LJ Reyes Inamin Ang Kanyang Pagkaka-Engage!

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Ginulat ng aktres na si LJ Reyes ang publiko sa kanyang ibinahaging mga larawan sa kanyang social media post.


Matatandaan na noong nagdaang taon, nagpasya si LJ Reyes na pumunta sa Amerika matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ng dating kinakasama na si Paolo Contis.


Mula noon, malimit na ang pagbabahagi ni LJ Reyes ng update patungkol sa kanyang buhay at maging sa kanyang mga anak.


Kaya naman, ikinagulat ng maraming netizens ang mga larawang ibinahagi ni LJ Reyes kung saan makikitang nagpopropose sa kanya ang isang lalaki.


Kalakip ng mga larawan ay isang bible verse.


“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.” ‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT


Bagama't hindi naman pinangalanan ni LJ Reyes kung sino ang kanyang fiancee, kinilala itong si Philip Evangelista.


Marami rin sa mga tagahanga ni LJ Reyes ang natutuwa dahil natagpuan na umano ng aktres ang lalaking handa siyang mahalin ng totoo.


"In HIS perfect time ♥️ God always answers our prayers but often doesn't do so in the timing we want or the ways we prefer. His answers may come as a “Yes,” or a “No,” or a “Wait.” The long wait is over, you deserve this LJ."


"Congratulations! Deserve po. When kaya si Paolo at Yen? Maghihiwalay?"


"Ilan beses ka man bumagsak at madurog, babangon ka uli until such time na makilala mo ang taong tama para sa iyo. Dasurb LJ😘. Basta kapag niloko ka, sa program namin mo share ha."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo