Xander Ford Ipapa-Tulfo Na Si Christian Merck Grey

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


Tila hindi na makakapaghintay pa ang social media personality na si Xander Ford Arizala sa paghahatid ni Christian Merck Grey sa 349 thousand pesos na sinisingil niya rito.


Sa latest video na ibinahagi ni Xander Ford, ipinahayag niyang naiinip na siya sa paghihintay kay Christian Merck Grey. Kaya naman, humihingi na siya ngayon ng tulong kay Raffy Tulfo.


Hiling niya na sana ay matulungan siya nito sa kanyang paniningil kay Christian Merck Grey sa ipinangako umano sa nitong 349 thousand para sa binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.


Balak rin umano nito ngayon na kumuha na ng abogado dahil sa pagmamatigas ni Merck.


“Senator Raffy Tulfo, tulungan nyo ako… Grabe na yung ginagawa sa akin ni Merck... Gusto ko rin kumuha ng lawyer… Sana mahuli na yang si Merck,” panawagan ni Xander Ford kay Raffy Tulfo.


Matatandaan na ipinahayag na noon ni Christian Merck Grey na ibibigay na niya kay Xander ang iniiyakan nitong 349 thousand at dadagdagan pa ito ng 1000 para siradong 350 thousand ang maibibigay niya.


Subalit, nilinaw noon ni Merck na hindi siya nangako noon kay Xander Ford at magbibigay lamang siya dahil naawa siya sa anak nitong nadadamay na sa bashing.


Samantala, tinawanan naman ito ng mga netizens dahil iba na rin talaga umano ang trip nitong si Xander Ford.


"Magtrabaho ka ng Hindi ka umaasa pati pag gastos sa mo anak kailangan c merk pa din. HAHAHA nakakaloka haa"


"Magpatulfo ka, excited na kaming mapanuod kang mapahiya."


"Mas mabuti pa Doon kayu sa tulfo para ma advise ng Tama sa attorney kung dapat ba mgbigaysi grey oh hindi,Kasi laki pera ito Yung mga pera ng anak n whamos 3ook Yung lahat ng bigay ng dami ninong sayu Isang tao lng nka 349k kana,mabigat sa kalooban siguro n grey,sana sir raffy tulfo ma advisan to dalwa kun ano dapat"


"My God! Hindi na sya nagbago! Wag mong pagnasahan ang pera na hindi mo pinaghirapan. Able ka diba? Bakit hindi ka mag work? Kaya hindi ka binibigyan ng chance kasi ganyan ugali mo. Mag aanak anak ka tapos hindi mo pala kaya sustentuhan mga pangangailangan. Kung sino pa yung walang wala ang lakas pa ng loob gumastos ng bongga"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo