Vhong Binuking Ang Estado Ng Relasyon Nina Kim Chiu at Paulo Avelino Sa It'S Showtime!

Biyernes, Enero 12, 2024

/ by Lovely


 Muli na namang nagbigay ang ilang mga co-hosts ni Kim Chiu sa noontime show na It's Showtime ng mga clue patungkol sa kasalukuyang estado ng puso ng dalaga ilang linggo makalipas ang tuluyang pag-amin nito sa hiwalayan nila ni Xian Lim.


Laman na naman ng asaran ang Kapamilya actress-host na si Kim Chiu sa kamakailang episode ng It's Showtime, patungkol sa gusto nitong i-manifest ngayong taon.


Naging laman ng usapan sa kamakailang episode ng It's Showtime ang mga gustong i-manifest nilang mga host ngayong taon. Subalit ang simpleng pag-uusap nilang ito ay naging daan para asarin nila ang Chinita Princess na si Kim Chiu.


Tinanong ni Vhong Navarro si Kim Chiu kung ano ang gusto niyang i-manifest ngayong taon. Hindi pa man nasagot ni Kim ang tanong ay nag-react na ang ilang mga kasamahan nila sa show.


Ayon kay Karylle, tila alam na umano niya kung ano ang ima-manifest ni Kim Chiu ngayong taon. Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu at sinabing hindi pa niya ito napagtutuunan ng pansin sa ngayon at pag-iisapan pa kung ano ang kanyang i-manifest.


Tila hindi pa rin rito natatapos ang pagbibiro ni Vhong Navarro kay Kim Chiu dahil muli na naman itong humirit na sabihin na ni Kim Chiu ang kanyang ima-manifest tapos dagdagan niya ng 'Cutie' sa huli.


Game naman na nagpahayag si Kim Chiu ng, 'Mas marami pang blessings, cutei'.


Dito na dumagdag si Ogie Alcasid at tinanong kung paano kung cutei rin ang minamanifest ngayon ni Kim. Hindi na nagbigay pa ng komento rito si Kim Chiu at ngumiti na lamang.


Marami naman ang naghinala na may kinalaman umano kay Paulo Avelino ang pagbibirong ito ng mga co-hosts ni Kim Chiu sa It's Showtime.


Marami rin kasi ang umaasa na madala sa totoong buhay nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang mga nakakalig nilang eksena sa mga proyektong ginagawa.


Gayunpaman, may mga fans naman ang aktres na nagsasabi na hindi naman umano sila nagmamadali na makahanap muli ng bagong jowa ang aktres at sana ay enjoyin muna umano nito ang pagiging single.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo