Robi Domingo Nagsalita Na Sa Tunay Na Namamagitan Kina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan

Biyernes, Enero 12, 2024

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ni Robi Domingo ang pang-iintriga ng mga netizens sa mga kaibigan niyang sina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo na kapwa bisita sa kanilang kasal ni Maiqui Pineda.


Kaagad na nagviral sa social media ang video na inupload ng isang netizen sa TikTok kung saan binigyan nito ng kulay ang pagiging attentive ni Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo sa after party ng kasal ni Robi Domingo at Maiqui Pineda.


Makikita sa video ang masayang pakikipagsayaw ni Kathryn Bernardo kay Rose Fausto na isa sa mga sponsor sa kasal nina Maiqui Pineda at Robi Domingo. Makikita rin sa video ang paglapit ni Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo at pagkausap sa aktres.


Nilagyan naman ito ng ibang pakahulugan ng ilang mga netizens, iniisip nila na pinupormahan umano ngayon ni Donny si Kathryn ngayong hayagan na ang paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.


Kaagad namang sinaway ni Robi Domingo ang mga netizens na nagbigay kulay sa videong ito. Iginiit ni Robi Domingo na magkaibigan silang lahat na naroroon sa kanyang kasal kaya naman hiling niya na sana ay itigil na ang isyu.


Marami rin kasi sa mga DonBelle Fans ang nadismaya sa naging isyu nina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo. Dahil sa pagkakagulo ng mga fans nilinaw ni Robi ang pagkakaibigan nilang lahat na naroon at pare-pareho umano nilang binabantayan ang isa't-isa.


Iginiit din ni Donny Pangilinan na dahil kabilang sa mga groomsmen niya si Donny Pangilanan kaya tumutulong ito sa pag-i-entertain sa mga guests nila ni Maiqui.


Kaagad naman nagpasalamat ang mga fans nina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo kay Robi Domingo sa agarang paglilinaw sa totoong nangyari.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo