Kapatid ni Kathryn Bernardo, Nagsalita Na Binunyag Ang Panloloko Ni Daniel Padilla

Biyernes, Enero 12, 2024

/ by Lovely


 Marami ang nagulat sa ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo sa kanyang dating boyfriend na si Daniel Padilla. Tila paraan na rin umano ito ng aktres para ipahayag sa publiko na hindi na siya makikipagbalikan pa sa kanyang dating boyfriend.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami pa rin sa mga fans nila ni Daniel Padilla ang umaasa na magkakabalikan pa rin silang dalawa dahil sa mga ipinakita nitong sweetness sa publiko.


Bukod sa pag-unfollow kay Daniel Padilla, inunfollow rin ni Kathryn Bernardo ang magagandang actress na sina Gillian Vicencio, Liza Soberano at Julia Barretto.


Bagama't wala namang inilabas na pahayag ang actress patungkol sa dahilan ng kanyang pag-unfollow sa mga artistang ito subali kaagad na naghinala ang mga netizens na may kinalaman sina Gillian, Julia at Liza sa naging hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


May mga netizens pa na nagsasabi na tama lamang ang ginawa ni Kathryn Bernardo na ipaalam na sa lahat ang kanilang estado ni Daniel Padilla lalo na umano ngayong umaasta pa rin ang aktor na boyfriend niya kahit ilang beses na siyang umiwas rito.


Samantala, viral at usap-usapan ngayon sa social media ang screenshots ng Instagram post ng ate ni Kathryn Bernardo. Isa itong quote card na may nakasulat na, We know what you did last Summer.


Sa caption isinulat pa ng kapatid ng aktres, 2017, 2018, 2019, 2021, 2023 at ang una umano nitong nalaman noong 2014.


Pinusuan naman ito ng mga malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo sa loob at labas ng industriya. Marami rin ang nagkomento ng angry emojis sa nasabing post.


Hinala ng mga netizens na ang mga nakasulat ritong taon sa caption ay ang mga taon kung saan nagloko at nambabae si Daniel Padilla sa likod ni Kathryn Bernardo.


Kung susumahin pa ang mga taon ay sa loob ng 11 years na relasyon ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay 6 na taon din itong nagkaroon ng mga babae na hindi pa naman pinapangalanan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo