Cesar Montano Binili Ng P1M Ang Goggles Na Kanyang Ginamit Sa Award Winning Movie Na Muro-Ami

Biyernes, Enero 12, 2024

/ by Lovely


 Binili ng actor-politician na si Cesar Montano sa halagang isang milyon ang googles na ginamit niya sa award-winning movie na Muro-Ami noong 90's.


Ang Muro-Ami ay isang 1999 Filipino action film na pinagbibidahan ng actor na si Cesar Montano kung saan ginampanan niya ang papel ni Fredo, isang malupit na kapitan ng 150 Muro-Ami divers na gumagamit ng illegal na paraan sa pangingisda.


Ipinakita rin sa nasabing pelikula ang masamang sistema ng pangingisda at ang matinding child labor na isa sa malaking isyu ng bansa.


Nanalo naman ang nasabing pelikula ng 13 na awards sa 14 nominee sa Metro Manila Film Festival 1999 kabilang na Best Pictures. Kaya naman maiintidihan lamang na talagang mahalaga para kay Cesar Montano ang mga props na ginamit sa nasabing pelikula.


Kamakailan lamang ay lumapit sa programa ni Boss Toyo ang pamangkin ni Cesar Montano upang ipagbili kay Boss Toyo sa halagang 1.5 million ang googles na ginamit ng kanyang tiyuhin sa pelikulang Muro-Ami.


Para masiguro na legit ang nasabing googles, tinawagan at pinapunta ni Boss Toyo sa kanyang tanggapan si Cesar Montano na siyang gumamit ng googles.


Pagdating ni Cesar Montano sa shop ni Boss Toyo ay nagkagulatan pa sila ng kanyang pamangkin. Hindi rin naman inakala ni Cesar Montano na itinabi pala ng kanyanga pamangkin ang ginamit niyang googles sa kanyang pelikula noon.


Ipinaliwanang naman ni Cesar Montano na talagang nawala na sa isip niya ang tungkol sa googles dahil sa palipat-lipat niya ng bahay noon. Imbes na si Boss Toyo lamang ang may balak na bumili ay naging kakumpetensya pa nito si Cesar Montano.


Nagpataasan pa sila ng bili rito, subalit sumuko na si Boss Toyo nang sabihin ni Cesar na handa niyang bilhin ang googles sa halagang 1 million pesos.


Ipinahayag naman ni Cesar Montano na talagang may sentimental value sa kanya ang googles kaya naman handa niyang gastusan ito. Bukod pa rito, tulong na rin umano niya sa kanyang pamangkin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo