Zack Tabudlo At Moira Dela Torre May Matching Tattoo

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang muling pagkabuhay sa isyu noon pa man sa pagitan nina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo.


Muli na namang napag-uusapan na may relasyon sina Moira Dela Torre at Zack Tabudlo matapos isiniwalat ng lyricist/composer na si Lolito Go.


Ayon sa pagsisiwalat ni Lolito Go, bago pa man nakapan-cheat si Jason Hernandez at naging malamig na si Moira Dela Torre dahil nakatagpo na umano ito ng iba na handa siyang tawaging Binibini.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Lolito kung sino ang kanyang tinutukoy, iniisip ngayon ng mga netizens na ito ay walang iba kundi si Zack Tabudlo na dati na ring nalilink sa singer.


May ilan pang social media personalities at ilang mga netizens na nagsasabing napapansin rin umano nila ang ibang tinginan nina Moira at Zack. May pagkakataon pa umanong naghoholding hands ang mga ito.


Kumakalat rin ngayon ang video kung saan makikitang hinahalikan ni Zack Tabudlo si Moira.


Samantala, usap-usapan naman ngayon ang napansin ng ilang mga netizens na mayroong couple tattoo umano sina Moira at Zack Tabudlo na nagpapatunay sa hinalang may relasyon umano ang dalawa.


Hindi naman makapaniwala ang ilang mga fans ni Moira na magagawa pala ito ng singer, kaya naman hinihintay nila ang paliwanag ngayon ni Moira.


“I’m a big fan of Moira dela Torre, but after seeing that she and Zack Tabudlo have matchy tattoos, I can’t help but think that maybe some of the accusations about her are true.”


“Di ko alam na may matching tattoos sila ni Moira, Ang alam ko matching jewelries the bangle & the chain ring that they always wear before.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo