Lolito Go, Inisa-Isa Ang Mga Kantang Sinulat Umano Niya Para Kay Moira

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Inisa-isang ipinahayag ng lyricist/composer na si Lolito Go ang mga kantang sinulat niya kay Moira Dela Torre, matapos ang pagdidipensa ng ina ng singer at pinasinungalingan ang kanyang claims sa pagiging ghost writer ni Moira.


Ayon sa pahayag ng ina ni Moira, hindi kailanman naghire si Moira ng isang ghost writer. Bagkus si Lolito umano mismo ang nagnanais na maging ghost writer dahil palagi itong nangungutang kay Moira.


Agad naman itong sinagot ni Lolito at ipinunto na nagiging ghost writer ang lagay niya dahil hindi naman umano siya nabibigyan ng credits. May ilan pa umano sa mga kantang isinulat niya na hindi rin siya nabigyan ng bayad.


"Hindi po insisting. Suggesting. There had been prior talks and I "might have" initiated the idea of ghostwriting. Kasi nga po, hindi nya na ako nababayaran, hindi pa nakecredit. I only suggested that once. Then after a while, sya na itong nag-alok. Wala sya idea magkano iaalok sa akin. May tawarang naganap."


Dagdag pa ni Lolito, "Tita Raquel, hindi nya po ako nabayaran sa song na Pahinga. She used that song sa Braver tour. Pati sa concerts abroad. Malaki kinita ng Patawad Album. Pero wala man lang binigay sa akin kahit yung tinatawag na mechanical royalty."


Aminado din naman umano si Lolito na nanghihiram siya ng pera kay Moira ng ilang ulit subalit, tinanggihan itong lahat ni Moira.


Maging nang maospital umano ang kanyang ama ay hindi ito nagbigay. Noong tuluyang pumanaw ang kanyang ama, hindi man lamang umano nagbigay ng abuloy si Moira kaya naman hindi niya alam kung kaibigan nga ba itong maituturing.


"Nung nagmakaawa rin ako sa kanya dahil nakaratay ang tatay ko, kahit piso di sya nagbigay. Hanggang sa namatay ang tatay ko, kahit pisong abuloy wala. Marami raw kasi syang gastos. Pero lakas ng loob nyang tawagin akong friend, kakampi."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo