Janine Gutierrez at Paulo Avelino Hindi Na Matutuloy!

Walang komento

Martes, Mayo 30, 2023


 Bulilyaso o na udlot ang planong pagsama ng actor na si Paulo Avelino sa kasintahang nitong si Janine Gutierrez papuntang America.


May lumabas kasi na mga balita na malamang daw na isasama ni Janine si Paulo sa Dirty Linen show niya sa America.


At sa June 24 sana daw magaganap ang ultimate kapamilya fan con, kasama ang mga kasamahan niya sa Dirty Linen na sina Zanjo Marudo, John Arcilla, Seth Fedelin at Francine Diaz.


Ngunit ayon sa isang source ay na postponed na daw ang event na iyun, at nalipat na sa August ang Sacramento show nina Janine. 


Hindi pa daw alam kung kailan i-a-announce, bata't ang sigurado lang daw ay sa August pa, at magiging tatlo na daw ang shows ng mga ito.


Ngunit sa muwan nga daw na iyon ay malabong makasama ang nobyo niyang si Paulo Avelino dahil maybago itong Tv series na sisimulan.


Mayroon kasing bagong project na tinanggap si Paulo pero hindi pa lang puwedeng sabihin kung ano daw ang gagawing project ng actor.


Kaya naman talagang malabo na masamahan ng actor ang kanyang kasintahan na si Janine sa show nito sa America.








Hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil, Kagustuhan Lahat Ng Aktres

Walang komento


 Tila kumpirmado na ang hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil kasunod ng mga lumalabas na bali-balita online.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, si Liza Soberano ang nagpasimuno sa kanilang hiwalayan sa pagnanais niyang matupad ang kanyang dream career sa Hollywood.


Bagama't nais pang magpatuloy ni Enrique ay hindi na ito nakausad pa dahil si Liza na mismo ang bumitaw dahil mas priority niya ang kanyang pangarap at career ngayon under Careless Management.  


Matatandaang noon pang 2022 pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa kasunod ng pag-alis ni Liza Soberano sa Kapamilya Network. Mula noon ay hindi na nagpi-flex si Liza ng mga larawan nila ng nobyong si Enrique.


Lalo pang lumakas ang hinala ng mga netizens nang ilabas ni Liza ang kanyang vlog, kung saan inirereklamo nito ang pagkakulong sa isang loveteam.


Ipinahiwatig din ni Liza na hindi niya nagustuhan na tanging si Enrique Gil lamang ang kanyang naging leading man.


Sa iba pang panayam, isiniwalat ni Liza na minsan ay napipilitan lamang ang mga artista sa Pilipinas na makipagdate sa kani-kanilang ka loveteam, upang mapasaya ang mga fans.


Kaya naman hinuha ng marami na talagang napilitan lamang ang aktres sa pakikipagrelasyon kay Enrique Gil.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga tagahanga ng aktres ang hindi naniniwalang napilitan lamang si Liza dahil tumagal naman umano sa walong taon ang kanilang pagiging magjowa in real life.


Marami rin ang nanghihinayang sa relasyon ng dalawa dahil tumagal din naman ito kahit papaano.


"As usual, sana hindi totoo na hiwalay na sila. Sana kung meron mang gap, or kung meron mang di pagkakaunawaan o misunderstanding, ma-patch up.


"Sayang, ilang taon din sila, 8 years? Sayang din yun di ba? kaya lang siyempre, kung totoo man na wala si Enrique at si Liza, ang importante naman sa isang relasyon e nag-end up kayo na still friends. Kung hindi man friends e civil, with each other"




Julie Ann San Jose Walang Balak Lumaban!....

Walang komento

 


Pinatunayan ng kapuso singer actress na si Julie Ann San Jose, na malaki ang respeto niya sa popstar royalty na si Sarah Geronimo.


Natanong kasi si Julie Ann ng siya ay magguest sa Fast Talk With Boy Abunda nitong kamakailan lang.


Natanong nga si Julie kung handa ba siyang magkaroon ng back to back concert kasama si Sarah Geronimo.


Si Julie Ann kasi ang pambato ng GMA pagdating sa concert performance, kaya naman marami ang nagtatanong kung lalaban ba siya sa back to back concert kasama si Sarah Geronimo. Pagbabahagi ni Boy Abunda, tanong kasi ito ng ibang mga netizens.


Sagot naman ni Julie Ann, "Unang-una tito Boy hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo, There can only be one Sarah Geronimo."


"It will be an honor of course na maka duet ko si Miss Sarah, because I really look up to her."


Dagdag pa ni Julie na hindi pa daw sila na bibigyan ng pagkakataon na magkatrabaho o magkasama, kaya kung may darating man daw na proyekto na kanilang pagsasamahan ay tiyak na paghahandaan niya ito.


Tila hindi nga talaga komportable si Julie Ann sa mga katagang paglalabanan, dahil isa daw si Sarah sa mga singer na talagang kanyang tinitingala.







Xander Ford Ipapa-Tulfo Na Si Christian Merck Grey

Walang komento


Tila hindi na makakapaghintay pa ang social media personality na si Xander Ford Arizala sa paghahatid ni Christian Merck Grey sa 349 thousand pesos na sinisingil niya rito.


Sa latest video na ibinahagi ni Xander Ford, ipinahayag niyang naiinip na siya sa paghihintay kay Christian Merck Grey. Kaya naman, humihingi na siya ngayon ng tulong kay Raffy Tulfo.


Hiling niya na sana ay matulungan siya nito sa kanyang paniningil kay Christian Merck Grey sa ipinangako umano sa nitong 349 thousand para sa binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.


Balak rin umano nito ngayon na kumuha na ng abogado dahil sa pagmamatigas ni Merck.


“Senator Raffy Tulfo, tulungan nyo ako… Grabe na yung ginagawa sa akin ni Merck... Gusto ko rin kumuha ng lawyer… Sana mahuli na yang si Merck,” panawagan ni Xander Ford kay Raffy Tulfo.


Matatandaan na ipinahayag na noon ni Christian Merck Grey na ibibigay na niya kay Xander ang iniiyakan nitong 349 thousand at dadagdagan pa ito ng 1000 para siradong 350 thousand ang maibibigay niya.


Subalit, nilinaw noon ni Merck na hindi siya nangako noon kay Xander Ford at magbibigay lamang siya dahil naawa siya sa anak nitong nadadamay na sa bashing.


Samantala, tinawanan naman ito ng mga netizens dahil iba na rin talaga umano ang trip nitong si Xander Ford.


"Magtrabaho ka ng Hindi ka umaasa pati pag gastos sa mo anak kailangan c merk pa din. HAHAHA nakakaloka haa"


"Magpatulfo ka, excited na kaming mapanuod kang mapahiya."


"Mas mabuti pa Doon kayu sa tulfo para ma advise ng Tama sa attorney kung dapat ba mgbigaysi grey oh hindi,Kasi laki pera ito Yung mga pera ng anak n whamos 3ook Yung lahat ng bigay ng dami ninong sayu Isang tao lng nka 349k kana,mabigat sa kalooban siguro n grey,sana sir raffy tulfo ma advisan to dalwa kun ano dapat"


"My God! Hindi na sya nagbago! Wag mong pagnasahan ang pera na hindi mo pinaghirapan. Able ka diba? Bakit hindi ka mag work? Kaya hindi ka binibigyan ng chance kasi ganyan ugali mo. Mag aanak anak ka tapos hindi mo pala kaya sustentuhan mga pangangailangan. Kung sino pa yung walang wala ang lakas pa ng loob gumastos ng bongga"



Kylie Padilla at Aljur Abrenica 3rd Baby May Reaction Si Sen. Robin Padilla!

Walang komento

 


Sobrang natuwa ang actor at Senador na si Robin Padilla ng malaman niyang buntis ngayon ang kanyang anak na si Kylie Padilla sa Third Baby nila ni Aljur Abrenica.


Hindi na nakapagpigil at nagsalita an ang ama at actor na si Senator Robin Padilla, tungkol sa kumakalat na mga balibalitang buntis ang kanyang anak na si Kylie Padilla.


Matatandaan nga daw na nitong kamakailan lang ay napabalita ng muling nagkabalikan nga sina Kylie at Aljur, at muli pa ngang ikinasal ang dalawa sa isang prebadong resort sa Batangas.


At si Aljur pa mismo ang nagyaya kay Kylie na muling magpakasal sa isang prebadong lugar.


Kaya ngayon ay muli din nagbunga ang kanilang pagbabalikan na nagresulta ng pagbubuntis ngayon ni Kylie Padilla.


Sobrang saya nga daw ngayon ng ama ni Kylie Padilla na si Robin Padilla matapos nitong malaman na buntis nga si Kylie Padilla.


Ayon pa daw kay Senator Robin na sana nga daw ay maging isang babae na ang magiging anak ngayon nina Kylie at Aljur dahil gusto daw niya na magkaroon ng isang apo na babae.


Matatandaan noong matapos na mag desisyon na maghiwalay sina Kylie at Aljur ay ang hiling lang ni Senator Robin noon ay sana nga daw ay wag lang pababayaan ang mga bata at masmabuti daw na nasa pangangalaga ito ng kanyang anak na si Kylie Padilla.


Isa nga daw itong magandang blessing na dumating sa kanilang pamilya.




Lolito Go, Inisa-Isa Ang Mga Kantang Sinulat Umano Niya Para Kay Moira

Walang komento


 Inisa-isang ipinahayag ng lyricist/composer na si Lolito Go ang mga kantang sinulat niya kay Moira Dela Torre, matapos ang pagdidipensa ng ina ng singer at pinasinungalingan ang kanyang claims sa pagiging ghost writer ni Moira.


Ayon sa pahayag ng ina ni Moira, hindi kailanman naghire si Moira ng isang ghost writer. Bagkus si Lolito umano mismo ang nagnanais na maging ghost writer dahil palagi itong nangungutang kay Moira.


Agad naman itong sinagot ni Lolito at ipinunto na nagiging ghost writer ang lagay niya dahil hindi naman umano siya nabibigyan ng credits. May ilan pa umano sa mga kantang isinulat niya na hindi rin siya nabigyan ng bayad.


"Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I "might have" initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nakecredit. I only suggested that once. Then after a while, sya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap."


Dagdag pa ni Lolito, "Tita Raquel, hindi nya po ako nabayaran sa song na Pahinga. She used that song sa Braver tour. Pati sa concerts abroad. Malaki kinita ng Patawad Album. Pero wala man lang binigay sa akin kahit yung tinatawag na mechanical royalty."


Aminado din naman umano si Lolito na nanghihiram siya ng pera kay Moira ng ilang ulit subalit, tinanggihan itong lahat ni Moira.


Maging nang maospital umano ang kanyang ama ay hindi ito nagbigay. Noong tuluyang pumanaw ang kanyang ama, hindi man lamang umano nagbigay ng abuloy si Moira kaya naman hindi niya alam kung kaibigan nga ba itong maituturing.


"Nung nagmakaawa rin ako sa kanya dahil nakaratay ang tatay ko, kahit piso di sya nagbigay. Hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala. Marami raw kasi syang gastos. Pero lakas ng loob nyang tawagin akong friend, kakampi."



Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon Tuluyan Nang Lumayas Sa ‘Eat Bulaga’!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertinment sites at social media platforms ang tuluyang pag-alis ng TVJ sa Eat Bulaga.


Ayon sa mga kumakalat na bali-balita, tuluyan nang umalis sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa Eat Bulaga at ipinaubaya na ito sa TAPE Inc.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, may bagong show ang TVJ sa TV5 at natapos na rin umano ang negotiation nila.


Matatandaan na unang isiniwalat ni Manay Cristy Fermin na kinumpirma na ng TVJ ang paglipat nila sa ibang network sakaling hindi magbunga ng maayos ang usapan nila ng Tape Inc. at ng GMA 7.


Marami na rin umanong mga producers ang nag-aagawan na makuha ang iconic trio.


Matatandaan na bigla na lamang pumutok ang balitang nagkaroon ng internal conflict ang Eat Bulaga nang pilit umanong pinagresign ng mga bagong namumuno sa TAPE Inc, mga Jalosjos, ang pangunahing producer ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera.


Samantala, nauna nang pinabulaanan ng mga Jalosjos ang isyung pilit nilang pinag resign ang TVJ at si Tony Tuviera.


Ayon kay Mayor Bullet Jalosjos, isang executive ng TAPE, kagustuhan ni Tony Tuviera ang pag-alis sa Eat Bulaga.




Together Again! Claudine Barretto at Raymart Santiago Muling Nagsama! Nagkabalikan Na Nga Kaya?

Walang komento

 


Muling nagkasama ang dating mag-asawa na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa recognition at graduation ng kanilang dalawang anak.


Sa Instagram ay makikitang ibinahaging video ng actress na si Claudine Barretto  na kasama nga sa mahalagang araw na ito ng kanyang mga anak ang ama nilang si Raymart Santiago.


Makikita din sa Video na si Raymart pa mismo ang siyang nagsuot sa maraming medalya ng kanyang anak na si Santino.


Cation naman ni Claudine sa kanyang post, "The other day was SANTINO’s recognition day & Sabina’sGraduation 👩‍🎓 pasensya na po but iam just soo Proud of both of my kids.they have always been straight."


"A students ever since they started pre school, but i was so proud & amazed of how plenty their Awards, Medals & Certificates they both received.I want to thank Sab & Saint for making me proud 🥹i must have done something good to deserve both Sab @ Saint!"


"Congratulations mga anak! God be with you in this next chapter of your lives.mommy will always be here cheering & rooting for you both.its a Privilege to be you’re Mom. 🥹🥹🥹🙏🙏🙏❤️❤️❤️ @sab_barretto the woman beside Sab’ Dad & i is YAYA GING.2nd mom of Sabina for 19 years.it was so important for Sab that her Yaya Ging go up stage with us.❤️❤️❤️❤️🥹🥹🥹"


Napakasayang isipin na kahit hiwalay na silang dalawa ay binibigyan parin nila ng oras at importansya at nagsasama parin sila sa mga ganitong mga mahahalagang okasyon alang-alang naman sa kanilang mga anak.


Talagang makikita sa mga mukha ng dalawa na sobrang saya at proud na proud sila sa kanilang mga anak, na kahit hiwalay na nga sila ay magkasundo parin silang magkakapamilya.


Agad naman na bumuhos ng pagbati mula sa mga netizen ang kanilang natanggap.




Paolo Contis, Binati Rin Sa Pagkaka Engage Ni LJ Reyes Dahil May Sasalo Na Naman Sa Kanyang Responsibilidad

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ng mga mensahe ng pagbati ang dating aktres na si LJ Reyes matapos niyang isiniwalat sa kanyang Facebook post ang proposal sa kanya ni Philip Evangelista.


Samantala, hindi lamang si LJ Reyes ang binabati ngayon ng mga netizens kundi maging si Paolo Contis dahil may sumalo na naman umano sa kanyang mga responsibilidad sa anak kay LJ Reyes.


“May lalaki nanaman [na] matino na sasalo sa pagka tatay mo.. may babae na naman masasalba sa sakit na dinulot mo.” 


Matatandaang napagdesisyunan noon ni LJ Reyes na manirahan na lamang sa Amerika kasunod ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.


Sina Paolo Contis at LJ Reyes ay nagsama sa loob ng anim na taon. Biniyayaan din sila ng isang anak na pinangalanan nilang Summer Ayana noong 2018.


Subalit, noong 2021, lumabas ang isyung may relasyon sina Paolo Contis at Yen Santos matapos magsama sa isang project na kinunan sa ibang bansa.


Ilang beses rin silang namataan na magkasama subalit una nilang sinasabing magkaibigan lamang sila.


Samantala nito lamang January 2023, sa isang panayam inamin ni Paolo Contis na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.


Bagkus ay may mga savings naman umano siya para sa mga ito na ibibigay niya pagdating ng tamang panahon.


Marami naman ang nainis kay Paolo Contis dahil sa pagiging irresponsable nito sa kanyang mga anak. 


Si Paolo Contis ay may anak rin kay Lian Paz na kasalukuyang nakatira sa Cebu at masaya kasama ang fiancee na si Jhon Cabahug.


Matatandaan rin na kamakailan lamang ay inamin na nina Paolo Contis at Yen Santos ang kanilang relasyon matapos ang ilang buwang pananahimik nila sa social media.



Sikat Na Tv Host Hindi Na Matutuloy!

Walang komento

 


Isang kilalang sikat na Tv host  hindi na raw matutuloy ang pagpirma ng kontrata sa isang ahensya.


Ibinulgar ng isang kilalang kulumnista ang pinakabagong kaganapan sa buhay ng isang Tv host, na medyo matagal na ding hindi napapanood sa telebisyon.


Sa latest na balita ay sinabi nito na hindi na umano matutuloy ang pagpirma ng kontrata nang nasabing Tv host na si Willie Revillame sa pamunoan ng Viva ni Vic Del Rosario.


Ito ay ayon sa isang source ni Cristy Fermin, na napag-usapan sa vlog ni Cristy Fermin na Showbiz now na.


Kung matatan daan ay may lumabas na balita na ang Viva na daw ni Vic Del Rosario ang siyang hahawak sa Career ni Willie Revillame.


At sinasabing magkakaroon sa na ng tour o show si Willie sa iba't ibang bansa na pamamahalaan ng Viva Entertainment.


Ngunit sa bagong balita na ibinunyag ni Cristy Fermin ay tila nagbago na umano ang planu, at usapan sa pagitan ni Willie at ng pamunoan ng Viva at hindi na matutuloy ang pirmahan ng kontrata.


At tila hindi na nga matutuloy ang inaayos na mga concert o show ni Willie sa iba't ibang bansa tulad nalang ng bansang Canada at iba pang mga bansa sa Europe.


Pahayag ni Cristy Fermin, "Hindi na matutuloy, pati pag pirma niya ng kontrata sa Viva hindi na tuloy, ang kuwento ng aking source, nagmeeting na daw si Boss Vic Del Rosario at si Willie."


"Nagkasundo na nakukuha ng 20 percent ang Viva sa lahat ng kikitain ng concert ni Willie, so ok, oka na raw wala nang problema."


"Ngunit mayamaya daw pagkatapos ng ilang araw ay mayroon na naman daw kakaltasin na 20 percent, edi 40 percent na."


Dagdag pa ni Cristy, "kung Ikaw si Willie kukuhanan ka ng 40 percent papayag ka" Ito ang patanong na sinabi ni Cristy Fermin kay Wendell.


Sagot naman ni Wendell kay Cristy, "Siyempre hindi, ito na nga sinasabi ko nagharap ang dalawang makuwenta."


Natawa naman sina Romel at Cristy sa naging sagot ni Wendell. at sinundan pa ng sabi na Oo parehong negosyante.


Samanta, wala pa naman inilalabas na pahayag si Willie Revillame tungkol dito.






Paolo Contis Walang Pakialam Sa Engagement Ni LJ Reyes

Walang komento


 Ginulat ng aktres na si LJ Reyes ang mga netizens sa pagbabahagi niya ng mga larawan saan makikitang may nagpo-propose sa kanya.


Bagama't hindi niya tahasang ipinahayag ang kanyang engagement. Makikita naman sa mga larawan at sa ibinahagi niyang bible verse bilang caption sa caption ng kanyang post.


“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.”

‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT‬‬


Samantala, sa isang panayam ng press kay Paolo naitanong rito kung ano ang kanyang reaksyon sa pagpapakasal ni LJ Reyes na dati niyang kinakasama.


Subalit, mas pinili na lamang ni Paolo Contis na manahimik at hindi na lamang magbigay ng anumang reaksyon sa balitang ito dahil kahit ano paman umano ang kanyang sasabihin tiyak na makakatanggap pa rin siya ng pambabatikos mula sa kanyang mga bashers.


Matatandaan na nagsama noon sina LJ Reyes at Paolo Contis. Nagkaroon din sila ng anak na si Summer. 


Subalit noong 2021, lumabas ang isyung nagkakamabutihan na sina Paolo Contis at Yen Contis na leading lady niya sa pelikulang A Faraway Land.


Kasunod nito ang pagsisiwalat ni LJ na naghiwalay na sila ni Paolo Contis at napagdesisyonan niyang pumunta sa Amerika for good.


Samantala, umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang engagement ni LJ Reyes. Marami ang masaya para rito dahil nakatagpo na umano ito ng lalaking handa siyang pakasalan.


"I am so happy for you Miss LJ you deserve someone who will be willing to be with you for the rest of your life and accept you and your 2 children I am also a single mom and I know God will send the right man for me someday Congrats Miss LJ"


"So happy for you Ms.LJ. You deserve all the happiness in the world. God bless in your new journey Po. Just love and be loved "


"Congratulations Lj!!! God is good always remember things happen for a reason. ❤️‍🩹 Much better pa yung ibibigay sayo. Si happy for you."




Tito Vic at Joey Aalis Na Sa Eat Bulaga! Hindi Kinaya Ang Puwersa Ng Jalosjos?!

Walang komento


Sobrang na longkot ang mga taga subaybay ng Eat Bulaga at ang lahat ng mga fan ng TVJ, ito ay dahil kumpirmado na di umano ang pag-alis ng mga original na mga host ng longest running noontime show na Eat Bulaga.


Na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon, anu mang araw mula ngayon ay tuloy na tuloy na raw ang pag-alis sa Eat Bulaga ng iconic trio.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nakatakda na daw magpaalam sina Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga.


Dahil napagpasyahan na ang kanilang paglisan sa nasabing noontime show na minahal nila at pinasikat ng mahigit sa apat na dekada.


Talaga palang totoo ang sinabi noon ni Cristy Fermin na aalis at lilipat na ang TVJ.


At ang kanilang paglilipatang channel ay sa channel 5, dahil magkakaroon sila roon ng bagong programa.


Ngunit ang ibig sabihin lang nito ay hindi napagtagumpayan nina Tito, Vic at Joey na dalhin ang titulo nang programa sa kanilang pag-alis o paglipat ang Eat Bulaga.


Ito ay sa kabila ng pagsasabi nila na kanila ang Eat Bulaga at ang mga Jalosjos ay ang papil lang ay ang siyang pagpoproduce dito.


Ang siyang lumalabas ngayon an hindi kinaya ng trio na kuhanin ang Eat Bulaga, lalo na at kung matatandaan ay kamakailan lang ng magpahayag ng pagkadismaya ang TVJ sa chairman ng GMA 7 na si Felipe Gozon.


Na ayon sa TVJ na bias raw ito dahil pumanig daw ito sa mga Jalosjos, na dapat ay pantay lang, at ito pa daw umano ang nag refer sa mga Jalosjos sa isang kilalang lawfirm.


Kung saan ay makakatulong ito sa legal na usapin hingging sa mga karapatan ng Jalosjos sa Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa alam kung sino-sino ang mga papalit sa TVJ at kung sino pa ang mga aalis sa Eat Bulaga.












 

Claudine Barretto Sinagot Ang Komento ni Dennis Padilla

Walang komento


 Sinagot ng aktres na si Claudine Barretto ang komento ng aktor na si Dennis Padilla sa kanyang post kamakailan lamang.


Matatandaan na masayang ibinahagi ni Claudine Barretto sa kanyang social media account ang mga larawan mula sa recognition day at graduation day ng kanyang mga anak na sina Santino at Sabrina.


"The other day was SANTINO’s recognition day & Sabina’s Graduation 👩‍🎓 pasensya na po but iam just soo Proud of both of my kids. they have always been straight A students ever since they started pre school, but i was so proud & amazed of how plenty their Awards, Medals & Certificates they both received."


Agad namang nagkomento si Dennis Padilla sa nasabing post ni Claudine Barretto kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagbati sa mga anak ng aktres. Tinawag pa niya ang mga ito bilang anak.


"Congrats mga anak," pagkokomento ni Dennis Padilla.


Agad naman itong sinagot ni Claudine Barretto.


"Thank You so much kuya.may Scholar na ako.si Sab! Santino 9 awards.thank you so much for loving my kids hanggang ngayon.we love you kuya,” pasasalamat ni Claudine.


Samantala, sa nasabing larawan makikitang kasama ni Claudine ang kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.


Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Claudine at Raymart matapos ang kanilang paghihiwalay.




Umaming Tomboy Si Miss Universe Ph 2023 Michelle Marquez Dee!...

Walang komento

 


Ikinagulat ng marami ang naging pag-amin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na siya ay isang Bisexual.


Ito ay kanyang isiniwalat sa pamamagitan ng isang panayam sa Mega Magazine Philippines.


Ayon kay Michelle Dee ay isa nga daw siyang kasapi sa LGBTQIA+ COMMUNITY mula pa daw noong bata pa siya.


Aniya, "I definitely identify myself as bisexual. I’ve identified with that for as long as I can remember,” Michelle told Mega."


“I’m attracted to all forms of beauty, all shapes and sizes,”


Alam din daw ito ng kanyang ina na si Melanie Marquez na dati na ding naging isang beauty queen, noong taong 1979.


Na ibahagi din ni Melanie kay Michelle nagkaroon din siya ng mga girlfriend noong bata pa siya.


Kuwento ni Michelle, "My mom would say, O anak when I was young, I had five girlfriends. She'd teased me sometimes because I had a very boyish demeanor."


Bukod nga din dito ay sumasam na nga din si Michelle sa iba't ibang mga gawain ng mga katulad niyang bisexual para sa kanilang mga karapatan, bago paman ang pageant, kung saan siya nakuronahan.


Aniya, "Even before coming out, I've been attending pride marches. I have too many friends in the community. I've been a loud and proud ally."


Agad naman umani ng iba't ibang reaction at komento mula sa mga netizens ang naging pag-amin na ito ng beauty queen.




Lolito Go, Naglabas Na Ng Resibo Upang Kontrahin Ang Statement Ni Moira

Walang komento


 Agad na dumipensa si Lolito Go sa statement na inilabas ni Moira Dela Torre kung saan pinabulaanan nitong kumuha siya ng ghost writer.


Ayon sa inilabas na statement ni Moira nilinaw niyang hindi siya nag-employed ng ghost writer.


"I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghost writer. Throughout my career, I have been fortunate  enough to collaborated with immensely talented artist who treat each other with respect and acknowledge the contribution we all bring to the table."


Ipinunto rin niya na lahat ng kanyang mga kanta ay sariling gawa niya at mula sa kanyang mga past experiences.


"Every song I have created is a true reflection of my deepest emotions and experience. I am truly prepared to provide evidence that supports this truth."


Hindi naman basta mapapatahimik si Lolito Go at kaagad na bumwelta kay Moira Dela Torre. Ayon kay Lolito, hindi nga siya employed dahil inalok siya. Inilabas din niya ang screenshots na makapagpatunay umano nito.


“Nowhere in my post did I say a ghostwriter was “employed.” The operative term I used was “offered.” Inalok Kasi kung employed ako, may NDA–di ko na sana madidisclose ito,” saad ni Lolito.


Ipinangako pa ni Lolito na hindi pa rito magtatapos ang pagpapalabas niya ng mga resibo na magpapatunay sa kanyang mga naging pahayag noon laban kay Moira.


Samantala, unang nilinaw ni Lolito Go, na hindi na makikita sa kanyang screenshot ang pangalan ni Moira dahil deactivated na umano ang account na ginamit nito sa pagchat sa kanya.


Muli namang nabuhay ang ilang mga marites online na nag-aabang ng panibagong update sa isyung ito.


"Jason VS Moira VS Lolito Go VS Jeff Vadillo! Madami na naman kikita na mga sawsawero este influencers kuno sa mga reaction videos nila hahaha!"


"Ano bang connection nito sa hiwalayan nila ni jason bakit pinipilit mong sumali sa away na di ka naman involved? You are literally just pushing your own agenda 💀💀 pa-main character ka masyado ghorl"


"Yown! Yan kasi issue mo, binarat ka kaya ka ngumangawa 🤣. Dapat yan nalang ginawa mong issue mula umpisa, may pa "injustice" ka pang nalalaman. Concern sa couple daw. Putragis na yan"




Zack Tabudlo At Moira Dela Torre May Matching Tattoo

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang muling pagkabuhay sa isyu noon pa man sa pagitan nina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo.


Muli na namang napag-uusapan na may relasyon sina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo matapos isiniwalat ng lyricist/composer na si Lolito Go.


Ayon sa pagsisiwalat ni Lolito Go, bago pa man nakapan-cheat si Jason Hernandez at naging malamig na si Moira Dela Torre dahil nakatagpo na umano ito ng iba na handa siyang tawaging Binibini.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Lolito kung sino ang kanyang tinutukoy, iniisip ngayon ng mga netizens na ito ay walang iba kundi si Zack Tabudlo na dati na ring nalilink sa singer.


May ilan pang social media personalities at ilang mga netizens na nagsasabing napapansin rin umano nila ang ibang tinginan nina Moira at Zack. May pagkakataon pa umanong naghoholding hands ang mga ito.


Kumakalat rin ngayon ang video kung saan makikitang hinahalikan ni Zack Tabudlo si Moira.


Samantala, usap-usapan naman ngayon ang napansin ng ilang mga netizens na mayroong couple tattoo umano sina Moira at Zack Tabudlo na nagpapatunay sa hinalang may relasyon umano ang dalawa.


Hindi naman makapaniwala ang ilang mga fans ni Moira na magagawa pala ito ng singer, kaya naman hinihintay nila ang paliwanag ngayon ni Moira.


“I’m a big fan of Moira dela Torre, but after seeing that she and Zack Tabudlo have matchy tattoos, I can’t help but think that maybe some of the accusations about her are true.”


“Di ko alam na may matching tattoos sila ni Moira, Ang alam ko matching jewelries the bangle & the chain ring that they always wear before.”




Finally! Moira Dela Torre Sumagot Na Sa Mga Akusasyon Ni Lolito Go Sakanya!......

Walang komento

 


Sa wakas ay nagsalita na ang singer at song writer na si Moira Dela Torre tungkol sa kontrobersyal issue na kanyang kinakasangkotan.


I to ay matapos ang mga akusasyon sa kanya ng di umanoy  dati niyang composer at ghost writer na si Lolito Go.


Dito nga ay sinupalpal ni Moira si Lolito at sinabing never daw siyang naghired ng isang Ghost Writer.


Dahil lahat daw ng kanyang kanta ay repleksyon ng kanyang malalim na emosyon, hindi rin din daw siya nag cheat kay Jason at hindi rin din daw niya kailangan i-explain ang kanyang sarili.


Nagbanta pa siya na kaya niyang maglabas ng mga ebidensyo o resibo ng screenshots para mapatunayan ang mga ito.


Narito naman ang buo niyang pahayag, "I never imagined that i would find my self in a situation where I have to explain and defend my decision to leave a marriage, as well as justify the state of my mental health."


"It is truly disheartening that I am being question and ask to proved my worth as a song writer and artist."


"How ever despite the overwhelming circumstances, I feel a strong inner calling to stand up for my self and protect my integrity."


Paglilinaw niya pa, "I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghost writer. Throughout my career, I have been fortunate  enough to collaborated with immensely talented artist who treat each other with restpect and acknowledge the contribution we all bring to the table."


"Every song I have created is a true reflection of my deepest emotions and experience. I am truly prepared to provide evidence that supports this truth."


"Including screenshots of conversations and recordings of my songs, which undoubtedly validate and disproved the harmful accusation made against me."


  

LJ Reyes Inamin Ang Kanyang Pagkaka-Engage!

Walang komento


 Ginulat ng aktres na si LJ Reyes ang publiko sa kanyang ibinahaging mga larawan sa kanyang social media post.


Matatandaan na noong nagdaang taon, nagpasya si LJ Reyes na pumunta sa Amerika matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ng dating kinakasama na si Paolo Contis.


Mula noon, malimit na ang pagbabahagi ni LJ Reyes ng update patungkol sa kanyang buhay at maging sa kanyang mga anak.


Kaya naman, ikinagulat ng maraming netizens ang mga larawang ibinahagi ni LJ Reyes kung saan makikitang nagpopropose sa kanya ang isang lalaki.


Kalakip ng mga larawan ay isang bible verse.


“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.” ‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT


Bagama't hindi naman pinangalanan ni LJ Reyes kung sino ang kanyang fiancee, kinilala itong si Philip Evangelista.


Marami rin sa mga tagahanga ni LJ Reyes ang natutuwa dahil natagpuan na umano ng aktres ang lalaking handa siyang mahalin ng totoo.


"In HIS perfect time ♥️ God always answers our prayers but often doesn't do so in the timing we want or the ways we prefer. His answers may come as a “Yes,” or a “No,” or a “Wait.” The long wait is over, you deserve this LJ."


"Congratulations! Deserve po. When kaya si Paolo at Yen? Maghihiwalay?"


"Ilan beses ka man bumagsak at madurog, babangon ka uli until such time na makilala mo ang taong tama para sa iyo. Dasurb LJ😘. Basta kapag niloko ka, sa program namin mo share ha."


Wow: Actress Na Si Lj Reyes Engaged Na Sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend!....

Walang komento

 


Actress na si Lj Reyes engaged na sa kanyang non showbiz boyfriend, matatandaang halos magdadalawang taon na rin noong umalis nang bansa ang actress.


Ito'y matapos nilang maghiwalay ng kanyang dating asawang si Paolo Contis.


Sa Instagram ay ginaulat ng actress ang marami ng magpost siya ng mga larawan na na siya ay na engaged na.


Sa kanya ngang Instagram ay ibinahagi ng actress ang proposal sa kanya ng kanyang non showbiz boyfriend.


Basi naman sa pangalan na nakatag sa post ng actress ay ang lalaking muling nagpatibok ngayon sa puso ni Lj Reyes ay si Philip Evangelista.


Pero dahil sa naka private ang social media account ni Philip kaya wala pang mga impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan nito ang aming nalaman.


Basi sa mga larawan na ibinahagi ng actress ay makikita talaga sa kanyang mukha ang bakas ng kaligayahan lalo ng lumuhod sa kanyang harapan si Philip upang ipakita ang isang singsing at dahan dahan itong isinuot sa kanya.


Kalakip naman ng ibinahagi niyang mga larawan ang isang Bible verse na caption niya sa kanyang post.


Caption niya, "For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope."

‭‭"Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT‬‬"


Agad naman bumuhos ang mga mensahe ng pagbati ang natanggap ni LJ Reyes mula sa mga netizen, at pati na rin sa mga kaibigan niya sa showbiz, tulad nalang nina Marian Revera, Iza Calzado at iba pa.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo