Sarah Lahbati Lumipat Na Ng Bahay at Sobrang Laki Ng Kanyang Bagong Tahanan!

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Tila wala nang maasahang balikan sa pagitan ng estranged celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil kamakailan lamang ay hayagan na nilang ipinapakita sa publiko ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng pag-unfollow nila sa isa't-isa sa kani-kanilang Instagram accounts.


Naunang in-unfollow ni Sarah Lahbati si Richard kasama ang ilang myembro ng Gutierrez family, ilang oras makalipas nito ay ang mga Gutierrez naman ang nag-unfollow sa aktres.


Samantala, viral at usap-usapan naman ngayon sa social media ang ibinahaging update ni Sarah Lahbati patungkol sa paglipat niya sa bagong tirahan. Naghahanap pa ang aktres ng interior designer para magpaganda sa loob ng kanyang lilipatang malaking bahay.


Marami naman sa mga tagahanga at kaibigan ni Sarah Lahbati ang nagpahayag ng pagsuporta at pagkaproud sa ginawang paglipat ni Sarah at sa desisyon nitong mag move on na sa hiwalayan nila ni Richard Gutierrez.


Sa ngayon ay tila lumalakas ang loob ni Sarah Lahbati na malalampasan ang pagsubok na ito sa kanyang buhay dahil marami namang nakasuporta at nakaalalay sa kanya.


Naroon ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.


Hanggang ngayon ay hati pa rin ang mga opinyon ng mga netizens patungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez may ilang mga netizens na naniniwala sa mga paratang rito ni Annabelle Rama, patungkol sa pagwawaldas ni Sarah Lahbati ng pera na pinaghihirapan ng kanyang anak sa mga vacation trips nito.


Makikita naman umano talaga sa social media posts ni Sarah Lahbati kung paano ito mamili at magbakasyon sa iba't-ibang lugar.


Gayunpaman, may mga nagsasabi naman na responsibilidad naman talaga ni Richard na magtrabaho para sa kanilang pamilya at karapatan rin umano ni Sarah na magamit ang pera nito.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na kahit hindi makakatumbas si Sarah Lahbati sa yaman ng mga Gutierrez, hindi naman umano maaring sabihin na walang ambag si Sarah dahil may income naman umano ito mula sa mga endorsements.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo