Paolo Contis Walang Pakialam Sa Engagement Ni LJ Reyes

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Ginulat ng aktres na si LJ Reyes ang mga netizens sa pagbabahagi niya ng mga larawan saan makikitang may nagpo-propose sa kanya.


Bagama't hindi niya tahasang ipinahayag ang kanyang engagement. Makikita naman sa mga larawan at sa ibinahagi niyang bible verse bilang caption sa caption ng kanyang post.


“For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.”

‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT‬‬


Samantala, sa isang panayam ng press kay Paolo naitanong rito kung ano ang kanyang reaksyon sa pagpapakasal ni LJ Reyes na dati niyang kinakasama.


Subalit, mas pinili na lamang ni Paolo Contis na manahimik at hindi na lamang magbigay ng anumang reaksyon sa balitang ito dahil kahit ano paman umano ang kanyang sasabihin tiyak na makakatanggap pa rin siya ng pambabatikos mula sa kanyang mga bashers.


Matatandaan na nagsama noon sina LJ Reyes at Paolo Contis. Nagkaroon din sila ng anak na si Summer. 


Subalit noong 2021, lumabas ang isyung nagkakamabutihan na sina Paolo Contis at Yen Contis na leading lady niya sa pelikulang A Faraway Land.


Kasunod nito ang pagsisiwalat ni LJ na naghiwalay na sila ni Paolo Contis at napagdesisyonan niyang pumunta sa Amerika for good.


Samantala, umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang engagement ni LJ Reyes. Marami ang masaya para rito dahil nakatagpo na umano ito ng lalaking handa siyang pakasalan.


"I am so happy for you Miss LJ you deserve someone who will be willing to be with you for the rest of your life and accept you and your 2 children I am also a single mom and I know God will send the right man for me someday Congrats Miss LJ"


"So happy for you Ms.LJ. You deserve all the happiness in the world. God bless in your new journey Po. Just love and be loved "


"Congratulations Lj!!! God is good always remember things happen for a reason. ❤️‍🩹 Much better pa yung ibibigay sayo. Si happy for you."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo