Julie Ann San Jose Walang Balak Lumaban!....

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Jerome

 


Pinatunayan ng kapuso singer actress na si Julie Ann San Jose, na malaki ang respeto niya sa popstar royalty na si Sarah Geronimo.


Natanong kasi si Julie Ann ng siya ay magguest sa Fast Talk With Boy Abunda nitong kamakailan lang.


Natanong nga si Julie kung handa ba siyang magkaroon ng back to back concert kasama si Sarah Geronimo.


Si Julie Ann kasi ang pambato ng GMA pagdating sa concert performance, kaya naman marami ang nagtatanong kung lalaban ba siya sa back to back concert kasama si Sarah Geronimo. Pagbabahagi ni Boy Abunda, tanong kasi ito ng ibang mga netizens.


Sagot naman ni Julie Ann, "Unang-una tito Boy hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo, There can only be one Sarah Geronimo."


"It will be an honor of course na maka duet ko si Miss Sarah, because I really look up to her."


Dagdag pa ni Julie na hindi pa daw sila na bibigyan ng pagkakataon na magkatrabaho o magkasama, kaya kung may darating man daw na proyekto na kanilang pagsasamahan ay tiyak na paghahandaan niya ito.


Tila hindi nga talaga komportable si Julie Ann sa mga katagang paglalabanan, dahil isa daw si Sarah sa mga singer na talagang kanyang tinitingala.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo