Kylie Padilla Isinapubliko Na Ang Kanyang Bagong Boyfriend!

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang Kapuso actress na si Kylie Padilla matapos itong mamataan ng mga netizens sa isang mall na may kasamang lalaki na pinaghihinalaang boyfriend nito.


Matatandaan na naunang namataan si Kylie Padilla kasama ang isang lalaki noong nagdaang taon, ibinahagi pa ni Kylie ang ilang mga kuhang larawan nilang dalawa na magkasama subalit hindi kailanman ipinakita ng aktres ang buong mukha ng lalaki, tanging braso lamang nito na puno ng tattoo.


Samantala, muling napag-uusapan ngayon ng mga netizens ang lovelife ng aktres matapos kumalat online ang mga larawan at videos ng aktres kasama ang isang lalaki na puno ng tattoo. Sa pagkakataong ito ay nakikita na ang kabuuan ng mukha nito.


Martes ng gabi, January 9, 2024 ibinahagi ng isang netizen sa social media platform na TikTok ang video kung saan makikita ang paglabas ni Kylie Padilla sa isang establishment kasama ang isang lalaki na may mahabang buhok at puno ng tattoo sa braso.


Marami naman ang nagkomento, na ang lalaking ito ay nagmamay-ari umano ng isang tattoo shop. Marami rin ang naghinala na ang lalaking ito ay siya rin ang nakasama noon ni Kylie Padilla na hindi ipinakita ang mukha.


May ilang mga fans naman ang aktres na nasisiyahan dahil nakakapagmove on na talaga si Kylie Padilla sa nangyari sa marriage life nila ni Aljur Abrenica.


Sa ngayon ay hindi pa rin naglalas ng pahayag si Kylie Padilla at hindi pa rin niya ipinapakilala sa publiko ang lalaking pinaghihinalaang ipinalit niya kay Aljur Abrenica.



@voicetrendz Kylie Padilla at kaniyang Jowa?? 😍 #KyliePadilla #kyliepadillaboyfriend ♬ original sound - Voice Trendz

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo