Matapos I-Unfollow Ni Kath, Video Nina Daniel at Julia Na Magkasama Viral!| Karla Boto Kay Julia?!

Biyernes, Enero 12, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kina Daniel Padilla at Julia Barretto sa kanyang Instagram account, kaagad na naglabasan sa social media ang mga intriga patungkol sa kanilang dalawa at kung kailan sila nagkaroon ng affair.


Bukod pa rito, naging viral din ang mga haka-haka na mas gusto umano ni Karla Estrada si Julia Barretto bilang partner ni Daniel Padilla. Matatandaan na naging magkapartner na rin naman noon ang dalawa sa isang proyekto.


Tila lalong nakukumbinsi ang mga netizens sa naging dahilan kung bakit kabilang sa mga in-unfollow ni Kathryn Bernardo si Julia Barretto sa kanyang Instagram account. Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng dalawa na ilang beses palang nagsama sa iisang off-cam events.


Bukod pa rito, nadadawit na rin ang pangalan ng ina ng aktor na si Karla Estrada dahil sa naging pahiwatig umano nito noon na mas gusto niyang kasama ng kanyang anak si Julia Barretto kaysa kay Kathryn Bernardo.


Binigyan kulay pa ng ilang mga netizens ang kakaibang closeness umano sa pagitan ni Julia Barretto sa mga kapatid na babae ni Daniel Padilla.


Samantala, may naglalabasan ring mga ulat na hindi naman blood related sina Daniel Padilla at Julia Barretto kahit pa anak ng aktor na si Dennis Padilla si Julia.


Ayon sa mga ulat, screen name lamang umano ni Dennis ang Padilla dahil ang totoong apelyido nito ay Baldivia.


Marami rin sa mga netizens ang binalikan pa ang naging mga isyu noon ni Julia Barretto at Daniel Padilla bago pa man inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, kumbinsido naman ngayon ang ilang mga netizens na may matinding dahilan si Kathryn Bernardo sa kanyang pag-unfollow kay Julia Barretto dahil kilalang mabait naman ang aktres.


Bukod pa rito, dahil nasa industriya ng showbiz si Kathryn Bernardo, alam na umano na pagmumulan talaga ng kontrobersiya ang kanyang pag-unfollow sa social media.


@kathreid.nieldine Replying to @파티마 Aminin!! Ang ganda ng chemistry nila #DanielPadilla #JuliaBarretto #KathNiel #fyp ♬ original sound - KathReid NielDine

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo