Sikat Na Tv Host Hindi Na Matutuloy!

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Jerome

 


Isang kilalang sikat na Tv host  hindi na raw matutuloy ang pagpirma ng kontrata sa isang ahensya.


Ibinulgar ng isang kilalang kulumnista ang pinakabagong kaganapan sa buhay ng isang Tv host, na medyo matagal na ding hindi napapanood sa telebisyon.


Sa latest na balita ay sinabi nito na hindi na umano matutuloy ang pagpirma ng kontrata nang nasabing Tv host na si Willie Revillame sa pamunoan ng Viva ni Vic Del Rosario.


Ito ay ayon sa isang source ni Cristy Fermin, na napag-usapan sa vlog ni Cristy Fermin na Showbiz now na.


Kung matatan daan ay may lumabas na balita na ang Viva na daw ni Vic Del Rosario ang siyang hahawak sa Career ni Willie Revillame.


At sinasabing magkakaroon sa na ng tour o show si Willie sa iba't ibang bansa na pamamahalaan ng Viva Entertainment.


Ngunit sa bagong balita na ibinunyag ni Cristy Fermin ay tila nagbago na umano ang planu, at usapan sa pagitan ni Willie at ng pamunoan ng Viva at hindi na matutuloy ang pirmahan ng kontrata.


At tila hindi na nga matutuloy ang inaayos na mga concert o show ni Willie sa iba't ibang bansa tulad nalang ng bansang Canada at iba pang mga bansa sa Europe.


Pahayag ni Cristy Fermin, "Hindi na matutuloy, pati pag pirma niya ng kontrata sa Viva hindi na tuloy, ang kuwento ng aking source, nagmeeting na daw si Boss Vic Del Rosario at si Willie."


"Nagkasundo na nakukuha ng 20 percent ang Viva sa lahat ng kikitain ng concert ni Willie, so ok, oka na raw wala nang problema."


"Ngunit mayamaya daw pagkatapos ng ilang araw ay mayroon na naman daw kakaltasin na 20 percent, edi 40 percent na."


Dagdag pa ni Cristy, "kung Ikaw si Willie kukuhanan ka ng 40 percent papayag ka" Ito ang patanong na sinabi ni Cristy Fermin kay Wendell.


Sagot naman ni Wendell kay Cristy, "Siyempre hindi, ito na nga sinasabi ko nagharap ang dalawang makuwenta."


Natawa naman sina Romel at Cristy sa naging sagot ni Wendell. at sinundan pa ng sabi na Oo parehong negosyante.


Samanta, wala pa naman inilalabas na pahayag si Willie Revillame tungkol dito.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo