Tropa Ni Kathryn Bernardo Naging Babae Din Ni Daniel Padilla

Walang komento

Lunes, Enero 15, 2024


 Marami ang nagulat sa panibagong rebelasyon patungkol sa isang malapit na kaibigan noon ni Kathryn Bernardo na umano'y kalandian din noon ni Daniel Padilla.


Sunod-sunod na ang paglalabasan ng mga babaeng pinaghihinalaang kalandian ni Daniel Bernardo habang karelasyon pa niya ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Kabilang sa mga pinaghihinalaang babae ni Daniel Padilla ay ang mismong malapit na kaibigan nila ni Kathryn Bernardo na si Aeriel Garcia na asawa na ngayon ni Patrick Sugui.


Ayon pa sa mga naglabasang mga ulat na ito ang dahilan ng pagkakawatakwatak ng kanilang samahan na tinatawag na 'Nguya Squad' na siyang kinabibilangan nina Marco Gumabao, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Patrick Sugui, Aeriel Garcia, Dominic Roque, Joe Vargas, Bianca Yanga.


Sa isang blind item, itinago ang pangalan nina Daniel Padilla at Aeriel Garcia sa bansag na Disco at Mermaid.


Ayon sa blind item, nangyari ang landian ng dalawa noong hindi pa ikinasal si Mermaid. May nakakita umano sa kanila sa isang bar na naglalampungan at ang mas matindi pa ay sinisid pa umano ni Mermaid si Disco sa loob ng bar.


Ito rin umano ang dahilan kung bakit nasara ang pagkakaibigan nila noon ni Kathryn.


Hindi naman nanahimik ang kampo nina Aeriel Garcia at Patrick Sugui sa nasabing blink item. Kaagad silang naglabas ng official statements kung saan pinabulaanan nila na totoong nangyari ang nasabing blind item.


Ayon sa Twitter post ni Patrick Sugui, ipinagdidiinan niya na walang kinalaman ang kanyang asawa sa nasabing blind item dahil wala naman umano itong katotohanan. 


Yung hindi naman umano pag-attend nina Kathryn Bernardo sa kanilang kasal ay nalinaw na noon pa man at wala umano sa mga dahilan ang pagkakaroon ng relasyon ng kanyang asawa kay Daniel Padilla.


Hiling pa ni Patrick Sugui na sana ay itigil na ng mga netizens ang mga maling akusasyon laban sa kanyang asawa. Gusto na umano nila ng tahimik na ngayon. Nagsalita na umano siya dahil nadadawit na umano ang pangalan ng kanyang asawa na wala namang kinalaman sa lahat.


Sa ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Daniel Padilla sa gitna ng samu't-saring pambabatikos na natanggap matapos ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Katotohanan Sa Ikatlong Pagbubuntis Ni Julia Montes

Walang komento

Biyernes, Enero 12, 2024


 Muling naging laman noon sa mga bali-balita online ang umanong pagbubuntis muli ni Julia Montes sa ikatlong anak nila ni Coco Martin.


Matatandaan na isiniwalat noon ng veteran showbiz columnist sa kanyang vlog na umano'y matagal nang nagsasama sa iisang bubong sina Julia Montes at Coco Martin. Sa katunayan pa ay mayroon na umano itong dalawang anak na lalaki.


Sa kabila naman ng pagiging bukas nina Julia Montes at Coco Martin sa kanilang relasyon ngayong taon, hindi pa rin nila sinasagot ang isyu patungkol sa pagkakaroon nila ng anak.


Samantala, muli na namang naging usap-usapan na tila buntis nanaman ang aktres ng mapansin ng mga netizens na lumaki umano ang tiyan nito. Subalit, ang haka-hakang ito ay tila naging malinaw ng lumabas ang balitang magkakaroon ng maraming projects si Julia Montes ngayong taon.


Ibinahagi rin nito ang kanyang larawan kung saan makikita ang kanyang maliit na tiyan pahiwatig na hindi ito buntis.


Bukod pa rito, marami rin sa mga netizens ang humihiling na sana ay si Julia Montes na lamang ang ipalit ni Coco Martin kay Lovi Poe bilang kanyang leading lady sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Sa ngayon ay patuloy namang nanahimik si Julia Montes patungkol sa isyu ng pagkakaroon nila ng anak ni Coco Martin na ilang taon na ring kumakalat sa showbiz.


Naiintindihan naman ito ng kanilang mga fans dahil nais lamang nilang protektahan ang kanilang privacy sa mata ng mga mapanghusgang tao. Ipinahayag na rin noon ni Coco Martin na sa abot ng kanyang makakaya ay iniiba niya ang kanyang personal life sa kanyang buhay artista na sinusubaybayan ng mga netizens.



Bestfriends Ni Kathryn Bernardo Na Sina Trina Uytingco at Arisse De Santos in-Unfollow Na Si Daniel

Walang komento


 Tila wala na talagang maasahan pang comeback o balikan na mangyayari sa pagitan ng dating celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil maging ang kilalang bestfriends ni Kathryn Bernardo na sina Trina Guytingo at Arisse De Santos ay inunfollow na rin si Daniel Padilla sa Instagram.


Nitong January 10, 2024 tuluyan nang inunfollow ni Kathryn Bernardo ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla, ilang linggo matapos ang pag-amin niya sa kanilang paghihiwalay.


Ilang araw matapos nito, ang mga kilalang bestfriends naman ni Kathryn Bernardo ang hindi na nakafollow sa aktor. Tila pinaninindigan na talaga umano ni Kathryn ang kanyang naging pahayag noon na hindi na siya maglolook back kundi magmo-move forward na lamang.


Pinapatunayan naman ito ngayon ng aktres sa pamamagitan ng unti-unting pag-aalis niya sa kanyang sistema ng mga taong may kinalaman kay Daniel Padilla sa nakaraan nila at naging sanhi ng kanilang hiwalayan.


Samantala, marami namann ang naghinala na kaya hayagan nang ipinapakita ng aktres sa publiko na wala na siyang balak na makipagbalikan sa aktor dahil sa pangungulit sa kanya nito. Tila binibigyan umano ni Daniel Padilla ng pahiwatig ang kanilang mga delusional fans na magkakabalikan pa silang dalawa.


Marami rin naman ang nagsasabi na tila naging maayos naman ang hiwalayan nilang dalawa base na rin sa naging Instagram post noong ng aktres sa kanyang pag-amin sa kanilang hiwalayan. 


Ayon noon kay Kathryn Bernardo na nagtapos ang kanilang relasyon ng hindi nawawala ang respeto nila sa isa't-isa.


Kaya naman nanatiling palaisipan kung bakit ngayon lamang inunfollow ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla kasama ang iba pang pinaghihinalaang nalink noon sa aktor.




Robi Domingo Nagsalita Na Sa Tunay Na Namamagitan Kina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan

Walang komento


 Hindi pinalampas ni Robi Domingo ang pang-iintriga ng mga netizens sa mga kaibigan niyang sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo na kapwa bisita sa kanilang kasal ni Maiqui Pineda.


Kaagad na nagviral sa social media ang video na inupload ng isang netizen sa TikTok kung saan binigyan nito ng kulay ang pagiging attentive ni Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo sa after party ng kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda.


Makikita sa video ang masayang pakikipagsayaw ni Kathryn Bernardo kay Rose Fausto na isa sa mga sponsor sa kasal nina Maiqui Pineda at Robi Domingo. Makikita rin sa video ang paglapit ni Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo at pagkausap sa aktres.


Nilagyan naman ito ng ibang pakahulugan ng ilang mga netizens, iniisip nila na pinupormahan umano ngayon ni Donny si Kathryn ngayong hayagan na ang paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Kaagad namang sinaway ni Robi Domingo ang mga netizens na nagbigay kulay sa videong ito. Iginiit ni Robi Domingo na magkaibigan silang lahat na naroroon sa kanyang kasal kaya naman hiling niya na sana ay itigil na ang isyu.


Marami rin kasi sa mga DonBelle Fans ang nadismaya sa naging isyu nina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo. Dahil sa pagkakagulo ng mga fans nilinaw ni Robi ang pagkakaibigan nilang lahat na naroon at pare-pareho umano nilang binabantayan ang isa't-isa.


Iginiit din ni Donny Pangilinan na dahil kabilang sa mga groomsmen niya si Donny Pangilanan kaya tumutulong ito sa pag-i-entertain sa mga guests nila ni Maiqui.


Kaagad naman nagpasalamat ang mga fans nina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo kay Robi Domingo sa agarang paglilinaw sa totoong nangyari.



Cesar Montano Binili Ng P1M Ang Goggles Na Kanyang Ginamit Sa Award Winning Movie Na Muro-Ami

Walang komento


 Binili ng actor-politician na si Cesar Montano sa halagang isang milyon ang googles na ginamit niya sa award-winning movie na Muro-Ami noong 90's.


Ang Muro-Ami ay isang 1999 Filipino action film na pinagbibidahan ng actor na si Cesar Montano kung saan ginampanan niya ang papel ni Fredo, isang malupit na kapitan ng 150 Muro-Ami divers na gumagamit ng illegal na paraan sa pangingisda.


Ipinakita rin sa nasabing pelikula ang masamang sistema ng pangingisda at ang matinding child labor na isa sa malaking isyu ng bansa.


Nanalo naman ang nasabing pelikula ng 13 na awards sa 14 nominee sa Metro Manila Film Festival 1999 kabilang na Best Pictures. Kaya naman maiintidihan lamang na talagang mahalaga para kay Cesar Montano ang mga props na ginamit sa nasabing pelikula.


Kamakailan lamang ay lumapit sa programa ni Boss Toyo ang pamangkin ni Cesar Montano upang ipagbili kay Boss Toyo sa halagang 1.5 million ang googles na ginamit ng kanyang tiyuhin sa pelikulang Muro-Ami.


Para masiguro na legit ang nasabing googles, tinawagan at pinapunta ni Boss Toyo sa kanyang tanggapan si Cesar Montano na siyang gumamit ng googles.


Pagdating ni Cesar Montano sa shop ni Boss Toyo ay nagkagulatan pa sila ng kanyang pamangkin. Hindi rin naman inakala ni Cesar Montano na itinabi pala ng kanyanga pamangkin ang ginamit niyang googles sa kanyang pelikula noon.


Ipinaliwanang naman ni Cesar Montano na talagang nawala na sa isip niya ang tungkol sa googles dahil sa palipat-lipat niya ng bahay noon. Imbes na si Boss Toyo lamang ang may balak na bumili ay naging kakumpetensya pa nito si Cesar Montano.


Nagpataasan pa sila ng bili rito, subalit sumuko na si Boss Toyo nang sabihin ni Cesar na handa niyang bilhin ang googles sa halagang 1 million pesos.


Ipinahayag naman ni Cesar Montano na talagang may sentimental value sa kanya ang googles kaya naman handa niyang gastusan ito. Bukod pa rito, tulong na rin umano niya sa kanyang pamangkin.




Boyfriend Ngayon Ni Kylie Padilla Third Party Nila Noon Ni Aljur Abrenica

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang aktres na si Kylie Padilla matapos kumalat ang video na kuha ng isang netizen sa loob ng isang mall kung saan makikitang may kasama siyang lalaki.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Kylie Padilla matapos ang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica. Matatandaan na nitong nagdaang taon, ibinahagi ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram account ang mga larawan nila ng misteryosong lalaki sa isang bakasyon sa Thailand.


Bagama't hindi ipinakita ni Kylie Padilla ang mukha ng lalaki, makikita naman ang braso nito na puno ng tattoo. Naging usap-usapan pa noon na isang tattoo artist ang ipinalit ni Kylie sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.


Samantala, makikita sa kumakalat na video na kasama ni Kylie Padilla ang isang tattoo artist sa pagkakataong ito, kitang-kita na ang kabuuang mukha nito.


May mga nakakilala naman sa tattoo artist na ito na pinaghihinalaang boyfriend ni Kylie Padilla na parehong lalaki na nalink noon kay Kylie Padilla ilang buwan bago kumpirmahin nila ni Aljur Abrenica ang kanilang paghihiwalay.


Matatandaan pa ang paglalabas noon ni Aljur Abrenica ng pahayag na si Kylie Padilla naman talaga ang unang nagloko sa kanilang pagsasama. Hinimok pa niya noon ang aktres na ilahad sa publiko ang buong katotohanan upang hindi lamang siya ang sisihin ng mga netizens sa kanilang paghihiwalay.


Hindi naman ito pinaniwalaan ng mga netizens noon dahil mas naging matunog ang isyu nina AJ Raval at Aljur Abrenica.


Subalit, ngayon, sinasabi naman ng mga netizens na talagang time is the ultimate teller dahil lumalabas na rin umano ang totoo na may partisipasyon talaga si Kylie Padilla sa naging hiwalayan nila noon ni Aljur Abrenica.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag si Kylie Padilla patungkol sa isyung ito.


@voicetrendz Kylie Padilla at kaniyang Jowa?? 😍 #KyliePadilla #kyliepadillaboyfriend ♬ original sound - Voice Trendz

Matapos I-Unfollow Ni Kath, Video Nina Daniel at Julia Na Magkasama Viral!| Karla Boto Kay Julia?!

Walang komento


 Matapos ang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kina Daniel Padilla at Julia Barretto sa kanyang Instagram account, kaagad na naglabasan sa social media ang mga intriga patungkol sa kanilang dalawa at kung kailan sila nagkaroon ng affair.


Bukod pa rito, naging viral din ang mga haka-haka na mas gusto umano ni Karla Estrada si Julia Barretto bilang partner ni Daniel Padilla. Matatandaan na naging magkapartner na rin naman noon ang dalawa sa isang proyekto.


Tila lalong nakukumbinsi ang mga netizens sa naging dahilan kung bakit kabilang sa mga in-unfollow ni Kathryn Bernardo si Julia Barretto sa kanyang Instagram account. Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng dalawa na ilang beses palang nagsama sa iisang off-cam events.


Bukod pa rito, nadadawit na rin ang pangalan ng ina ng aktor na si Karla Estrada dahil sa naging pahiwatig umano nito noon na mas gusto niyang kasama ng kanyang anak si Julia Barretto kaysa kay Kathryn Bernardo.


Binigyan kulay pa ng ilang mga netizens ang kakaibang closeness umano sa pagitan ni Julia Barretto sa mga kapatid na babae ni Daniel Padilla.


Samantala, may naglalabasan ring mga ulat na hindi naman blood related sina Daniel Padilla at Julia Barretto kahit pa anak ng aktor na si Dennis Padilla si Julia.


Ayon sa mga ulat, screen name lamang umano ni Dennis ang Padilla dahil ang totoong apelyido nito ay Baldivia.


Marami rin sa mga netizens ang binalikan pa ang naging mga isyu noon ni Julia Barretto at Daniel Padilla bago pa man inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, kumbinsido naman ngayon ang ilang mga netizens na may matinding dahilan si Kathryn Bernardo sa kanyang pag-unfollow kay Julia Barretto dahil kilalang mabait naman ang aktres.


Bukod pa rito, dahil nasa industriya ng showbiz si Kathryn Bernardo, alam na umano na pagmumulan talaga ng kontrobersiya ang kanyang pag-unfollow sa social media.


@kathreid.nieldine Replying to @파티마 Aminin!! Ang ganda ng chemistry nila #DanielPadilla #JuliaBarretto #KathNiel #fyp ♬ original sound - KathReid NielDine

Kapatid ni Kathryn Bernardo, Nagsalita Na Binunyag Ang Panloloko Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Marami ang nagulat sa ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kanyang dating boyfriend na si Daniel Padilla. Tila paraan na rin umano ito ng aktres para ipahayag sa publiko na hindi na siya makikipagbalikan pa sa kanyang dating boyfriend.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami pa rin sa mga fans nila ni Daniel Padilla ang umaasa na magkakabalikan pa rin silang dalawa dahil sa mga ipinakita nitong sweetness sa publiko.


Bukod sa pag-unfollow kay Daniel Padilla, inunfollow rin ni Kathryn Bernardo ang magagandang actress na sina Gillian Vicencio, Liza Soberano at Julia Barretto.


Bagama't wala namang inilabas na pahayag ang actress patungkol sa dahilan ng kanyang pag-unfollow sa mga artistang ito subali kaagad na naghinala ang mga netizens na may kinalaman sina Gillian, Julia at Liza sa naging hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


May mga netizens pa na nagsasabi na tama lamang ang ginawa ni Kathryn Bernardo na ipaalam na sa lahat ang kanilang estado ni Daniel Padilla lalo na umano ngayong umaasta pa rin ang aktor na boyfriend niya kahit ilang beses na siyang umiwas rito.


Samantala, viral at usap-usapan ngayon sa social media ang screenshots ng Instagram post ng ate ni Kathryn Bernardo. Isa itong quote card na may nakasulat na, We know what you did last Summer.


Sa caption isinulat pa ng kapatid ng aktres, 2017, 2018, 2019, 2021, 2023 at ang una umano nitong nalaman noong 2014.


Pinusuan naman ito ng mga malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo sa loob at labas ng industriya. Marami rin ang nagkomento ng angry emojis sa nasabing post.


Hinala ng mga netizens na ang mga nakasulat ritong taon sa caption ay ang mga taon kung saan nagloko at nambabae si Daniel Padilla sa likod ni Kathryn Bernardo.


Kung susumahin pa ang mga taon ay sa loob ng 11 years na relasyon ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay 6 na taon din itong nagkaroon ng mga babae na hindi pa naman pinapangalanan.




Vhong Binuking Ang Estado Ng Relasyon Nina Kim Chiu at Paulo Avelino Sa It'S Showtime!

Walang komento


 Muli na namang nagbigay ang ilang mga co-hosts ni Kim Chiu sa noontime show na It's Showtime ng mga clue patungkol sa kasalukuyang estado ng puso ng dalaga ilang linggo makalipas ang tuluyang pag-amin nito sa hiwalayan nila ni Xian Lim.


Laman na naman ng asaran ang Kapamilya actress-host na si Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime, patungkol sa gusto nitong i-manifest ngayong taon.


Naging laman ng usapan sa kamakailang episode ng It's Showtime ang mga gustong i-manifest nilang mga host ngayong taon. Subalit ang simpleng pag-uusap nilang ito ay naging daan para asarin nila ang Chinita Princess na si Kim Chiu.


Tinanong ni Vhong Navarro si Kim Chiu kung ano ang gusto niyang i-manifest ngayong taon. Hindi pa man nasagot ni Kim ang tanong ay nag-react na ang ilang mga kasamahan nila sa show.


Ayon kay Karylle, tila alam na umano niya kung ano ang ima-manifest ni Kim Chiu ngayong taon. Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu at sinabing hindi pa niya ito napagtutuunan ng pansin sa ngayon at pag-iisapan pa kung ano ang kanyang i-manifest.


Tila hindi pa rin rito natatapos ang pagbibiro ni Vhong Navarro kay Kim Chiu dahil muli na naman itong humirit na sabihin na ni Kim Chiu ang kanyang ima-manifest tapos dagdagan niya ng 'Cutie' sa huli.


Game naman na nagpahayag si Kim Chiu ng, 'Mas marami pang blessings, cutei'.


Dito na dumagdag si Ogie Alcasid at tinanong kung paano kung cutei rin ang minamanifest ngayon ni Kim. Hindi na nagbigay pa ng komento rito si Kim Chiu at ngumiti na lamang.


Marami naman ang naghinala na may kinalaman umano kay Paulo Avelino ang pagbibirong ito ng mga co-hosts ni Kim Chiu sa It's Showtime.


Marami rin kasi ang umaasa na madala sa totoong buhay nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang mga nakakalig nilang eksena sa mga proyektong ginagawa.


Gayunpaman, may mga fans naman ang aktres na nagsasabi na hindi naman umano sila nagmamadali na makahanap muli ng bagong jowa ang aktres at sana ay enjoyin muna umano nito ang pagiging single.



Lovi Poe Binuking Ang Papalit Kay Mokang Sa Batang Quiapo!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapaniwala ang ilang mga netizens at manonood na mawawala na sa programa ang aktres na si Lovi Poe dahil marami ang nag-akala na siya pa rin ang magiging leading lady ni Coco Martin hanggang sa pagtatapos ng Ang Batang Quiapo.


Matatandaan na kamakailan lamang ay tuluyan nang namaalam ang aktres sa kanyang mga kasamahan sa nasabing teleserye at sa karakter na minahal niya sa loob ng ilang buwan sa kanyang Instagram post. Ito'y matapos ang pagkakabaril sa kanyang karakter sa isang episode ng Ang Batang Quiapo.


Samantala, tila nadulas naman umano ang aktres sa kanyang naging pahayag patungkol sa pagkawala niya sa nasabing teleserye. May papasok umano rito na isang sikat na aktres na matagal nang inaabangan ng manonood na magiging pamalit niya bilang leading lady.


Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga fans ni Ivana Alawi na kasalukuyang ka-tandem ngayon ni Coco Martin sa Ang Batang Quiapo dahil mawawala naman umano ito sakaling may darating ng aktres.


Sa kabilang bansa marami naman ang napapatanong patungkol sa totoong dahilan ng pag-alis ni Lovi Poe sa Batang Quiapo. May mga nagsasabi pa na baka ay nais lamang nitong bigyan ng oras ang kanyang asawa na si Monty Blencowe.


May mga napansin naman ang ilang mga netizens sa mga social media post ngayon ng aktres kung saan tila pinapahiwatig umano nito na nagdadalang taon na siya.


Sa kamakailang tweet kasi ni Lovi Poe, inamin niya na natatakam siya ngayon at tila nagiging matakaw subalit palagi pa rin siyang nagugutom. Bukod pa rito, inilahad din niya na tila nagbago ang kanyang panlasa kung saan minsan ay naghahanap siya ng maalat, pagkatapos ay matamis naman, minsan ay gusto rin niya ng maasim.


Ayon sa ilang mga netizens, baka nagdadalang tao na ngayon ang aktres na naging dahilan upang kahit minahal na niya ang kanyang karakter ay binitiwan na niya ito. Marami din ang natutuwa dahil bumubuo na umano ng pamilya si Lovi Poe. 



May Pinaboran? Netizens Nagulat Sa Anunsyo Ng ABS-CBN

Walang komento


 Ikinagulat ng mga netizens at ng mga DonBelle fans ang bagong inilabas na trailer ng ABS-CBN studio sa teleserye version ng Linlang dahil sa timelot nito.


Sa dulo ng ibinahaging video teaser para sa teleserye version ng Linlang, makikita ang ibinagay na timeslot ng ABS-CBN kapag magsimula na itong umire sa darating na January 22, 2024.


Marami ang nagulat ng makita na ang official timeslot nito ay 8:45 p.m, ibig sabihin ito ang programa na mapapanood kasunod ng 'Ang Batang Quiapo'. Inaasahan na kasi ng ilang mga manonood na ang oras na ibibigay para sa teleseryeng Linlang ay ang pangatlong slot sa primetime block dahil sa mature content nito at ang kasalukyang pangatlong programa naman ang papalitan nito.


Bukod sa mga nagulat na manonood, disappointed naman ang mga DonBelle fans sa naging desisyon ng ABS-CBN management na ibigay sa teleseryeng pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang timeslot ng Can't Buy Me Love.


Ayon sa mga fans ng DonBelle, tinatangkilik naman ng mga manonood ang teleseryeng Can't Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Panalo din umano ito sa ratings kumpara sa mga katapat nitong teleserye.


Bukod pa rito, nababagay naman umano sa pangalawang slot ang tema ng Can't Buy Me Love kaysa sa Linlang na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mga mature contents.


Samantala, may mga naghinala na man na ibinase umano ng ABS-CBN management sa naging resulta ng seryeng Linlang sa Primevideo kung saan naging number 1 ito sa napakaraming bansa at nakasama pa sa top 20 ng buong mundo.


May mga nagsasabi pa na tila sinadya rin ito ng management para maging katapat ng Linlang ang teleseryeng pinagbibidahan naman ng dating nobyo nitong si Xian Lim na Love. Die. Repeat.




Rica Peralejo Pinagtanggol Si Kathryn Bernardo Dahil Sa Pag Unfollow Kay Daniel Padilla

Walang komento

Huwebes, Enero 11, 2024


 Naglabasan ngayon ang samu't-saring reakyon at komento mula sa mga netizens at mga celebrities sa gitna ng mainit na usapin ngayon sa social media patungkol sa biglaang pag-unfollow ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla at sa iba pang mga artista na pinaghihinalaang sangkot sa isyu nilang dalawa.


Kabilang na sa nagbigay ng reaksyon patungkol rito ay ang aktres na si Rica Peralejo. 


Ayon sa kanya, ang pag-unfollow sa ilang mga tao sa social media is a sign of maturity at hindi umano ito pagiging immature. Nagpapahayag umano ito ng control at act of agency.


Lalong-lalo na kung ang mga taong ina-unfollow naman ay iyong mga abusers, gaslighters o ang mga tao na na nagiging dahilan ng oppression. Iginiit pa ni  Rica Peralejo na isa itong empowering practice para masabi na hindi na nila maari pang ulitin ang pagkakamaling ginawa nila.


Dagdag pa nito sa kanyang post na ginawan lamang niya ng pabor ang sarili para makaiwas sa stress sa tuwing nagpapaka-unbothered ang mga taong pinapatungkulan niya sa kanyang mga post kaya mas makakabuti na i-unfollow na lamang ang mga ito.


Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang malungkot nang tila tuluyan na umanong nagpahiwatig ang aktres na wala nang patutunguhan ang mga ilusyon na magkakabalikan pa rin silang dalawa.


Gayunpaman, marami pa rin ang nasiyahan dahil sa paninindigan ng aktres na huwag nang balikan ang taong nanloko at nanakit sa kanyang damdamin.




Jericho Rosales, Nag Sorry Kay Heart Evangelista

Walang komento


 Nagbiro ang dating aktor na si Jericho Rosales sa kanyang social media account kung saan tila dinog-show niya ang kanyang sarili kasama ang dating girlfriend at katambal na si Heart Evangelista.


Ibinahagi ni Jericho Rosales sa kanyang Instagram account ang kanyang mga videos kung saan makikita siyang tumatawa sa mga hawak niya paper dolls nila ni Heart Evangelista.


Ang mga nasabing paper dolls ay mula sa kanilang pinagsamahan  noong teleserye na pinamagatang 'Ang Panday'. Ayon kay Jericho Rosales parang hindi naman umano katawan ni Heart ang ginamit sa paperdolls at ipinadikit lamang dito ang mukha ng aktres. Ipinakita pa ni Jericho na binihisan niya ang mga paperdolls na tila ba ay nag-a-outfit check siya na kadalasan ay ginagawa ng fashion icon.


Samantala, kaagad namang humingi ng paumanhin si Jericho Rosales kay Heart Evanglesta sa huling video at itinag pa sa kanyang Instagram stories ang fashion icon.


Kaagad namang nagviral ang mga nasabing Instagram stories ni Jericho Rosales kung saan itinag niya si Heart Evangelista.


Matatandaan na naging magkasintahan noon sa totoong buhay sina Heart Evangeelista at Jericho Rosales. Isang pagmamahalan na umusbong mula sa pagkakaibigan at pagiging magkaloveteam nilang dalawa.


Nagtapos ang kanilang relasyon noong 2008, dahil sa paghahadlang ng mga magulang ng aktres. Pinaniwala umano ng mga magulang ni Heart Evangelista sa actress na nag-cheat sa kanilang relasyon si Jericho Rosales na pinaniwalaan naman nito.


Gayunpaman, ilang taon matapos ang kanilang paghihiwalay ay inamin ni Heart Evangelista na si Jericho Rosales ang kanyang maituturing ng 'greatest love'.


Ilang taon ang makalipas parehong nakatagpo sina Heart Evangelista at Jericho Rosales ng taong mamahalin. Ikinasal si Heart Evangelista kay Chiz Escudero habang ikinasal naman si Jericho Rosales.


Sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung ano ang ibig ipakahulugan ni Jericho sa kanyang ibinahaging video, subalit hinala nila na baka ay naalala lamang ni Jericho ang nakaraan at isa lamang itong ramdom post.



Julia Barretto, Liza Soberano May Kinalaman Sa Hiwalayan Ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Walang komento


 Marami ang naghinala na ang kamakailang hakbang na ginawa ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account ay pahiwatig niya kung sino ang sangkot sa hiwalayan nilang dalawa ni Daniel Padilla.


Muling nabuksan ang mga usapin patungkol sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang tuluyan nang i-unfollow ng aktres si Daniel Padilla matapos ang ilang linggo ng tila panunuyo nito sa kanya.


Matatandaan na nauna nang naiulat na kinakausap na umano ni Daniel Padilla ang kanilang mga common friends na tulungan siya na makausap si Kathryn Bernardo upang mag-umpisa silang muli.


Nauna nang nakita ng mga netizens sa mga pinagsamahan nilang event na kung umasta ang aktor ay tila nobyo pa rin siya ng aktres dahil sa pagiging caring nito at maalaga sa dalaga.


Marami pa ang naghinala at umasa na baka magkakabalikan na ang dalawa dahil na rin sa pagbubura ni Daniel ng kanyang break up message kay Kathryn Bernardo. Makikita rin naman na ini-entertain pa rin ni Kathryn Bernardo ang aktor dahil may mga video naman na makikitang kinakausap pa rin nito ang aktor.


Gayunpaman, tila tinuldukan na ng tuluyan ni Kathryn Bernardo ang ilusyon ng ilang mga fans nila ni Daniel Padilla nang tuluyan na niyang in-unfollow ang aktor sa kanyang Instagram account.


Kasabay ng pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ay ang pag-unfollow rin niya sa mga Kapamilya actress na sina Gillian Vicencio at Julia Barretto. Dinamay na rin ni Kathryn ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano sa mga taong inunfollow niya sa kanyang Instagram.


Matatandaan na nadawit noon ang pangalan ni Gillian Vicencio sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang lumabas ang mga conversation kung saan ibinunyag na may nangyari sa pagitan kina Gillian at Daniel. Kaagad naman itong pinabulaanan ni Gillian noon.


Samantala, marami naman ang nakapansin na pasimple umanong tinitigan ni Daniel Padilla si Julia Barretto noong nakaraang ABS-CBN's ball na hinala ng mga netizens na may ibang pakahulugan.


Hindi naman maintindihan ng mga netizens kung bakit maging si Liza Soberano ay inunfollow na rin ni Kathryn Bernardo. Marami ang naghinala na baka may kinalaman ito sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa o di kaya naman ay may nangyari rin sa pagitan nito at Daniel Padilla.


Depensa naman ng mga fans ni Liza Soberano na mayroon naman itong karelasyon at wala naman sa bansa kaya naman imposible umanong may kinalaman pa rito si Liza.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Kathryn Bernardo sa totoong dahilan ng pag-unfollow niya kina Daniel Padilla, Gillian Vicencio, Julia Barretto at Liza Soberano. Matatandaan na nauna nang inunfollow noon ni Kathryn ang actress na si Andrea Brillantes.




Mahusay Na Aktor May Major Comeback Sa ABS-CBN

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang balitang magbabalik na sa showbiz ang Kapamilya actor na si Enrique Gil, matapos ang ilang taon nitong pananahimik sa showbiz.


Ayon sa mga naglabasang ulat, malapit na umanong ipalabas ang pelikulang muling magbubukas sa showbiz career ni Enrique Gil, matapos ang apat na taon nitong pamamahinga sa showbiz.


Ang comeback movie ng actor ay pinamagatang I am Not Big Bird, umiikot naman ang kwento nito sa karakter na ginampanan ni Enrique Gil bilang si Luis.


Umiikot ang kwento ng nasabing pelikula sa buhay ni Luis na nagpunta sa Thailand kasama ang kanyang mga kaibigan para magbakasyon subalit napagkamalan bilang isang sikat na pornstar sa nasabing bansa dahil sa kanilang pagkakahawig.


Ang pelikulang I Am Not Big Bird ay isinulat ni Lilit Reyes na hango umano sa totoong nangyari sa buhay ng kanyang kaibigan.


Makakasama naman ni  Enrique Gil sa kanyang upcoming movie sina Pepe Herrera, Red Ollera at Nikko Natividad.


Matatandaan na magmula noong itinigil nina Enrique Gil at ng dating ka-loveteam niyang si Liza Soberano ang taping ng pinagsamahan nilang teleserye sa ABS-CBN na Make It With You noong kasagsagan ng pandemic, namahinga na muna sa kanyang showbiz career si Enrique Gil.


May mga ulat na magbabalik ito sa showbiz para gawin ang Philippine adaptation ng Korean series na It's Okay Not To Be Okay kasama ang kanyang ka-loveteam noon na si Liza Soberano. Subalit, muli naman itong naudlot nang magpasya si Liza na umalis sa ABS-CBN upang i-pursue ang kanyang Hollywood dream.




Kylie Padilla Isinapubliko Na Ang Kanyang Bagong Boyfriend!

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang Kapuso actress na si Kylie Padilla matapos itong mamataan ng mga netizens sa isang mall na may kasamang lalaki na pinaghihinalaang boyfriend nito.


Matatandaan na naunang namataan si Kylie Padilla kasama ang isang lalaki noong nagdaang taon, ibinahagi pa ni Kylie ang ilang mga kuhang larawan nilang dalawa na magkasama subalit hindi kailanman ipinakita ng aktres ang buong mukha ng lalaki, tanging braso lamang nito na puno ng tattoo.


Samantala, muling napag-uusapan ngayon ng mga netizens ang lovelife ng aktres matapos kumalat online ang mga larawan at videos ng aktres kasama ang isang lalaki na puno ng tattoo. Sa pagkakataong ito ay nakikita na ang kabuuan ng mukha nito.


Martes ng gabi, January 9, 2024 ibinahagi ng isang netizen sa social media platform na TikTok ang video kung saan makikita ang paglabas ni Kylie Padilla sa isang establishment kasama ang isang lalaki na may mahabang buhok at puno ng tattoo sa braso.


Marami naman ang nagkomento, na ang lalaking ito ay nagmamay-ari umano ng isang tattoo shop. Marami rin ang naghinala na ang lalaking ito ay siya rin ang nakasama noon ni Kylie Padilla na hindi ipinakita ang mukha.


May ilang mga fans naman ang aktres na nasisiyahan dahil nakakapagmove on na talaga si Kylie Padilla sa nangyari sa marriage life nila ni Aljur Abrenica.


Sa ngayon ay hindi pa rin naglalas ng pahayag si Kylie Padilla at hindi pa rin niya ipinapakilala sa publiko ang lalaking pinaghihinalaang ipinalit niya kay Aljur Abrenica.



@voicetrendz Kylie Padilla at kaniyang Jowa?? 😍 #KyliePadilla #kyliepadillaboyfriend ♬ original sound - Voice Trendz

Paulo Avelino May Patama Kay Xian Lim

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang post ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino.


Ayon sa naging post ng aktor, hindi umano sa porma o sa ayos ng pananamit makikita ang pagiging gwapo ng isang lalaki kundi sa kanyang maayos na pagtrato sa babae.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kahit hindi nag-work ang relasyon nina Paulo Avelino at LJ Reyes noon at napanatili naman ng aktor ang pagkakaibigan nilang.


Katunayan ay naging maayos ang co-parenting nila sa kanilang anak na si Aki. Matatandaan na nagtrending din kamakailan lamang ang video ni Aki na kinunan ni LJ Reyes habang binubuksan nito ang ipinadalang regalo ni Paulo Avelino.


Naroon din si Paulo Avelino sa lahat ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang anak. Ayon naman kay LJ Reyes ay wala siyang maipipintas sa pagiging ama ni Paulo Avelino sa kanilang anak dahil hindi naman ito nakakalimot sa mga obligasyon niya.


Samantala, marami naman sa mga fans nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kinilig sa kamakailang pahayag na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account dahil nasa tamang pangangalaga na umano ngayon si Kim Chiu matapos ang paghihiwalay nila ni Xian Lim.


May mga fans pa na naghinala na ang post na ito ni Paulo ay patama kay Xian Lim dahil sa pagiging duwag umano nito sa pag-iiwas sa mga katanungan na may kinalaman sa hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga ngayon ni Kim Chiu ang umaasa na sana ay mahanap din ni Kim Chiu ang para sa kanya na magbibigay ng tunay na saya at papahalagahan siya.



TAPE Inc. May Panibagong Kaso Na Naman Dahil Sa Panggagaya Ng Noontime Show Nila Sa Logo Ng Byahelen!

Walang komento


 Mukhang mahaharap naman sa panibagong legal battle ang TAPE Incorporated matapos ang kanilang pagkatalo sa labanan ng copyright sa TVJ, dahil sa alegasyon na ginaya umano nila ang kanilang logo sa isang local Facebook page ng Quezon Province.


Matapos talunin ng legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang TAPE Inc. sa Eat Bulaga copyright case, tila may panibagong isyu naman na kakaharapin ang nasabing production company matapos mapag-alaman na tila ginaya lamang nila ang kanilang panibagong logo sa Byahelen ng Quezon Province.


Bagama't may pagkakaiba ng kaunti ang dalawang logo, kapansin-pansin naman ang pagkakapareho ng larawan ng niyog na siyang naging trademark ng Tahanang Pinakamasaya. 


Samantala, naunang nabuo ang Byahelen noong March 2023, kaysa sa Tahanang Pinakamasaya na nag-umpisa lamang noong January 6, 2024.


Bagama't wala pang pahayag ang Byahelen patungkol sa isyung ito maari pa rin itong mag-ugat sa isang malaking isyu sa hinaharap.


Marami naman sa mga netizens ang lalong nadismaya sa TAPE Inc. at sa kanilang editor dahil hindi na umano nakakaisip ang mga ito ng original concepts at lahat na lamang ay ginagaya nila sa iba.


Marami rin kasi ang nakapansin na maging ang kulay ng font na ginamit ay magkapareha rin ang konsepto ng mundo na nasa gitna.


May mga nagsasabi pa na may pera naman ang TAPE Inc. kaya naman sana ay naghire sila ng magagaling na editor at kahit paano ay pinag-isipan naman nilang maigi ang pagbuo ng logo para makaiwas sa mga problema sa hinaharap.



Kim Chiu-Paulo Avelino, Xian Lim-Jennylyn Mercado Magtutos Sa Primetime Bida

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang inilabas na trailer ng teleserye version ng Linlang na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na inilipat sa bagong timeslot ng Linlang at tila sinadya pa umanong itapat ang teleseryeng ito sa teleseryeng pinagbibidahan ni Xian Lim na ipinapalabas sa katapat na network.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kamakailan lamang ay kinumpirma na nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay sa publiko matapos ang ilang buwan na naging usap-usapan ang kanilang hiwalayan.


May mga netizens naman ang nagsasabi na tama lamang ang ginawang ito ng dalawang network na ipagtapat ang Linlang nina Kim Chiu at Paulo Avelino, at ang Love. Die. Repeat nina Xian Lim at Jenylyn Mercado. Magkakaalaman na umano kung anong programa ang mas tatangkilikin ng publiko matapos ang hiwalayan ng dalawa.


Matatandaan na may mga naglabasang mga haka-haka patungkol sa totoong  dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu, kung saan inaakusahan ng marami na si Xian ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.


Ayon sa mga naging pahayag mula sa ilang mga entertainment sites, na ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Kim Chiu kay Xian Lim ay ang kawalan ng plano ng huli na pakasalan ang aktres.


May mga dumagdag pa na baka may iba naman itong minamahal at ginagamit lamang ang pagiging boyfriend ni Kim Chiu para sa kanyang showbiz career, may mga naglabasan rin kasing mga larawan na may ibang babae na kasama si Xian Lim na pinaghihinalaang naging third party sa relasyon nila ni Kim Chiu na nagwakas makalipas ang 12 years.


Samantala, ayon sa ilang mga netizens na dapat ay kabahan na umano ang dapat kabahan sa kung sino ang panonoorin ng mga televiewers.




Sarah Lahbati Lumipat Na Ng Bahay at Sobrang Laki Ng Kanyang Bagong Tahanan!

Walang komento


 Tila wala nang maasahang balikan sa pagitan ng estranged celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil kamakailan lamang ay hayagan na nilang ipinapakita sa publiko ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pag-unfollow nila sa isa't-isa sa kani-kanilang Instagram accounts.


Naunang in-unfollow ni Sarah Lahbati si Richard kasama ang ilang myembro ng Gutierrez family, ilang oras makalipas nito ay ang mga Gutierrez naman ang nag-unfollow sa aktres.


Samantala, viral at usap-usapan naman ngayon sa social media ang ibinahaging update ni Sarah Lahbati patungkol sa paglipat niya sa bagong tirahan. Naghahanap pa ang aktres ng interior designer para magpaganda sa loob ng kanyang lilipatang malaking bahay.


Marami naman sa mga tagahanga at kaibigan ni Sarah Lahbati ang nagpahayag ng pagsuporta at pagkaproud sa ginawang paglipat ni Sarah at sa desisyon nitong mag move on na sa hiwalayan nila ni Richard Gutierrez.


Sa ngayon ay tila lumalakas ang loob ni Sarah Lahbati na malalampasan ang pagsubok na ito sa kanyang buhay dahil marami namang nakasuporta at nakaalalay sa kanya.


Naroon ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.


Hanggang ngayon ay hati pa rin ang mga opinyon ng mga netizens patungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez may ilang mga netizens na naniniwala sa mga paratang rito ni Annabelle Rama, patungkol sa pagwawaldas ni Sarah Lahbati ng pera na pinaghihirapan ng kanyang anak sa mga vacation trips nito.


Makikita naman umano talaga sa social media posts ni Sarah Lahbati kung paano ito mamili at magbakasyon sa iba't-ibang lugar.


Gayunpaman, may mga nagsasabi naman na responsibilidad naman talaga ni Richard na magtrabaho para sa kanilang pamilya at karapatan rin umano ni Sarah na magamit ang pera nito.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na kahit hindi makakatumbas si Sarah Lahbati sa yaman ng mga Gutierrez, hindi naman umano maaring sabihin na walang ambag si Sarah dahil may income naman umano ito mula sa mga endorsements.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo