Claudine Barretto Sinagot Ang Komento ni Dennis Padilla

Martes, Mayo 30, 2023

/ by Lovely


 Sinagot ng aktres na si Claudine Barretto ang komento ng aktor na si Dennis Padilla sa kanyang post kamakailan lamang.


Matatandaan na masayang ibinahagi ni Claudine Barretto sa kanyang social media account ang mga larawan mula sa recognition day at graduation day ng kanyang mga anak na sina Santino at Sabrina.


"The other day was SANTINO’s recognition day & Sabina’s Graduation 👩‍🎓 pasensya na po but iam just soo Proud of both of my kids. they have always been straight A students ever since they started pre school, but i was so proud & amazed of how plenty their Awards, Medals & Certificates they both received."


Agad namang nagkomento si Dennis Padilla sa nasabing post ni Claudine Barretto kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagbati sa mga anak ng aktres. Tinawag pa niya ang mga ito bilang anak.


"Congrats mga anak," pagkokomento ni Dennis Padilla.


Agad naman itong sinagot ni Claudine Barretto.


"Thank You so much kuya.may Scholar na ako.si Sab! Santino 9 awards.thank you so much for loving my kids hanggang ngayon.we love you kuya,” pasasalamat ni Claudine.


Samantala, sa nasabing larawan makikitang kasama ni Claudine ang kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.


Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Claudine at Raymart matapos ang kanilang paghihiwalay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo