Lovi Poe Binuking Ang Papalit Kay Mokang Sa Batang Quiapo!

Biyernes, Enero 12, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapaniwala ang ilang mga netizens at manonood na mawawala na sa programa ang aktres na si Lovi Poe dahil marami ang nag-akala na siya pa rin ang magiging leading lady ni Coco Martin hanggang sa pagtatapos ng Ang Batang Quiapo.


Matatandaan na kamakailan lamang ay tuluyan nang namaalam ang aktres sa kanyang mga kasamahan sa nasabing teleserye at sa karakter na minahal niya sa loob ng ilang buwan sa kanyang Instagram post. Ito'y matapos ang pagkakabaril sa kanyang karakter sa isang episode ng Ang Batang Quiapo.


Samantala, tila nadulas naman umano ang aktres sa kanyang naging pahayag patungkol sa pagkawala niya sa nasabing teleserye. May papasok umano rito na isang sikat na aktres na matagal nang inaabangan ng manonood na magiging pamalit niya bilang leading lady.


Hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga fans ni Ivana Alawi na kasalukuyang ka-tandem ngayon ni Coco Martin sa Ang Batang Quiapo dahil mawawala naman umano ito sakaling may darating ng aktres.


Sa kabilang bansa marami naman ang napapatanong patungkol sa totoong dahilan ng pag-alis ni Lovi Poe sa Batang Quiapo. May mga nagsasabi pa na baka ay nais lamang nitong bigyan ng oras ang kanyang asawa na si Monty Blencowe.


May mga napansin naman ang ilang mga netizens sa mga social media post ngayon ng aktres kung saan tila pinapahiwatig umano nito na nagdadalang taon na siya.


Sa kamakailang tweet kasi ni Lovi Poe, inamin niya na natatakam siya ngayon at tila nagiging matakaw subalit palagi pa rin siyang nagugutom. Bukod pa rito, inilahad din niya na tila nagbago ang kanyang panlasa kung saan minsan ay naghahanap siya ng maalat, pagkatapos ay matamis naman, minsan ay gusto rin niya ng maasim.


Ayon sa ilang mga netizens, baka nagdadalang tao na ngayon ang aktres na naging dahilan upang kahit minahal na niya ang kanyang karakter ay binitiwan na niya ito. Marami din ang natutuwa dahil bumubuo na umano ng pamilya si Lovi Poe. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo