Boyfriend Ngayon Ni Kylie Padilla Third Party Nila Noon Ni Aljur Abrenica

Biyernes, Enero 12, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang aktres na si Kylie Padilla matapos kumalat ang video na kuha ng isang netizen sa loob ng isang mall kung saan makikitang may kasama siyang lalaki.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Kylie Padilla matapos ang hiwalayan nila ni Aljur Abrenica. Matatandaan na nitong nagdaang taon, ibinahagi ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram account ang mga larawan nila ng misteryosong lalaki sa isang bakasyon sa Thailand.


Bagama't hindi ipinakita ni Kylie Padilla ang mukha ng lalaki, makikita naman ang braso nito na puno ng tattoo. Naging usap-usapan pa noon na isang tattoo artist ang ipinalit ni Kylie sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.


Samantala, makikita sa kumakalat na video na kasama ni Kylie Padilla ang isang tattoo artist sa pagkakataong ito, kitang-kita na ang kabuuang mukha nito.


May mga nakakilala naman sa tattoo artist na ito na pinaghihinalaang boyfriend ni Kylie Padilla na parehong lalaki na nalink noon kay Kylie Padilla ilang buwan bago kumpirmahin nila ni Aljur Abrenica ang kanilang paghihiwalay.


Matatandaan pa ang paglalabas noon ni Aljur Abrenica ng pahayag na si Kylie Padilla naman talaga ang unang nagloko sa kanilang pagsasama. Hinimok pa niya noon ang aktres na ilahad sa publiko ang buong katotohanan upang hindi lamang siya ang sisihin ng mga netizens sa kanilang paghihiwalay.


Hindi naman ito pinaniwalaan ng mga netizens noon dahil mas naging matunog ang isyu nina AJ Raval at Aljur Abrenica.


Subalit, ngayon, sinasabi naman ng mga netizens na talagang time is the ultimate teller dahil lumalabas na rin umano ang totoo na may partisipasyon talaga si Kylie Padilla sa naging hiwalayan nila noon ni Aljur Abrenica.


Sa kabilang banda, hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag si Kylie Padilla patungkol sa isyung ito.


@voicetrendz Kylie Padilla at kaniyang Jowa?? 😍 #KyliePadilla #kyliepadillaboyfriend ♬ original sound - Voice Trendz

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo