Vice Ganda Nagreact Sa Pag Alis Ng Showtime Host Para Lumipat

Biyernes, Mayo 17, 2024

/ by Lovely


 Pormal nang ipinakilala ang unang tatlong 'Win Girls' na siyang makakasama ng TV host na si Willie Revillame sa muling pag-ere ng kanyang show sa TV5.


Ito ay ang Batanguena TikTok influencer na si Queenay Mercado, dating beauty queen at internet personality na si Inday Fatima at ang host ng It's Showtime Online U na si Ana Ramsey.


Ikinagulat ng maraming mga madlang pipol ang paglipat ni Ana Ramsey sa show ni Willie Revillame sa TV5 dahil aktibo pa naman ang kanyang programa sa Showtime Online U.


May mga netizens at madlang pipol naman ang nagsasabing sana ay magtagal si Ana Ramsey sa show ni Willie Revillame at hindi nito pagsisihan ang pag-alis sa Showtime gayung naka-establish na ito at tila malaki ang kanyang potensyal na sumikat.


May mga naghinala naman na baka malaki ang ibinigay na offer ni Willie Revillame kay Ana Ramsey kaya naman pinili ng host na tumalon sa ibang show dahil mahirap naman talagang tumanggi sa pera sa panahon ngayon.


Samantala, binalikan naman ng ilang mga netizens ang naging isyu noon ni Willie Revillame na paninigaw sa mga casts at crews ng kanyang show. Ayon sa mga netizens, dapat ay sanayin na ni Ana Ramsey ang kanyang sarili na masigaw-sigawan ni Willie Revillame kapalit ang malaking talent fee.


Sa kabilang banda, tila nagparinig naman sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario patungkol sa kanilang loyalty sa kanilang show at sa walang iwanan anuman ang mangyari.


Hindi man sila nagbigay ng anumang detalye ay marami ang naghinala na tila ito na ang sagot nila sa paglipat ni Ana Ramsey.


Sa ngayon ay hindi pa inaanunsyo kung kailan magsisimula ang show ni Willie Revillame sa TV5 ang sinigurado lamang ng mga ito na magkakaroon pa sila ng dalawang pasabog na host na hindi aakalain ng mga taong mapapabilang sa kanilang line up.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo