Julia Barretto, Liza Soberano May Kinalaman Sa Hiwalayan Ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Marami ang naghinala na ang kamakailang hakbang na ginawa ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account ay pahiwatig niya kung sino ang sangkot sa hiwalayan nilang dalawa ni Daniel Padilla.


Muling nabuksan ang mga usapin patungkol sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang tuluyan nang i-unfollow ng aktres si Daniel Padilla matapos ang ilang linggo ng tila panunuyo nito sa kanya.


Matatandaan na nauna nang naiulat na kinakausap na umano ni Daniel Padilla ang kanilang mga common friends na tulungan siya na makausap si Kathryn Bernardo upang mag-umpisa silang muli.


Nauna nang nakita ng mga netizens sa mga pinagsamahan nilang event na kung umasta ang aktor ay tila nobyo pa rin siya ng aktres dahil sa pagiging caring nito at maalaga sa dalaga.


Marami pa ang naghinala at umasa na baka magkakabalikan na ang dalawa dahil na rin sa pagbubura ni Daniel ng kanyang break up message kay Kathryn Bernardo. Makikita rin naman na ini-entertain pa rin ni Kathryn Bernardo ang aktor dahil may mga video naman na makikitang kinakausap pa rin nito ang aktor.


Gayunpaman, tila tinuldukan na ng tuluyan ni Kathryn Bernardo ang ilusyon ng ilang mga fans nila ni Daniel Padilla nang tuluyan na niyang in-unfollow ang aktor sa kanyang Instagram account.


Kasabay ng pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ay ang pag-unfollow rin niya sa mga Kapamilya actress na sina Gillian Vicencio at Julia Barretto. Dinamay na rin ni Kathryn ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano sa mga taong inunfollow niya sa kanyang Instagram.


Matatandaan na nadawit noon ang pangalan ni Gillian Vicencio sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang lumabas ang mga conversation kung saan ibinunyag na may nangyari sa pagitan kina Gillian at Daniel. Kaagad naman itong pinabulaanan ni Gillian noon.


Samantala, marami naman ang nakapansin na pasimple umanong tinitigan ni Daniel Padilla si Julia Barretto noong nakaraang ABS-CBN's ball na hinala ng mga netizens na may ibang pakahulugan.


Hindi naman maintindihan ng mga netizens kung bakit maging si Liza Soberano ay inunfollow na rin ni Kathryn Bernardo. Marami ang naghinala na baka may kinalaman ito sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa o di kaya naman ay may nangyari rin sa pagitan nito at Daniel Padilla.


Depensa naman ng mga fans ni Liza Soberano na mayroon naman itong karelasyon at wala naman sa bansa kaya naman imposible umanong may kinalaman pa rito si Liza.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Kathryn Bernardo sa totoong dahilan ng pag-unfollow niya kina Daniel Padilla, Gillian Vicencio, Julia Barretto at Liza Soberano. Matatandaan na nauna nang inunfollow noon ni Kathryn ang actress na si Andrea Brillantes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo