Tropa Ni Kathryn Bernardo Naging Babae Din Ni Daniel Padilla

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Marami ang nagulat sa panibagong rebelasyon patungkol sa isang malapit na kaibigan noon ni Kathryn Bernardo na umano'y kalandian din noon ni Daniel Padilla.


Sunod-sunod na ang paglalabasan ng mga babaeng pinaghihinalaang kalandian ni Daniel Bernardo habang karelasyon pa niya ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Kabilang sa mga pinaghihinalaang babae ni Daniel Padilla ay ang mismong malapit na kaibigan nila ni Kathryn Bernardo na si Aeriel Garcia na asawa na ngayon ni Patrick Sugui.


Ayon pa sa mga naglabasang mga ulat na ito ang dahilan ng pagkakawatakwatak ng kanilang samahan na tinatawag na 'Nguya Squad' na siyang kinabibilangan nina Marco Gumabao, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Patrick Sugui, Aeriel Garcia, Dominic Roque, Joe Vargas, Bianca Yanga.


Sa isang blind item, itinago ang pangalan nina Daniel Padilla at Aeriel Garcia sa bansag na Disco at Mermaid.


Ayon sa blind item, nangyari ang landian ng dalawa noong hindi pa ikinasal si Mermaid. May nakakita umano sa kanila sa isang bar na naglalampungan at ang mas matindi pa ay sinisid pa umano ni Mermaid si Disco sa loob ng bar.


Ito rin umano ang dahilan kung bakit nasara ang pagkakaibigan nila noon ni Kathryn.


Hindi naman nanahimik ang kampo nina Aeriel Garcia at Patrick Sugui sa nasabing blink item. Kaagad silang naglabas ng official statements kung saan pinabulaanan nila na totoong nangyari ang nasabing blind item.


Ayon sa Twitter post ni Patrick Sugui, ipinagdidiinan niya na walang kinalaman ang kanyang asawa sa nasabing blind item dahil wala naman umano itong katotohanan. 


Yung hindi naman umano pag-attend nina Kathryn Bernardo sa kanilang kasal ay nalinaw na noon pa man at wala umano sa mga dahilan ang pagkakaroon ng relasyon ng kanyang asawa kay Daniel Padilla.


Hiling pa ni Patrick Sugui na sana ay itigil na ng mga netizens ang mga maling akusasyon laban sa kanyang asawa. Gusto na umano nila ng tahimik na ngayon. Nagsalita na umano siya dahil nadadawit na umano ang pangalan ng kanyang asawa na wala namang kinalaman sa lahat.


Sa ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Daniel Padilla sa gitna ng samu't-saring pambabatikos na natanggap matapos ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo