Rica Peralejo Pinagtanggol Si Kathryn Bernardo Dahil Sa Pag Unfollow Kay Daniel Padilla

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Naglabasan ngayon ang samu't-saring reakyon at komento mula sa mga netizens at mga celebrities sa gitna ng mainit na usapin ngayon sa social media patungkol sa biglaang pag-unfollow ng aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla at sa iba pang mga artista na pinaghihinalaang sangkot sa isyu nilang dalawa.


Kabilang na sa nagbigay ng reaksyon patungkol rito ay ang aktres na si Rica Peralejo. 


Ayon sa kanya, ang pag-unfollow sa ilang mga tao sa social media is a sign of maturity at hindi umano ito pagiging immature. Nagpapahayag umano ito ng control at act of agency.


Lalong-lalo na kung ang mga taong ina-unfollow naman ay iyong mga abusers, gaslighters o ang mga tao na na nagiging dahilan ng oppression. Iginiit pa ni  Rica Peralejo na isa itong empowering practice para masabi na hindi na nila maari pang ulitin ang pagkakamaling ginawa nila.


Dagdag pa nito sa kanyang post na ginawan lamang niya ng pabor ang sarili para makaiwas sa stress sa tuwing nagpapaka-unbothered ang mga taong pinapatungkulan niya sa kanyang mga post kaya mas makakabuti na i-unfollow na lamang ang mga ito.


Sa kabilang banda, marami pa rin sa mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang malungkot nang tila tuluyan na umanong nagpahiwatig ang aktres na wala nang patutunguhan ang mga ilusyon na magkakabalikan pa rin silang dalawa.


Gayunpaman, marami pa rin ang nasiyahan dahil sa paninindigan ng aktres na huwag nang balikan ang taong nanloko at nanakit sa kanyang damdamin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo