Mahusay Na Aktor May Major Comeback Sa ABS-CBN

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Pinag-uusapan ngayon sa social media ang balitang magbabalik na sa showbiz ang Kapamilya actor na si Enrique Gil, matapos ang ilang taon nitong pananahimik sa showbiz.


Ayon sa mga naglabasang ulat, malapit na umanong ipalabas ang pelikulang muling magbubukas sa showbiz career ni Enrique Gil, matapos ang apat na taon nitong pamamahinga sa showbiz.


Ang comeback movie ng actor ay pinamagatang I am Not Big Bird, umiikot naman ang kwento nito sa karakter na ginampanan ni Enrique Gil bilang si Luis.


Umiikot ang kwento ng nasabing pelikula sa buhay ni Luis na nagpunta sa Thailand kasama ang kanyang mga kaibigan para magbakasyon subalit napagkamalan bilang isang sikat na pornstar sa nasabing bansa dahil sa kanilang pagkakahawig.


Ang pelikulang I Am Not Big Bird ay isinulat ni Lilit Reyes na hango umano sa totoong nangyari sa buhay ng kanyang kaibigan.


Makakasama naman ni  Enrique Gil sa kanyang upcoming movie sina Pepe Herrera, Red Ollera at Nikko Natividad.


Matatandaan na magmula noong itinigil nina Enrique Gil at ng dating ka-loveteam niyang si Liza Soberano ang taping ng pinagsamahan nilang teleserye sa ABS-CBN na Make It With You noong kasagsagan ng pandemic, namahinga na muna sa kanyang showbiz career si Enrique Gil.


May mga ulat na magbabalik ito sa showbiz para gawin ang Philippine adaptation ng Korean series na It's Okay Not To Be Okay kasama ang kanyang ka-loveteam noon na si Liza Soberano. Subalit, muli naman itong naudlot nang magpasya si Liza na umalis sa ABS-CBN upang i-pursue ang kanyang Hollywood dream.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo