Hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil, Kagustuhan Lahat Ng Aktres

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Tila kumpirmado na ang hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil kasunod ng mga lumalabas na bali-balita online.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, si Liza Soberano ang nagpasimuno sa kanilang hiwalayan sa pagnanais niyang matupad ang kanyang dream career sa Hollywood.


Bagama't nais pang magpatuloy ni Enrique ay hindi na ito nakausad pa dahil si Liza na mismo ang bumitaw dahil mas priority niya ang kanyang pangarap at career ngayon under Careless Management.  


Matatandaang noon pang 2022 pumutok ang balitang naghiwalay na ang dalawa kasunod ng pag-alis ni Liza Soberano sa Kapamilya Network. Mula noon ay hindi na nagpi-flex si Liza ng mga larawan nila ng nobyong si Enrique.


Lalo pang lumakas ang hinala ng mga netizens nang ilabas ni Liza ang kanyang vlog, kung saan inirereklamo nito ang pagkakulong sa isang loveteam.


Ipinahiwatig din ni Liza na hindi niya nagustuhan na tanging si Enrique Gil lamang ang kanyang naging leading man.


Sa iba pang panayam, isiniwalat ni Liza na minsan ay napipilitan lamang ang mga artista sa Pilipinas na makipagdate sa kani-kanilang ka loveteam, upang mapasaya ang mga fans.


Kaya naman hinuha ng marami na talagang napilitan lamang ang aktres sa pakikipagrelasyon kay Enrique Gil.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga tagahanga ng aktres ang hindi naniniwalang napilitan lamang si Liza dahil tumagal naman umano sa walong taon ang kanilang pagiging magjowa in real life.


Marami rin ang nanghihinayang sa relasyon ng dalawa dahil tumagal din naman ito kahit papaano.


"As usual, sana hindi totoo na hiwalay na sila. Sana kung meron mang gap, or kung meron mang di pagkakaunawaan o misunderstanding, ma-patch up.


"Sayang, ilang taon din sila, 8 years? Sayang din yun di ba? kaya lang siyempre, kung totoo man na wala si Enrique at si Liza, ang importante naman sa isang relasyon e nag-end up kayo na still friends. Kung hindi man friends e civil, with each other"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo