Paulo Avelino May Patama Kay Xian Lim

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang post ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino.


Ayon sa naging post ng aktor, hindi umano sa porma o sa ayos ng pananamit makikita ang pagiging gwapo ng isang lalaki kundi sa kanyang maayos na pagtrato sa babae.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kahit hindi nag-work ang relasyon nina Paulo Avelino at LJ Reyes noon at napanatili naman ng aktor ang pagkakaibigan nilang.


Katunayan ay naging maayos ang co-parenting nila sa kanilang anak na si Aki. Matatandaan na nagtrending din kamakailan lamang ang video ni Aki na kinunan ni LJ Reyes habang binubuksan nito ang ipinadalang regalo ni Paulo Avelino.


Naroon din si Paulo Avelino sa lahat ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang anak. Ayon naman kay LJ Reyes ay wala siyang maipipintas sa pagiging ama ni Paulo Avelino sa kanilang anak dahil hindi naman ito nakakalimot sa mga obligasyon niya.


Samantala, marami naman sa mga fans nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kinilig sa kamakailang pahayag na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account dahil nasa tamang pangangalaga na umano ngayon si Kim Chiu matapos ang paghihiwalay nila ni Xian Lim.


May mga fans pa na naghinala na ang post na ito ni Paulo ay patama kay Xian Lim dahil sa pagiging duwag umano nito sa pag-iiwas sa mga katanungan na may kinalaman sa hiwalayan nila ni Kim Chiu.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga ngayon ni Kim Chiu ang umaasa na sana ay mahanap din ni Kim Chiu ang para sa kanya na magbibigay ng tunay na saya at papahalagahan siya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo