Paolo Contis, Binati Rin Sa Pagkaka Engage Ni LJ Reyes Dahil May Sasalo Na Naman Sa Kanyang Responsibilidad

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng mga mensahe ng pagbati ang dating aktres na si LJ Reyes matapos niyang isiniwalat sa kanyang Facebook post ang proposal sa kanya ni Philip Evangelista.


Samantala, hindi lamang si LJ Reyes ang binabati ngayon ng mga netizens kundi maging si Paolo Contis dahil may sumalo na naman umano sa kanyang mga responsibilidad sa anak kay LJ Reyes.


“May lalaki nanaman [na] matino na sasalo sa pagka tatay mo.. may babae na naman masasalba sa sakit na dinulot mo.” 


Matatandaang napagdesisyunan noon ni LJ Reyes na manirahan na lamang sa Amerika kasunod ng hiwalayan nila ni Paolo Contis.


Sina Paolo Contis at LJ Reyes ay nagsama sa loob ng anim na taon. Biniyayaan din sila ng isang anak na pinangalanan nilang Summer Ayana noong 2018.


Subalit, noong 2021, lumabas ang isyung may relasyon sina Paolo Contis at Yen Santos matapos magsama sa isang project na kinunan sa ibang bansa.


Ilang beses rin silang namataan na magkasama subalit una nilang sinasabing magkaibigan lamang sila.


Samantala nito lamang January 2023, sa isang panayam inamin ni Paolo Contis na hindi siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.


Bagkus ay may mga savings naman umano siya para sa mga ito na ibibigay niya pagdating ng tamang panahon.


Marami naman ang nainis kay Paolo Contis dahil sa pagiging irresponsable nito sa kanyang mga anak. 


Si Paolo Contis ay may anak rin kay Lian Paz na kasalukuyang nakatira sa Cebu at masaya kasama ang fiancee na si Jhon Cabahug.


Matatandaan rin na kamakailan lamang ay inamin na nina Paolo Contis at Yen Santos ang kanilang relasyon matapos ang ilang buwang pananahimik nila sa social media.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo