sarah Geronimo at Mommy Divine. Muli pa umano silang nagbakasyon nito lamang taon sa bansang Japan naman.


Samantala, naitanong naman ng co-host ni Ogie Diaz na si Mama Loi na kung totoong nagkasamang magbakasyon noon sina Sarah Geronimo at Mommy Divine ay bakit wala lamang mga kumalat na larawan ng pagsasama nila.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay nanatiling tahimik si Sarah Geronimo sa isyu nila ng kanyang ina si Mommy Divine. 


Ang tanging pinanghuhugutan lamang ngayon ng mga netizens ay ang pasasalamat ni Sarah Geronimo sa kanyang inang si Mommy Divine noong tinanggap niya ang award mula sa 2024 Billboard Women in Music Awards.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo