Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon Tuluyan Nang Lumayas Sa ‘Eat Bulaga’!

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertinment sites at social media platforms ang tuluyang pag-alis ng TVJ sa Eat Bulaga.


Ayon sa mga kumakalat na bali-balita, tuluyan nang umalis sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa Eat Bulaga at ipinaubaya na ito sa TAPE Inc.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, may bagong show ang TVJ sa TV5 at natapos na rin umano ang negotiation nila.


Matatandaan na unang isiniwalat ni Manay Cristy Fermin na kinumpirma na ng TVJ ang paglipat nila sa ibang network sakaling hindi magbunga ng maayos ang usapan nila ng Tape Inc. at ng GMA 7.


Marami na rin umanong mga producers ang nag-aagawan na makuha ang iconic trio.


Matatandaan na bigla na lamang pumutok ang balitang nagkaroon ng internal conflict ang Eat Bulaga nang pilit umanong pinagresign ng mga bagong namumuno sa TAPE Inc, mga Jalosjos, ang pangunahing producer ng Eat Bulaga na si Tony Tuviera.


Samantala, nauna nang pinabulaanan ng mga Jalosjos ang isyung pilit nilang pinag resign ang TVJ at si Tony Tuviera.


Ayon kay Mayor Bullet Jalosjos, isang executive ng TAPE, kagustuhan ni Tony Tuviera ang pag-alis sa Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo