Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lifestyle. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na lifestyle. Ipakita ang lahat ng mga post

Mark Herras, Inamin Ang mga Pinagdaanang Paghihirap

Walang komento

Lunes, Abril 8, 2024


 Sinagot na ng aktor-dancer na si Mark Herras ang isyu patungkol sa totoong estado niya financially matapos maisyung naghihirap na siya matapos mawalan ng projects.


Kinumusta at nakapanayam ng kilalang talent manager na si Ogie Diaz si Mark Herras ang tinagurian dati bilang 'Bad boy ng Dance Floor'.


Sa nasabing panayam, kinumusta ni Ogie Diaz ang mga bagong kaganapan sa buhay ni Mark Herras. Hayagan ding tinanong ni Ogie Diaz ang mga isyung kumakalat ngayon patungkol sa kanyang paghihirap.


Aminado naman si Mark Herras na nahihirapan na siya ngayon na makakuha ng project sa showbiz. Ayon sa naging pahayag ni Mark Herras na naging mailap na para sa kanya na makakuha ng project sa kasalukuyan.


Subalit, hindi naman umano pwede na tumunganga na lamang siya habang naghihintay ng projects dahil may pamilya siyang dapat na buhayin. Kaya naman siya na umano mismo ang naghahanap ng racket at pinabaan na rin ang kanyang talent fee.


Inamin rin ni Mark Herras na naranasan na rin niyang ma-zero at wala na talagang madukot para ibigay sa kanyang asawa para ipambili ng mga pangangailangan nila sa bahay.


Inamin pa ni Mark Herras na talagang naisipan na niya noon na isangla na lamang ang kanyang bahay dahil walang-wala na talaga sila.


Kung may bagay man siyang kinatatakutan ngayon, ito ay ang mawalan ng trabaho dahil mayroon siyang binubuhay na pamilya at nag-aalala siya sa maaring mangyari sa kanyang pamilya.


"Kapag naiisip ko na in like a month or two na baka wala akong gawing trabaho. Kasi ngayon pa nga lang na hindi pa nag-aaral ang anak ko, may mga oras na.. ay parang ang hirap ah. Mahirap ang buhay ng isang tao ah.. isa pa lang to."


Maging ang pagkakautang niya noon sa dating manager na si Lolit Solis ay nilinaw na rin niya. Sa paglilinaw ni Mark Herras, matagal na umano ang pagkakautang niya kay Lolit Solis. Iginiit din niya na nangyari ang lahat bago pa man siya mag-asawa. Higit sa lahat matagal na umanong bayad iyon.


Inamin rin ni Mark Herras, na bilang manager niya si Lolit Solis noong hindi na siyang napag-usapan ay ginagawan siya ng isyu para maging laman siya ng usapan.



Vice Ganda Nangopya Ng Speech Kay Darryl Yap

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nangopya umano ng speech si Unkabogable Star na si Vice Ganda sa spoken poetry ni Direk Darryl Yap.


Kaagad na nagtrending at umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging speech ni Vice Ganda sa opening ng It's Showtime sa GMA7 nitong April 6, 2024.


Marami ang pumuri sa galing ni Vice Ganda sa kanyang pagkaka deliver ng speech at marami rin ang humanga dahil sa very inspiring itong pakinggan para sa lahat.


Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa isyu, naglabas ng opinyon ang composer-lyricist na si Lolito Go patungkol sa napansin niya sa speech ni Vice Ganda. 


Ayon kay Lolito Go, hindi niya naiwasang pagkumparahin ang speech ni Vice Ganda sa naging speech ng kanyang favorite director na si Darryl Yap.


Hindi umano maitatanggi ang pagkakaparehas ng speech ni Vice Ganda sa gawa noong ni Darryl Yap. Maging ang thoughts, delivery at heroic musical tone na ginamit sa pag-speech ay magkakapareho rin.


Gayunpaman, inilahad naman ni Lolito Go na maaring hindi alam ni Vice Ganda na may pinagkupyahan ng kanyang ginamit na speech dahil posibleng ang kanyang team ang gumawa nito.


Subalit, hindi rin umano siya kumbinsido na ang sumulat ng speech ni Vice Ganda ay hindi napanood ang version na ginawa ni Darryl Yap noon pang 2020.


Iginiit pa ni Lolito Go na napakaliit lamang ng tsansa na coincidence lamang ang lahat.


Sa kabilang bansa, marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa naging pahayag ni Lolito Go dahil napakarami naman umanong pagkakatulad kung sakaling nagkataon lamang ang lahat.


Samantala, may mga nagsasabi naman na hindi ginaya ni Vice Ganda ang speech ni Darryl Yap dahil, totoong nagmula naman sa hirap si Vice Ganda, ilang beses na na-reject at sa wakas ay nagtagumpay.



@lifestylesd_staylowkey Ang galing mo Vice Ganda!! Nakaka kilabot yung speech mo. #motivation #showtime #GMA #success #rags2riches @Vice Ganda @vice Ganda ♬ original sound - Sam Dayrit

Vice Ganda May Napu-Pusuan Ng Maging Bagong Host Ng It's Showtime!

Walang komento


 Darren Espanto, ibinunyag ang pagkasingle sa isang segment ng kanilang noontime show na It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, nakasama ni Darren Espanto ang kanilang Kapuso guest na si Jillian Ward sa segment na KaraOkey Kids.


Puring-puri naman ng ilang mga It's Showtime hosts ang kagandahan ni Jillian Ward na mukhang isang living doll sa angking kagandahan.


Humirit naman si Vice Ganda at tinanong si Jillian Ward kung may nobyo na ba ito, na kaagad namang sinagot ng aktres na wala pa.


Makahulugan namang tinanong ni Vice Ganda si Darren Espanto kung may girlfriend na ba siya. Nakangiti naman itong sinagot ni Darren Espanto na wala siyang girlfriend.


Kaagad namang nagtrending sina Darren Espanto at Jillian Ward sa ilang mga social media platforms dahil sa malakas nilang chemistry na dalawa.


Naglabasan naman ang mga hinalang napupusuan ni Vice Ganda na maging co-host si Jillian Ward sa It's Showtime.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong naoakaraming fans at followers ni Jillian Ward sa social media dahilan para hindi malabong kunin ito ni Vice Ganda para maging kabahagi ng at maging regular host na rin.


Marami naman ang nagsasabi na nababagay si Jillian Ward sa It's Showtime at kailangan na ring magkaroon ng bagets na hosts ang show dahil mga bagets na host naman ang kinukuha ng kabilang show na Eat Bulaga.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naiuugnay sina Darren Espanto at Cassy Leaspi sa isa't-isa subalit tila hindi sila tuluyang nagkamabutihan dahil nakikitang may ibang lalaki nang nakakadate si Cassy Legaspi.


Habang tahasan na ring inamin ni Darren Espanto ang pagiging single.



@istantalent24 Darren and Jillian, lakas ng chemistry! #darrenespanto #jillianward #itsshowtimefamily #showtimesagma #showtimesanibpwersa #kapuso #kapamilya #memevice #fyp #foryourpage #fypviral ♬ Cupid by Fifty fifty - azzzcam

It's Showtime Nilampaso Ang Eat Bulaga Sa Ratings!

Walang komento


 Lumabas na ang ratings sa mainit na tapatan ng mga noontime shows na Eat Bulaga at It's Showtime noong sabado, April 6, 2024.


Inaasahan ng maraming mga netizens at ng maraming manonood na makakakuha ng mataas na ratings ang It's Showtime dahil sa paglipat nila sa GMA7.


Bukod pa rito, inaabangan rin ng maraming mga manonood ang mga pasabog na gagawin ng It's Showtime sa bonggang paglipat nila sa GMA7.


Hindi rin maitatanggi na talagang nagtrending at pinag-uusapan ang April 6, episode ng It's Showtime.


Samantala, inilabas na ng AGB Nielsen Notam ang nakuha nilang data noong April 6, 2024 kung saan nakakuha ng 9.7% ang It's Showtime combined ratings na ito mula sa GMA, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel samantalang nakakuha naman ang noontime show na Eat Bulaga ng TVJ sa TV5 at RPTV ay nakakuha ng 4.4%.


Ibig sabihin nito ay mahigit kalahati ang lamang ng It's Showtime sa Eat Bulaga. Lalo ring dumami ang mga commercial load ng It's Showtime na pinangungunahan ni Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle at iba pang mga hosts.


Hindi naman ito kagulat-gulat dahil talagang inaabangan na ito ng maraming mga netizens, ang tuluyang pagsasanib pwersa ng ABS-CBN at GMA7 sa noontime show na It's Showtime.


Ang tinitingnan ngayon ay kung mamimaintain ba ng It's Showtime ang mataas na ratings  at patuloy nitong patataubin ang Eat Bulaga na siyang nangunguna noon sa larangan ng mga noontime shows.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na talagang tataas ang ratings ng It's Showtime dahil pinagsama-sama na ang lahat ng reach ng mga media platforms kung saan ito umiere.


Bukod pa rito, talagang bongga ang ipinakita nilang performance at presentation sa show na talagang humakot ng mga viewers.


May mga nagsasabi rin na marami sa mga manonood ay naku-curious lamang sa mga pasabog ng show ngayong kakasimula pa lamang nila at babalik rin sa panonood sa longest running noontime show na Eat Bulaga ng TVJ.


Katanungan naman para sa mga netizens kung ano ang ipantatapat ng Eat Bulaga sa It's Showtime ngayong nagsimula na silang maungusan.



Daniel Padilla Pinatunayang Hindi Pa Siya Laos at Ifinlex Ang Kanyang New Endorsement

Walang komento


 Ipinamukha ng celebrity mom na si Karla Estrada na hindi pa laos ang kanyang anak Daniel Padilla, matapos sabihin ng maraming mga netizens na nalalaos at nawawalan na ng mga endorsement si Daniel Padilla magmula noong naghiwalay sila ng dating ka loveteam na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mas dumarami pa ngayon ang mga endorements ni Kathryn Bernardo magmula nang tapusin nila ni Daniel Padilla ang kanilang 11 years relationship. Dahil dito marami ang nagsasabing tila bumabagsak na ngayon si Daniel Padilla at nawawalan pa umano ng mga endorsements.


Nakatanggap rin ng matinding pambabatikos si Daniel Padilla mula sa mga solid fans ni Kathryn Bernardo dahil marami ang naghinalang ang pagiging babaero ng aktor ang dahilan ng kanilang pagkasira ni Kathryn Bernardo.


Bukod pa rito, naglabasan rin ang mga nakaraang videos kung saan makikita ang masamang pagtrato ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo noong magkarelasyon pa sila.


Sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos, very proud na ibinahagi ni Karla Estrada na walang katotohanan ang balitang ito dahil patuloy pa ring namamayagpag hanggang ngayon ang pangalan ni Daniel Padilla.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media nitong nakaraang mga araw ang pagpopost ni Karla Estrada ng mga larawan ni Daniel Padilla na nagpapahiwatig na may panibago itong blessings na natanggap.


Umani rin ng mga komento ang ibinahaging teaser video ni Daniel Padilla ng kanyang panibagong endorsement mula sa isang kilalang clothing brand.


Kaagad naman itong ni-repost ni Karla Estrada upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa kanyang anak na si Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, pinabulaanan din ni Karla Estrada ang isyung namimigay ng 5000 GCASH si Daniel Padilla sa kanyang mga fans.


Sa pamamagitan ng isang Instagram post, iginiit ni Karla Estrada na walang katotohanan na nanghihingi ng GCASH number si Daniel Padilla sa kanyang mga fans.


Ayon kay Karla Estrada, walang kaugnayan kay Daniel Padilla ang isang individual na ginagamit ang pangalan ng aktor, na nanghihingi ng GCASH number para sa giveaways.


Hinimok pa ni Karla Estrada ang mga netizens na huwag nang i-entertain ang account na ito na nagpapanggap na kanyang anak dahil hindi naman umano ito ang account ng kanyang anak.



Kim Chiu Gustong Makasama Ni Paulo Avelino Sa Elevator, Paulo Hindi Tumabi Ky Kylie Sa Mediacon Nila

Walang komento

Biyernes, Abril 5, 2024


 Trending at pinag-uusapan ngayon sa mga ilang mga social media platforms ang mga sagot ni Paulo Avelino sa nakaraang mediacon ng pelikulang Elevator nina Kylie Verzosa at Paulo Avelino.


Kahit iba ang katambal ni Paulo Avelino sa nasabing pelikula ay bukambibig pa rin nito ang kanyang leading lady sa Linlang at What's Wrong with Secretary Kim na si Kim Chiu.


Naitanong kay Paulo Avelino sa nasabing mediacon, kung sino ang kanyang gustong makasama sa Elevator. Kaagad naman itong sinagot ni Paulo na si Kim Chiu.


Si Kim Chiu ang napili ni Paulo Avelino dahil masaya naman umano itong kasama. 


Kaagad namang kinilig ang mga KimPau fans dahil talagang nasaisip pa rin ni Paulo Avelino si Kim Chiu kahit hindi sila magkasama.


Dahil dito, lalong lumakas ang hinala ng maraming mga fans ng dalawa na talagang nagkakamabutihan na ang mga ito na tinatago na muna nila sa kanilang mga fans para kahit papaano ay magkaroon rin sila ng privacy.


Napansin rin ng mga fans na may distansya sa pagitan nina Kylie Versoza at Paulo Avelino, gayung sa mga nakaraang mga mediacon nila ni Kim ay palagi umano nitong tinatabihan ang aktres.


Bagama't marami na ang nagkukumpirmang nagkakamabutihan na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, may mga naghihintay pa rin ng kumpirmasyon mula mismo sa dalawa patungkol sa kanilang relasyon.



@kimpauint Sino ang gustong kasama pag nastuck sa Elevator! #KimPau #KimChiu #PauloAvelino ♬ original sound - KimPau International

Inunahan Si Vice Ganda, Eat Bulaga May Bagong Host!

Walang komento


 Tuwang-tuwa at talagang naexcite ang host na si Ryza Mae Dizon matapos anunsyo ni Bossing Vic Sotto sa Eat Bulaga ang pagkakaroon nila ng panibagong makakasama.


Inanunsyo ni Bossing Vic Sotto ang pagdating ng anak nina Aga Muhlach at Sharlene Gonzales na si Andres Muhlach sa TV5 noontime show na Eat Bulaga sa darating na April 6, 2024.


Nagbiro pa si Tito Sotto na siya na umano ang bahalang magpagawa sa gown na susuotin ni Ryza Mae Dizon para magandang-maganda ito sa pagsating ni Andres Muhlach pagdating nito sa Eat Bulaga.


Aminado naman kasi si Ryza Mae Dizon na talagang crush niya ang kambal ni Atasha Muhlach na si Andres dahil hindi naman maitatanggi ang kagwapuhan.


Dahil dito, game na game din si Ryza Mae na sumakay sa mga biruan at panunukso ng kanyang mga kasamahang hosts sa Eat Bulaga.


Samantala, inilahad naman ni Ryza Mae na una silang nagkausap ni Andres Muhlach noong nakaraang birthday party ni Maine Mendoza sa Bonifacio Global City.


Gayunpaman, aminado pa rin si Riza Mae na talagang excited siya ngayon makakasama na niya sa iisang programa si Andres.


Maging ang ilang mga manonood ng Eat Bulaga ay labis ring na-excite sa pagdating ni Andres sa Eat Bulaga. Ilalabas ng Eat Bulaga ngayong April 6 ang National Barangay Day na siyang itatapat nila sa Birthday celebration ni Vice Ganda at ang bonggang paglipat ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso network.


Tanong ngayon ng mga netizens kung magiging regular host din ba sa Eat Bulaga si Andres Muhlach katulad ng kanyang kakambal na si Atasha Muhlach.


Kung sakaling papasok sa Eat Bulaga si Andres, nangangahulugan lamang na tila nabigo si Vice Ganda sa pag-asam na makakasama sa kanilang noontime show ang isa sa kambal na anak ni Aga Muhlach.


Matatandaan na sa isang vlog ni Vice Ganda kung saan kinapanayam niya si Aga Muhlach sinabi nito na sana ay payagan ni Aga ang isa pa niyang anak na makasama sa kanilang noontime show ngayong nasa Eat Bulaga naman si  Atasha.




Birthday Surpresa Kay Kim Chiu Ni Paulo Avelino Kasado Na Lamang Sa Feelings

Walang komento


 Inaabangan ng maraming mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang magaganap na birthday celebration ng aktres ngayong buwan.


Naniniwala ang ilang mga fans ng KimPau na talagang paghahandaan umano ni Paulo Avelino ang paparating na birthday ni Kim Chiu lalo na ngayong pinagkukumpara sila ng aktor na si Alden Richards sa ginawa nitong surpresa para kay Kathryn Bernardo.


Ayon pa sa ilang mga fans ng KimPau, na hindi lamang lalampasan ni Paulo Avelino ang ginawa ni Alden Richards kundi tutumbasan din niya ito ng totoong feelings nila ni Kim Chiu.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang pinagkukumpara ngayon sina Kim Chiu at Kathryn Bernardo na parehong nagmula sa isang mahabang relasyon at kakahiwalay pa lamang mula sa kanilang longtime boyfriends.


Pareho ring tila nakatagpo ang dalawa ngayon ng panibagong pag-ibig sa katauhan nina Alden Richards at Paulo Avelino.


Hinala ngaon ng marami na nililigawan na ni Alden Richards si Kathryn Bernardo habang nagkakamabutihan na rin umano sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Talagang kinakikiligan ng maraming mga netizens ang ginawang pagsurpresa ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo. May mga naglabasan pang mga ulat ng pag-effort ni Alden Richards para lamang makasama ito. Bukod pa rito, nagbigay rin umano ng mamahaling regalo si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Dahil dito, inaasahan ng mga netizens na talagang paghahandaan ni Paulo Avelino ang darating na kaarawan ni Kim Chiu.



Sen. Chiz Escudero Sinakay Sa Helicopter at Isinugod Sa Ospital

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang hindi kumpirmadong balita na umano'y na-stroke ang mister ni Heart Evangelista na si Senator Chiz Escudero.


Ikinabahala ng maraming mga netizensa ang lumabas na balita ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites na umano'y inatake sa puso ang Senator na si Chiz Escudero noong April 4, 2024.


Dahil dito, na-stroke umano ang senator at semi-paralyzed ngayon.


Samantala, noong nangyari ito kay Senator Chiz Escudero ay nasa Hongkong si Heart Evangelista dahil may projet ito roon na kaagad namang kinansela dahil sa nangyari sa mister.


Kumakalat rin ngayon sa ilang mga blind item na kasalukuyang nasa St. Luke's Hospital ang isang 'male senator from Sorsogon'.


Hindi naman idinitalye ng mga sources ang patungkol sa nangyaring stroke kay Sen. Chiz Escudero subalit may nagsasabing isinakay sa chopper si Chiz Escudero mula sa Sorsogon papunta sa St. Luke's Medical Center.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang tanggapan ng senador. Nang matanong naman ang mga taong malapit kina Chiz Escudero ay iisa lamang ang sinasabi ng mga ito na nasa bahay lamang si si Chiz Escudero, maayos ang kalagayan at nagpapahinga.


Maging sa mga social media posts ni Heart Evangelista ay wala namang pahiwatid na may nangyaring aksidente kay Chiz Escudero.


Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang opisyal na pahayag ng panig ni Heart Evangelista at Chiz Escudero patungkol sa balitang ito.




Karla Estrada, Pinaringgan Si Alden Richards Sa Social Media

Walang komento

Huwebes, Abril 4, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang umano'y pagpaparinig ni Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla, kay Alden Richards sa panliligaw nito kay Kathryn Bernardo.


Kamakailan lamang ay nag-flex ang celebrity mom na si Karla Estrada sa kanyang social media platforms ng mga larawan ng kanyang anak na si Daniel Padilla.


Sa caption, kinongratulate niya ang kanyang anak na hinala ng marami ay may paparating na panibagong projects dahil sa isinulat ni Karla Estrada na soon at praying hands emoji.


Pinuri din ni Karla Estrada ang panginoon kalakip ang mga praying hands emojis.


Hindi naman idinetalye ni Karla Estrada ang kanyang nasabing post o kung anong project ang inaasahan ng kanyang anak ay napuno na rin ng mga congratulatory comments ang kanyang mga posts.


Naka-limitado ang comment section ng post ni Karla Estrada kaya naman ay hindi nakapagkomento ang ilang mga bashers sa post nito.


Samantala, may ilang malalapit naman kay Karla ang nagtanong ng detalye sa kanyang post. Kaagad naman umano itong sinagot ng celebrity mom at nilinaw ang detalye.


Ayon kay Karla ay magkakaroon umano ng panibagong endorsement si Daniel Padilla. Tiyak din umanong lalong magngingitngit ang mga taong palaging nang-iintriga sa kanyang anak at nagsasabing nawalan na ito ng mga endorsement mula nang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo.


Matatandaan na marami pa rin ang mga bumabatikos ngayon kay Daniel Padilla dahil sa naging hiwalayan nila ni  Kathryn Bernardo.


Sa ngayon ay tila masaya na ang aktres sa piling ng panibagong pag-ibig sa katauhan ni Alden Richards.



Fans Ni Janine Gutierrez Binanatan Si Ogie Diaz Dahil Sa Paninira Nito at Pagkumpara Kay Kim Chiu!

Walang komento


 Kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, inuulan ng pambabatikos ngayon ng mga tagahanga ni Janine Gutierrez dahil sa paninira umano nito sa aktres para bumango ang mga pangalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Nangagalaiti ngayon ang mga fans ng aktres na si Janine Gutierrez kay Ogie Diaz dahil napapansin nilang panay umano ang paninira ng talent manager sa kanilang idolo para maging maganda sa paningin ng nakararami ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Bukod pa rito, may mga nakapansin rin na tila idinidikit palagi ng talent manager ang pangalan ni Janine Gutierrez sa tuwing napag-uusapan nila sa kanilang vlog ang KimPau.


Hindi naman lingid sa kaalaman ang naging relasyon nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noon kahit hindi naman ito gaanong inilalantad sa publiko at hindi rin gaanong napag-uusapan kung ikukumpara sa relasyon ngayon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Hindi nagustuhan ng mga fans ni Janine Gutierrez ang naging pahayag ni Ogie Diaz na mas nagustuhan umano ng maraming mga netizens si Kim Chiu para kay Paulo Avelino kaysa kay Janine Gutierrez.


Kaagad namang sinagot ni Ogie Diaz ang mga isyung ito at iginiit sa kamakailang episode ng kanyang vlog na hindi naman niya sinisiraan ang Kapamilya Star na si Janine Gutierrez.


Iginiit din niya na bagama't aminado siyang fan rin siya ng KimPau ay hindi naman umano ito nangangahulugan na pumapanig na siya sa mga ito.


Para sa kanya, ay inilalahad lamang niya ang mga opinyon ng maraming tao patungkol sa pinag-uusapang tambalan ngayon nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya naman hiling niya na sana ay huwag naman siyang paratangan ng mga ito na may galit kay Janine Gutierrez.




It's Showtime May Good News Sa Madlang Pipol, New Studio Ipapasilip Na!

Walang komento

Miyerkules, Abril 3, 2024


 Talagang magiging masaya ang pagdiriwang ng kaarawan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang kaarawan ngayong taon dahil isasabay sa kanyang pagdiriwang ang unang pag-ere ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso Network.


Dobleng selebrasyon ang ipagdiriwang ng noontime show na It's Showtime sa darating na April 6, 2024 dahil kasabay ng unang pag-ere nila sa GMA7 ay ilalabas naman nila ang birthday episode ni Vice Ganda.


Talagang magiging bongga ang pasabog ng mga hosts ng show para sa nasabing episode, sa katunayan, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng mga hosts.


Tila lalampasan nila ang bonggang first episode ng It's Showtime sa GTV kung saan sumakay pa sa chopper si Vice Ganda mula ABS-CBN hanggang GMA Network.


Hinala naman ng ilang mga netizens na sa mismong studio ng GMA7 magaganap ang first episode ng nasabing show para na rin i-welcome muli ang mga It's Showtime hosts sa GMA Network.


Samantala, inaabangan naman ngayon ng marami kung sino ang Kapuso artists na makakasama nina Vice Ganda sa unang episode ng kanilang show.


Sa kabilang banda, may mga usap-usapang sa kaparehong petsa ay sasalang sa pinag-uusapang segment ng It's Showtime na Expecially For You ang rumored couple na sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Hindi pa naman sigurado kung makakasama ba ang aktor na si Xian Lim sa nasabing segment o sina Kim Chiu at Paulo lamang.


Nauna nang inihayag ni Kim Chiu na walang problema sa kanyang kung sakaling magiging guest host ng It's Showtime si Xian Lim. Bukas din umano siya na makasama sa iisang proyekto ang dating kasintahan dahil hindi naman umano sila magkaaway.




Nancy McDonie, Pumirma Ng Co-Management Contract Sa Sparkle Artist Center

Walang komento

Martes, Abril 2, 2024

 

Dating Momoland member na si Nancy McDonie pumirma ng co-managemeng contract sa GMA Sparkle Artist Center.


Ibinahagi mismo ng GMA Sparkle Artist na nasa ilalim na ng kanilang pangangalaga ang dating myembro ng South Korean Pop-Group na Momoland na si Nancy McDonie.


Nauna nang isiniwalat ni Boy Abunda sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda na darating sa bansa sa susunod na buwan si Nancy McDonie dahil may gagawin itong mga proyekto.


Samantala, kahit nakapirma ng kontrata si Nancy McDonie sa GMA Sparkle artists ay mananatili pa rin ito sa South Korea at pupunta lamang siya sa Pilipinas kapag may gagawin siyang proyekto.


Ang GMA Network lamang ang mamahala sa mga engagements ni Nancy McDonie sa Pilipinas habang ang Korean agency naman nito ang mamahala sa kanyang showbiz career sa South Korea.


Sa pagpirma ng kontrata ni Nancy McDonie sa GMA Network, marami ang nag-aabang kung magkakaroon din ba ito ng pagbibidahang teleserye sa GMA Network.


Ang unang appearance ni Nancy McDonie ay sa Winter edition ng The Running Man Philippines na mapapanood sa GMA Network sa darating na May 2024.


Kinunan sa South Korea ang partisipasyon ni Nancy McDonie sa The Running Man Philippines kaya naman nagkaroon na ng pagkakataon ang mga host ng naturang show na makilala si Nancy McDonie at makasama ito ng personal.


Si Nancy Jewel McDonie, na kilala bilang Nancy, ay isang Korean-American na mang-aawit, artista, at host. Siya ay dating miyembro ng South Korean girl group na Momoland, na nabuo noong Nobyembre 10, 2016, sa pamamagitan ng reality survival show ng Mnet na Finding Momoland.




Vice Ganda May Matinding Resbak Kay Cristy Fermin Matapos Siyang Sabihan Na Sipsip Sa GMA Network!

Walang komento

Lunes, Abril 1, 2024

 

Kaagad na rumesbak ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga paninira ni Manay Cristy Fermin kung saan sinabihan siya nitong sumisipsip sa mga bosses ng GMA Network matapos niya itong pagtawanan noong may prangkisa pa ang ABS-CBN.


Hindi na nagpigil pa ang komedyanteng si Vice Ganda at kaagad na rumesbak kay Cristy Fermin at sa mga kasamahan nito nang sabihan siyang sipsip sa GMA Network. 


Matatandaan na kamakailan lamang ay opisyal nang naging bahagi ng GMA Network ang It's Showtime matapos ang kanilang contract signing ng ABS-CBN at GMA para sa paglipat ng nasabing show sa main channel ng GMA Network.


Nagbigay pa ng madamdaming pahayag noon si Vice Ganda kung saan inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa GMA7 na kumupkop umano sa kanilang show sa panahong nawalan sila ng tahanan.


Kaagad namang naglabas ng komento si Cristy Fermin patungkol sa naging speech ni Vice Ganda kung saan tinawag niya sipsip si Vice Ganda at kinakain na umano nito ang ginawa nito sa GMA noong mayroon pang prangkisa ang ABS-CBN.


Ipinapalabas rin ni Cristy Fermin na tila hindi siya sang-ayon sa desisyon ng GMA Network na ipalit ang It's Showtime sa Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc. na kamakailan lamang ay tumigil sa pag-ere.


Ayon kay Cristy Fermin, pinapalabas lamang ng GMA Network na mas magaling ang hosts ng ABS-CBN kaysa sa mga Kapuso artist.


Tila nawalan rin umano ng pagkakataon ang ilang mga Kapuso artists na mabigyan ng trabaho kung sakaling nag-produce ng sariling show ang GMA7.


Sa kamakailang tweet ni Vice Ganda, nagbahagi siya ng isang meme na makikita ang mga pangit na nilalang na ipinagpalagay ng lahat na si Cristy Fermin dahil sa isinulat na 'Nay' at caption nitong 'bwak bwak bwak'.



Janine Gutierrez Nagsalita Na Inamin Kung Bakit Ayaw Niya Makatrabaho Ang Ex Na Si Paulo Avelino!

Walang komento




 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platform ang patungkol sa artista na ayaw makatrabaho ng aktres na si Janine Gutierrez.


Lumalabas ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung umayaw umano ang aktres na si Janine Gutierrez na makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino.


Dahil dito, naniniwala tuloy ang ilang mga netizens na nagtapos sa hindi maganda ang kanilang relasyon. May mga nagsasabi na hindi umano nagkaroon ng closure ang dalawa kaya naman mayroon pang bitterness na nararamdaman si Janine Gutierrez.


Sa kamakailang episode ng showbiz vlog ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz, isiniwalat niya ang nakarating sa kanyang balita patungkol sa aktres na si Janine Gutierrez.


Ayon kay Ogie Diaz, ipinarating sa kanya ng kanyang mga sources na malapit sa aktres na kung may artista siyang ayaw makatrabaho sa ngayon ito ay walang iba kundi ang pinaniniwalaang ex-boyfriend nito na si Paulo Avelino.


Naniniwala naman si Ogie Diaz na tila hindi nagkaroon ng maayos na closure ang dalawa dahilan para tumanggi si Janine na makasama sa iisang trabaho ngayon si Ogie Diaz.


Marami rin ang nakapansin na tila bigla na lamang naging bukas si Paulo Avelino sa kanyang lovelife ngayon kasama ang aktres na si Kim Chiu dahil noon naman ay napakapribado ng aktor pagdating sa kanyang lovelife kahit pa nauugnay siya kay Janine Gutierrez.


Dahil dito, marami ang naghinala na baka naman ay hindi gaano ka-seryoso si Paulo Avelino kay Janine Gutierrez noon hindi kagaya ngayon kay Kim Chiu na handa siyang ipagsigawan sa lahat ang kanilang closeness.


Sa kabilang bansa, may mga naniniwala naman na kaya maingay ngayon ang pangalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaysa sa kanila noon ni Janine Gutierrez dahil mas kilala naman si Kim Chiu.


Marami rin umano ang sumusubaybay ngayon kay Kim Chiu dahil kakahiwalay pa lamang nila ng kanyang nobyo for 12 years na si Xian Lim.



Kathryn Bernardo Nagpatawad Na Pero Minarkahan Ang Mga Taong Nanakit Sa Kanya

Walang komento


 Inilabas na ng MEGA Magazine ang kanilang interview kay Kathryn Bernardo kung saan maraming rebelasyon ang naisiwalat ni Kathryn Bernardo patungkol sa kanya.


Ipinahayag rin niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kaibigan at pamilya na naroon para sa kanya sa mga panahon na nangangailangan siya ng makakaramay.


Hinid naman lingid sa kaalaman ng lahat na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay si Kathryn Bernardo nang maghiwalay sila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla noong November 2023.


Ayon kay Kathryn Bernardo, isang proseso ang kanyang pinagdaanan para magkaroon ng oras para sa kanyang sarili at maprotektahan ang kanyang peace of mind.


Ang labis pa umano na nakakasakit ay iyong kailangan pa rin niyang gawin ang mga nakalatag na project para sa kanila ni Daniel Padilla sa kabila ng kanilang pinagdadaanan at ipakitang maayos pa rin sila sa harap ng publiko.


Nagbigay naman ng makahulugang pahayag si Kathryn Bernardo patungkol sa forgiveness. Ayon sa kanya, kapag napatawad na niya ang isang tao ay hindi naman niya kakalimutan ang ginawa nito. Hindi na rin umano niya ibabalik.


"Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it but, when I forgive you, it doesn't mean that I have to keep you in my life. I forgive you for my peace of mind for clarity and everything but it doesn't mean na pwede kang bumalik," saad ni Kathryn Bernardo.


Dagdag pa niya, "I just keep my distance, keep your distance where ok like that. I mean kunyari, I got hurt. Why would I allow you to comeback.. depends it's a case to case basis."


Kaagad namang naiugnay ng mga netizens kay Daniel Padilla ang naging pahayag ni Kathryn Bernardo. Marami ang nagsasabi na talagang wala nang balak pa si Kathryn Bernardo na makipagbalikan kay Daniel Padilla sa kabila ng pagpapatawad niya rito.



Mga Fans Ni Daniel Padilla Nagrereklamo at Kinukwestyon Ang Sexy Image at Birthday Party Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nag-iingay ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilang mga bitter fans ng aktor na si Daniel Padilla na dating mga KathNiel fans dahil sa naganap na birthday celebration ni Kathryn Bernardo sa El Nido, PalawaN kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan na karamihan ay mga kalalakihan.


Trending at laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms lalong lalo na sa Twitter ang aktres na si Kathryn Bernardo dahil sa naganap niyang 28th birthday party.


Nagdedebatehan ngayon ang ilang mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil marami sa mga fans ng huli ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Kathryn sa kanyang birthday party.


May mga fans kasi ni Daniel Padilla ang pumuna at pinapatamaan ang aktres na si Kathryn Bernardo sa naganap na birthday celebration nito sa isang private yacht kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.


Ayon sa isang fan ni Daniel Padilla, na hindi magandang tingnan ang pagsama-sama ni Kathryn Bernardo sa mga lalaki matapos ang hiwalayan nila ni Daniel. May mga nakapansin rin kasi na kadalasan sa mga nakakasama ngayon ng aktres ay mga lalaki na kamakailan lamang umano niya nakilala.


May mga fans din ni Daniel Padilla na kumukutya sa birthday party ni Kathryn Bernardo at tinatawag ito ng iba't-ibang pangalan kagaya na laman ng pabuhat birthday party at 12 years ere party.


May mga nagulat rin dahil sa biglaang pagdami ng kaibigan ngayon ni Kathryn Bernardo na kadalasan pa at mga kalalakihan sa loob ng industriya ng showbiz.


Kaagad namang dumipensa ang mga fan ni Kathryn Bernardo, kung saan iginiit nila na ang nakaraang birthday celebration ni Kathryn Bernardo ay para sa kanyang peace of mind at happiness matapos ang ilang taong betrayal ni Daniel Padilla at iba pa nilang malalapit na kaibigan.


Ipinahayag naman ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo ang kanilang pagiging proud kay Kathryn Bernardo dahil nakayanan niyang i-let go ang 11 years toxic relationship kay Daniel Padilla. Tama lang rin umano ang ginagawa ngayon ng aktres na ipamukha kay Daniel Padilla na kaya niyang maging masaya sa kabila ng kanilang paghihiwalay.


Samantala, naging makahulugan din ang appreciation post ni Kathryn Bernardo na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account kung saan pinasalamatan niya ang mga naging bahagi sa kanyang happiest birthday to date.


Tila sinasabi na rin umano ng aktres na mas naging masaya siya ngayong nagdiriwang siya sa kanyang kaarawan nang hiwalay na kay Daniel Padilla.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo