Jericho Rosales, Nag Sorry Kay Heart Evangelista

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Nagbiro ang dating aktor na si Jericho Rosales sa kanyang social media account kung saan tila dinog-show niya ang kanyang sarili kasama ang dating girlfriend at katambal na si Heart Evangelista.


Ibinahagi ni Jericho Rosales sa kanyang Instagram account ang kanyang mga videos kung saan makikita siyang tumatawa sa mga hawak niya paper dolls nila ni Heart Evangelista.


Ang mga nasabing paper dolls ay mula sa kanilang pinagsamahan  noong teleserye na pinamagatang 'Ang Panday'. Ayon kay Jericho Rosales parang hindi naman umano katawan ni Heart ang ginamit sa paperdolls at ipinadikit lamang dito ang mukha ng aktres. Ipinakita pa ni Jericho na binihisan niya ang mga paperdolls na tila ba ay nag-a-outfit check siya na kadalasan ay ginagawa ng fashion icon.


Samantala, kaagad namang humingi ng paumanhin si Jericho Rosales kay Heart Evanglesta sa huling video at itinag pa sa kanyang Instagram stories ang fashion icon.


Kaagad namang nagviral ang mga nasabing Instagram stories ni Jericho Rosales kung saan itinag niya si Heart Evangelista.


Matatandaan na naging magkasintahan noon sa totoong buhay sina Heart Evangeelista at Jericho Rosales. Isang pagmamahalan na umusbong mula sa pagkakaibigan at pagiging magkaloveteam nilang dalawa.


Nagtapos ang kanilang relasyon noong 2008, dahil sa paghahadlang ng mga magulang ng aktres. Pinaniwala umano ng mga magulang ni Heart Evangelista sa actress na nag-cheat sa kanilang relasyon si Jericho Rosales na pinaniwalaan naman nito.


Gayunpaman, ilang taon matapos ang kanilang paghihiwalay ay inamin ni Heart Evangelista na si Jericho Rosales ang kanyang maituturing ng 'greatest love'.


Ilang taon ang makalipas parehong nakatagpo sina Heart Evangelista at Jericho Rosales ng taong mamahalin. Ikinasal si Heart Evangelista kay Chiz Escudero habang ikinasal naman si Jericho Rosales.


Sa ngayon ay hindi pa naman malinaw kung ano ang ibig ipakahulugan ni Jericho sa kanyang ibinahaging video, subalit hinala nila na baka ay naalala lamang ni Jericho ang nakaraan at isa lamang itong ramdom post.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo