Kim Chiu-Paulo Avelino, Xian Lim-Jennylyn Mercado Magtutos Sa Primetime Bida

Huwebes, Enero 11, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang inilabas na trailer ng teleserye version ng Linlang na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Marami naman sa mga netizens ang nakapansin na inilipat sa bagong timeslot ng Linlang at tila sinadya pa umanong itapat ang teleseryeng ito sa teleseryeng pinagbibidahan ni Xian Lim na ipinapalabas sa katapat na network.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kamakailan lamang ay kinumpirma na nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay sa publiko matapos ang ilang buwan na naging usap-usapan ang kanilang hiwalayan.


May mga netizens naman ang nagsasabi na tama lamang ang ginawang ito ng dalawang network na ipagtapat ang Linlang nina Kim Chiu at Paulo Avelino, at ang Love. Die. Repeat nina Xian Lim at Jenylyn Mercado. Magkakaalaman na umano kung anong programa ang mas tatangkilikin ng publiko matapos ang hiwalayan ng dalawa.


Matatandaan na may mga naglabasang mga haka-haka patungkol sa totoong  dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu, kung saan inaakusahan ng marami na si Xian ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.


Ayon sa mga naging pahayag mula sa ilang mga entertainment sites, na ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Kim Chiu kay Xian Lim ay ang kawalan ng plano ng huli na pakasalan ang aktres.


May mga dumagdag pa na baka may iba naman itong minamahal at ginagamit lamang ang pagiging boyfriend ni Kim Chiu para sa kanyang showbiz career, may mga naglabasan rin kasing mga larawan na may ibang babae na kasama si Xian Lim na pinaghihinalaang naging third party sa relasyon nila ni Kim Chiu na nagwakas makalipas ang 12 years.


Samantala, ayon sa ilang mga netizens na dapat ay kabahan na umano ang dapat kabahan sa kung sino ang panonoorin ng mga televiewers.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo