Vice Ganda, May Pasaring Kina Cristy Fermin at Romel Chika

Miyerkules, Marso 27, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin natatapos ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang pambabanat kay Cristy Fermin at nadamay na rin ngayon ang kasamahan ni Cristy Fermin sa show na si Romel Chika.


Hindi na nagtitimpi si Vice Ganda sa mga naging pasaring ni Cristy Fermin laban sa kanya kaya naman binanatan na niya ito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging kritiko ni Cristy Fermin kay Vice Ganda kung saan ilang beses na rin nitong pinagsabihan ang komedyante.


Kamakailan lamang ay binanatan ni Cristy Fermin si Vice Ganda matapos mailipat sa Kapuso network ang It's Showtime, kung saan sinabihan ng kolumnista si Vice Ganda na hindi na isang kabayo kundi isa nang pusa dahil kinakain na nito ang kanyang mga sinasabi.


Tila hindi naman ito pinalampas ni Vice Ganda dahil sa kanyang kamakailang tweet, nagbahagi si Vice Ganda ng isang meme kung saan makikita ang dalawang odd looking creature na tinawatawag ang isa ng 'Nay'.


Alam naman ng lahat na tinatawag na 'Nay' si Cristy Fermin sa entertainment industry.


“Nangigil ako! Pinagpapala na naman sya! Kumilos tyo daliiii!” pahayag ng unang creature na may pangit na hitsura.


“Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!” sagot naman ng isa pa.


Sa caption, sinulat ni Vice Ganda ang, 'bwak bwak bwak' na una na niyang pinasaring kay Cristy Fermin.


Marami naman sa mga netizen na sumusuporta kay Vice Ganda ang nagsasabing tama lamang ang ginawa nito dahil sumusubra na rin ang pagpapansin nina Cristy Fermin at Romel Chika.


Samantala may mga dumuporta naman kay Cristy Fermin kung saan inilahad nila kung gaano kayabang si Vice Ganda. Ipinunto rin nila ang ilang mga napapansing pagputol ni Vice Ganda sa sasabihin sana ng ibang mga host sa show na nagpapakita lamang umano ng kawalan ng respeto.


"Totoo naman na mayabang talaga si accluh sa comedy bar pa. Up until now kahit sa It’s Showtime, maski hosting, nananapaw sa kapwa hosts. Yung ibang hosts na may gusto pa sana itanong, kina cut nya. So…"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo