Lolito Go, Naglabas Na Ng Resibo Upang Kontrahin Ang Statement Ni Moira

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Agad na dumipensa si Lolito Go sa statement na inilabas ni Moira Dela Torre kung saan pinabulaanan nitong kumuha siya ng ghost writer.


Ayon sa inilabas na statement ni Moira nilinaw niyang hindi siya nag-employed ng ghost writer.


"I want to set things straight once and for all. Let me be clear: I have never employed a ghost writer. Throughout my career, I have been fortunate  enough to collaborated with immensely talented artist who treat each other with respect and acknowledge the contribution we all bring to the table."


Ipinunto rin niya na lahat ng kanyang mga kanta ay sariling gawa niya at mula sa kanyang mga past experiences.


"Every song I have created is a true reflection of my deepest emotions and experience. I am truly prepared to provide evidence that supports this truth."


Hindi naman basta mapapatahimik si Lolito Go at kaagad na bumwelta kay Moira Dela Torre. Ayon kay Lolito, hindi nga siya employed dahil inalok siya. Inilabas din niya ang screenshots na makapagpatunay umano nito.


“Nowhere in my post did I say a ghostwriter was “employed.” The operative term I used was “offered.” Inalok Kasi kung employed ako, may NDA–di ko na sana madidisclose ito,” saad ni Lolito.


Ipinangako pa ni Lolito na hindi pa rito magtatapos ang pagpapalabas niya ng mga resibo na magpapatunay sa kanyang mga naging pahayag noon laban kay Moira.


Samantala, unang nilinaw ni Lolito Go, na hindi na makikita sa kanyang screenshot ang pangalan ni Moira dahil deactivated na umano ang account na ginamit nito sa pagchat sa kanya.


Muli namang nabuhay ang ilang mga marites online na nag-aabang ng panibagong update sa isyung ito.


"Jason VS Moira VS Lolito Go VS Jeff Vadillo! Madami na naman kikita na mga sawsawero este influencers kuno sa mga reaction videos nila hahaha!"


"Ano bang connection nito sa hiwalayan nila ni jason bakit pinipilit mong sumali sa away na di ka naman involved? You are literally just pushing your own agenda 💀💀 pa-main character ka masyado ghorl"


"Yown! Yan kasi issue mo, binarat ka kaya ka ngumangawa 🤣. Dapat yan nalang ginawa mong issue mula umpisa, may pa "injustice" ka pang nalalaman. Concern sa couple daw. Putragis na yan"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo